Chapter 45 - The Badgirl's Good Side

29 0 0
                                        

[Diana's POV]

Lahat kami ay naghanda sa muling pag-atake nila. Nanatili kaming tahimik. Pero may plano kami. Not so perfect,but we'll finish this.

"Diana.." Narinig kong sabi ni Aidan nang pumasok siya sa kwarto. Yeah. Yung mansion na binigay samin? We lived there... with the other members. Syempre,may sari-sariling kwarto.

"Kailangan ba talagang lahat sila andito?" Nakangusong sabi ni Aidan at niyakap ako patalikod.

"Yeah,I guess? Hahaha. " natatawa kong sambit at bumitaw sa yakap niya para lumabas na ng kwarto pero agad niya akong nahila at sinandal sa pader.

"Ano ba,Aidan." Naikot ko ang mata ko.

"What? You don't like this?" Nakangising sabi nito at bumaba ang kamay niya sa bewang ko at marahang hinahaplos iyon. Wala sa sariling napangisi na rin ako at ipinulupot ang mga kamay ko sa leeg niya.

"I Love You.." he smiled and kissed my forehead.

"I Love You,too." I answered and smiled back.

Sabay kaming lumabas ng kwarto at dumeretso sa pool.

"San ba kayo galing? Tss,If I know may kababalaghan nanaman kayong ginawa." Nakataas ang isang kilay na sabi ni Ariane at sumimsim ng juice niya.

"Awww! This is life!" Pasigaw na sabi ni Akihira sabay tanggal ng bathrobe niya na nagpakita ng maganda niyang hubog ng katawan. Well,hindi naman talaga sobrang mataba si Aki. She's petite pero kaya niyang magsuot ng swimsuits like her two-piece right now.

"Oh,you gotta be kidding me,Diana. T-shirt girl ka na pala ngayon? Pull it off,girl!" Nakangising sigaw ni Akihira at saka naglakad papunta sa swimming pool.

Natawa lamang ako at saka nilingon si Aidan na kasalukuyang kasama si Ethan na mag-ihaw ng barbeque. Pareho silang naka-kaki shorts at nakat-shirt si Ethan habang naka topless naman si Aidan. Wala na akong pake kay Ethan. Mas hubog si Aidan. Lol.

"Go on." He smirked at nagbalik sa paggawa niya ng barbeque. Tinanggal ko na ang malaking shirt na suot ko na nagreveal ng one-piece swimsuit ko. Hindi naman masyadong showy. Well,except sa konting cleavage at bikini Area. What? We all need rests for all the shits,problem is throwing unto us.

Dali dali akong tumalon sa pool. At natatawang nagpalutang lutang.

"Hold up,wait a minute. Magpapatalo ba ako?" Sabi ni Ariane at tumayo sa bean bag na kinauupuan niya at tinanggal ang shades at hat niya. Siya naman itong may beach body talaga. Firm na firm ang coke-shaped niyang katawan na nagbagay sa two-piece niyang yellow.

Agad naman siyang bumwelo upang lumangoy.

"WOOH!" Natatawa pang sigaw ni Akihira habang nagtatapsikan kami ng tubig sa isa't isa.

"Shut your asses,ladies!" Natigil kami sa nagsalita.

No. Way.

Si Danika iyon na naka criss-cross swimsuit lang naman. She never did this before. Ni hindi nga nagaalis ng T-shirt yan pag naliligo sa pool.

"Oh my precious glorious gods!" Napatili si Akihira na nasa tabi ko.

"HOOOOT!" Papuri ni Ariane na nakangisi.

The Secret Of The Nerd (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon