The Major Flash back

65 6 0
                                    

"Gooooooood morning...." nakangiting bati sa akin na tita Athena ko...  

Himala ata at nasa mood si tita so sumagot ako "good morning din po"

Si Tita Athena yung nagpalaki sa akin, since wala si mommy at daddy, they both work abroad. Oh sosyal diba? and kung iniisip nyo na spoiled brat ako? nagkakamali kayo, di uubra kay tita yung brat brat na yan! Mabait naman si tita dati, hindi sya masungit NOON, bago pa sya mabiyuda.. ayyy teka, parang mali... ay oo tama, wala pala siyang asawa, NBSB nga pala siya No boyfriend since birth so paano sya mabyubyuda? Maganda naman si tita e, hawig nga sya kay Vina Morales eh. Kung tatanungin nyo ko bAakit wala sya naging boyfriend, I swear hindi ko saagutin yan.. No, Never! ikaw na lang humusga kung bakit...

"Good Morning Kira", inulit na naman ni tita yung bati nya.

"tita, Keira po, hindi Kira.." paliwanag ko. "oo nga, Kira taman naman ako ah", dagdag pa nya.

 "Tita naman e, Keira. K-E-I-R-A. Keira" sabi ko.

At bago pa ako makabangon sa higaan ko....naglitanya na sya.

"hoy, kira, bumangon ka na, First Day of school mo ngayon kaya dapat bilisan mo kilos. Grade six ka na, be responsible enough. Noong panahon namin, kami nag aasikaso ng lahat bago kami makapasok sa skwela kami magsasaing, maghuhugas ng plate, mag-gagayak ng lahat. ngayon ikaw naman, babangon ka na lang at kakain para makagayak ang kupad mo pa... blah.blah..." super talak siya...

"tah, anong taon nga yung kapanahunan nyo na yun?", 

"1999" sagot nya...

"eh tita, 2018 na ngayon.. duuuh.. syempre iba yung generation nyo, sa generation namin ngayon.. we are millenials, bilinguals, homosexuals, mga batang babaeng nabuntis at maagang nagluwals...." pangaasar na sagot ko..

"hoy, Kira tigil-tigilan mo yan ha, you are too young pa for that" sabi tita A. 


"okay tita, but please, I wish to correct you, it's Keira not Kira"pagyayabang ko.

"okay Kira o walang pera?", tanong nya.
so naisip ko na kapag hindi nya ako binigayn ng pera naku mamimiss ko yung siomai na naligo sa sili, yun hot cake na malamig at yung french fries na walang french people sa school namin...

" ay tita tama ka, it's Kira... ang sarap pakinggan nung Kira, bakit kaya hindi yun ang ipinangalan sa akin nina mommy at daddy... Kira. tamaaaaa KIIIIRA!", pag sang ayon ko sa takot na mawalan ng pera....

Kira. Kira. Kira paulit-ulit kong binabanggit habang patungo sa banyo para maligo. 

5:30 am. pa lang ginising na ako ni tita, akala mo siya yung papasok sa sobrang aga nyang magising.

kaya gaya ng nakasanayan ko, matutulog muna ako sa banyo ng another 30 minutes.

10 minutes....tik.tak.tik.tak.

20 minutes...tik.tak.tik.tak.

bago pa dumating yung ika-30 minutes...

"Kiiiiiiiiraaaaaaaaa! anong balak mo, ginawa mo na namang condo unit yan banyo, ikaw bata ka, ano bang meron sa banyo at gustong gusto mo yung amoy ng banyo na para bang pinaghehele ka pa, sa sarap ng tulog mo?", talak na naman siya ng talak.

so siguro naman, alam nyo na ngayon kung bakit hindi pa saya nagkakanobyo? ano? ulitin nyo nga? hindi ko nadinig. Dahil taklesa sya? ooooops, di ako nagsabi nyan. hahaha baliw lang ang peg?

Eto na nga, napasarap ang tulog ko sa banyo..shocksssss malalate na ako kaya -----

wisik dito..wisik don... 

When piglets turn pigWhere stories live. Discover now