KABANATA 15

253 15 0
                                    

Attack

Malapit na kaming matapos ni Brave sa pagkain ng magambala kami sa ingay ng mga bagong dating.

And when I look up, bumungad sa akin ang mga nakangising sila Skylier, Greg, Enrie at Matthew.

"What's up, baby princess?" Sinamaan ko ng tingin si Skylier ng akmang uupo siya sa tabi ko.

"Don't you dare, o ako mismo ang magpapalayas sa inyo dito." Madilim kong saad.

Nakita kong agad na umatras sila Enrie na akmang makikiupo rin sa mesa namin ni Brave.

"Ang init ng ulo ni leader, masama 'to mga bro." Rinig kong biro ni Matthew. Sinamaan ko din siya ng tingin pero agad itong umiwas at nakipag-usap kay Greg.

"Bakit ba ang init ng ulo mo, baby princess? Mens?"

Nag-init ang ulo ko sa salitang binigkas ni Skylier. Dahan-dahan ko siyang binalingan.

"What did you say, Skylier Toronzo?" With my emotionless face and cold voice, kitang-kita ko kung paano mapalunok ng sariling laway si Skylier.

"Skylier, ako ng bahala." I heard Brave said. Ngumiwi naman muna si Skylier bago dali-dali kaming tinalikuran at nagpunta sa lamesa nila Greg.

"Wifey." Tawag sa akin ni Brave. Nakanguso ko naman siyang liningon.

Nakakunot ang noo nito at nagtataka sa aking kinilos. "Why so grumpy all of the sudden?"

Lalo namang humaba ang aking pagkakanguso. "Eh kasi naman, eh!" I almost cried in frustration. "This is not my ideal first date."

Iilang sipol ang narinig namin sa mesa nila Skylier ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin. Nakangiti naman sa aking harapan si Brave dahil sa aking sinabi.

Humalakhak siya. "Hmm, edi ang first date pala natin ay iyong pumunta tayong batangas na tayong dalawa lang?"

Sasang-ayon na sana ako ng may maalala sa pangyayaring iyon kaya't iningusan ko siya. "Where we are kidnapped after? Is that what you think my ideal date?"

Tumango-tango naman siya at hindi na nagsalita.

Nanlaki naman ang mga mata ko ng may mapagtanto. "Oh my gosh? You mean, wala pa tayong pinaka-first date?"

Tumawa naman si Brave. "Meron kaya--"

"Yung na kidnapped tayo?" Halos pa-irap kong pagputol sa kanya.

Marahan naman siyang ngumiti. "No."

Kumunot naman ang noo ko sa naging sagot niya. Meron pa ba?

"Don't you remember, wifey? This is also the exact place where we had our very first date, though it's not the same restaurant anymore. Pinagiba na kasi iyon at ito ang pinalit."

And then realization hit me. Ilang taon na ang nakalipas ng maligaw ako sa Manila at napadpad dito. Kasalanan talaga 'yon ng eskwelahan na hinahanap ko.

Naligaw ako at naubusan ng pera. Tanghaling-tapat na no'n at gutom na gutom na talaga ako. Ang pinakamalapit lang na kainan noon ay ang isang mamahalin pang kainan.

Mabuti na lang at may isang mabuting lalaki na tumulong sa akin noon at--

Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap. "Y-you are that man? Ikaw ba talaga 'yon, hubby?"

Natawa naman siya ng makita ang reaksyon ko. "Yeah, it's me."
Napatakip ako sa aking bibig. That's why familiar sa akin ang daan dito! Ang tanging nabago lang ay ang iilang mga establisyemento na nakatayo rito, kasama na ang restaurant na kinainan namin noon.

MSAI2: The Mafia Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon