Sabihin mo na lahat ng masasakit na salita, panlalait, pambubully at lahat ng sumpa, hindi na ako maapektuhan yan. Sino ba naman sa atin ang hindi pa naranasang mabully? Ikaw? owwws hindi nga? edi ikaw na! it's you already!
Hi people of the world, I'm Keira Salvi, 24, tiga Bulacan isang certified retokada. My big boobs, my bottle shape body, pointed nose, pouted lips, my white skin, lahat yan bunga na magaling na kamay nung doktor ko. Hindi ko na sasabihin ang pangalan, baka magkasabay pa tayo ng schedule ng oplan balik alindog.
Sabi nila, money can't buy happiness daw so don't make it your priority over love, naisip ko lang mapapaganda ba ako ng love na yan?
Simpleng babae lang naman ako noon e, mejo may katabaan (owwwwws) okay, mejo mataba (ooooows ulit) okay.okay. mataba ako sobrang taba, okay ka na? Halos kasing taba ko na nga yung sikat na nagmumukbang si soo bin?
Okay naman ako sa ganun e, I don't even care kung balyena tawag nila sa akin, at least kahit hindi ako kumakain hindi nila nahahalata. Kahit nga sabhin ko sa mga kaibigan ko na "frienny, gutom na ako" tatawa lang sila at sasabihing "gutom ka? hindi halata", sabay tawa nang napakalakas na akala mo wala ng tawanan mamaya at papatayin na ang tumawa bukas. Pero okay lang, sanay naman na ako sa kanila. Lagi ko na lang iniisip na wala ng magtyatyaga sa akin kundi sila...
Sila kasi yung mga kaibigan ko since college, and we work on the same company as customer care representatives kaya hanggang ngayon matiyaga pa din nila akong sinasamahan pataas at pababa ng 2nd floor sa opisina na pinapasukan namin. They patiently wait for me, hanggang sa makarating kami ng maayos sa canteen, nasa ground floor kasi yung canteen, and it took us 30 minutes bago marating yung favorite spots namin sa canteen; may elevator naman sa company namin, ang problema lang hindin dahil sa hindi ako kayang buhatin nung elevator pababa at pataas, kundi hindi kasi ako magksaya sa pintuan. hahahaha... so we always take the ladder instead at syempre kapag nakarating na kami sa canteen, wala ng tao tapos na sila kumain bago pa kami dumating. Saya diba?
Sila nga pala si Nikka at Chandy mababait at mga lukaret din yung mga yan, sila yung mga sulsol kung bakit ako nag undergo ng major repair sa katawan ko I mean sa buong pagkatao ko. Lagi kasi akong naiinggit sa mga figure nila, lalo na kay Nikka, sobrang ganda kasi niya, mga 5'5 taas niya, long legged, bada boom ang katawan, straight na blond yung hair nya, mukha syang amerikana lalo na kapag naka dress na sya so sophistic...sofisticated? sopistikeyted?? sophis.....ahhh basta sobrang class nya! si chandy naman simple lang, may mala birheng mukha, laging nakabeach wave ng buhok, may morenang balat at flat na chest. hahaha. yung tipong kapag humarap sya eh parang nakatalikod pa ren. (tawa ka please!!hahaha)
Tres marias nga kung tawagin kami, ako yung tres (3) kasi kasize ko daw, at sila (Nikka and Chandy) yung marias. Lagi din kami naicocompare sa isa't-isa, Si Chandy daw maganda; pero mas maganda daw si Nikka pero ako naman daw yung pinaka-mabait. Sakit diba!
But everything started to change simula nung Bumalik siya....
Sakay ng isang napakabilis na trycicle, sa mga estima ko mga nasa 120 kph ang takbo ni manong driver, yung tipong mas mabilis pa sya kay the flash. Hindi ko pa napipikit yung mga mata ko, wala na agad yung trycicle na sinasakyan nya. Sakto naman palabas na ako sa office,sayang talaga hindi ko man lang sya nakausap ...
"uy, firenny si ano yun ah", nabubulol pang sabi ni Nikka
"oo nga," sagot naman ni Candhy gaya ng lagi naman nyang ginagawa---sumang-ayon.
Tatawagin sana kita non, maghihihiyaw sana ako hanggang sa madinig mo ko, kaso naisip ko hindi nakakapretty kung sisigaw ako, lakas makadifficult.. kaya, hindi na lang... huwag na lang!
(insert maghihintay ako...)
DAhil namiss ko yung chance na makita at makausap ka sa personal dahil sa manong driver na yun, nagaalburuto siguro yung tyan nun sa sobrang bilis magmaneho, I decided to check my social media account to stalk your wall.
So when I'm finally home, inopen ko agad yung account ko and dun sinearch ko yung name mo
**typing**
KYLE LENNY GOMEZ then i enter...and boom!
ayun na, lumabas na yung display picture mo and I think you have changed a lot.
Diretso ako agad sa pagstalk sa wall mo, since friends tayo nakita ko yung status you posted,
going back home...
24 hrs ago.
Bigla kong naalala na binanggit na nga pala sa akin nung all time bestfriend mo since elementary, Jhio Roberts, yung pagdating mo galing states. Kaya pala ang dami mong dalang maleta, pero kung kakauwi mo lang galing states, bakit ka sa trycicle nakasakay? uuuuuy, walang budget ganon? ang cheap ha!...
so while scrolling your time line, napansin ko na ang gwapo mo na pala ngayon. Ang ganda ng mga mata mo, tas yung lashes at brows mo ang kakapal, and your pointed nose lakas maka James Reid, napansin ko din yung red lips mo.. at kahit hindi ka masyadong pumuti bagay sayo yung fair complexion mo, in short ang gwapo mo na talaga, you are a total opposite of the Kyle I know when we graduated college.
and as I keep on scrolling your timeline, nakita ko yung shinare mong class picture natin nung grade 6, mejo nainis pa nga ako, kasi sa dinami-dami ng pwede mong ishare na throw back pictures natin, yun pa talagang picture na pareho tayong parang piglets ang napagtripan mong ishare...
Habang tinitingnan ko yung picture, all the memories flashed back as if it just happened yesterday...
yung tipong mapapamura ka na lang ng
"pak shet malutong"....
YOU ARE READING
When piglets turn pig
RomanceIt is a funny love story about two people who fell in love at the wrong place and at the wrong time (sounds cliche) hahaha! resulta lang ito ng isang tuksuhan na nauwi sa taguan ng feelings and eventually nagkadevelopan (sounds cliche ulit) ... do...