Simple and Normal
Natawa na lang ako sa lalaking busangot ang mukha mula pa kanina ng magising ito.
Ang nakasimangot nitong mukha ay lalo pang nadepina ng tumawa ako. Nag-mukha pa siyang mas matanda sa kanyang edad na limang taong gulang, dahil sa pagpipilit na ikunot ang noo.
"Mom, stop laughing at me! It's not funny." Inis na nitong wika. Kaya kahit na natatawa pa ay pilit akong nagseryoso.
"I'm sorry, baby. You're just so clingy to your dad and that makes me laugh." Sabi ko na ikinapula niya ng pisngi.
His pouty lips, pointed nose and smoky eyes makes me smile. He's like a younger boy version of me. Funny, how much he loves his father the way that I do. Anak ko nga talaga siya.
"I'm not." Tanggi niya pa. "He just missed our breakfast time and now, it's almost lunch time but he's still not here! So, nope, I'm not missing, dad." Umiling-iling pa ito na parang may pinapatunayan.
Akmang magsasalita ako ng pumasok sa kusina ang panganay kong anak. He resembles my dear husband from head to foot. Tila pinabatang bersyon ng kanyang ama.
Malamang ay ganyan na ganyan din ang itsura ni Brave ng labindalawang taong gulang pa lang siya.
"Oh, admit it, Raven. You're so clingy, right mom?" Anito saka yumakap sa akin sa tagiliran. "Morning mom, I love you." Bulong pa nito na ikinangiti ko.
Kung mas malambing si Raven sa ama, mas malambing naman sa akin si Bricks. Fair enough.
"Raven, your father is probably on his way home right now. Don't worry too much." I said to calm my youngest son. Nanlaki naman ang mga butas nito sa ilong dahilan upang matawa kami ni Bricks. Aww, my baby is pissed. Ang tagal naman kasi ni daddy.
Nang tumunog na ang lutuan, tanda na luto na ang kanina ko pang hinihintay na malutong pagkain ay tumayo na ako. Sakto namang may bumusina sa labas ng aming bahay.
Nanlaki ang mga mata ni Raven, "Daddy!" he shouted in delight. Iwinagayway nito ang mga paa at pilit na inaabot ang sahig, linapitan naman siya ni Bricks at tinulungang makababa sa upuan ang kapatid.
"Mom, salubungin ko lang din sila dad." Paalam ni Bricks kaya tumango ako kaagad.
Sinundan nito ang tumatakbong kapatid. Nang parehas ko na silang hindi matanaw sa kusina ay napangiti na lang ako.
14 years ago mula ng talikuran ko ang Mafia society. Pero sa kabila no'n ay pinanatili ko pa rin ang komunikasyon ko sa F.I.S.T. at sa buong Mafia organization. Dahil alam kong hindi ko pwedeng basta-basta na lang talikuran ang tungkulin ko bilang tagapagmana ni Mommy Neilani and Daddy Alejandro, kahit ano pang sabi nilang ayos lang na mamuhay ako ng normal at malayo sa gulo.
I will be never ever turn my back to my family.
And besides, I am their only heiress, kaya sino pa ba'ng magmamana ng tungkulin na iyon kun'di ako? Iniisip ko na lang na kahit paano ay tinalikuran ko na Mafia society, or more like ang mga illegal na gawin na kasama nito.
Kaya laking pasasalamat ko ng suportahan ni Mama at ni Tito L ang desisyon ko.
"You don't actually have to ask our permission hija, alam ko namang kaya mo ng magdesisyon mag-isa." Wika ni Tito L. Umiling naman ako sa kanya at tipid na ngumiti.
"You're my family too, Tito. All of you is part of my life, always. Your thoughts, matters to me." I softly said. Sa kabilang banda ay nakita ko ang lihim na pagpunas ng luha ni Mama.
Ngumiti ako sa kanya at gayon din siya. Kumirot ang puso ko. Mabilis kong tinawid ang pagitan naming dalawa at yinakap siya. My mother.
"I am proud of you, anak." Lumuluhang sabi niya. I hug her tighter. "I love you, mama." Namamaos kong sabi. Dahil kailan man ay hindi mapapantayan ng iba ang pagmamahal na meron ako para sa babaeng nagpalaki sa akin.

BINABASA MO ANG
MSAI2: The Mafia Princess (COMPLETED)
Teen FictionBook 2 of My Stepbrothers And I Akala ko noon ay meron lamang akong isang normal na buhay ng isang tao. Nagkakamali pala ako. I thought being with him is enough, but I'm wrong. Kailangan pa pala naming lampasan ang iba pang pagsubok. Being with them...