Sacrifice
Tahimik lamang akong nakatitig sa kawalan. Ngayon ko lang napagtanto na hindi isang simpleng coincidence ang nangyaring paghuli sa amin. Kun'di ay plinano ito.
Nagngingitngit ang kalooban ko sa nalaman pero ano pa nga ba'ng inaasahan ko? A traitor will always deceive you. Pretending that he's on your side but little did you know that he's silently betraying you without you, noticing him. At pinatunayan lamang iyon lalo sa akin ni Aries.
Ngumisi ang lalaking may kagagawan ng lahat ng ito. Kitang-kita sa mga mata ni King Valenciano ang bakas ng kasiyahan sa bawat tulo ng aking luha.
Gustuhin ko mang pigilan at punasan ang bawat patak ng aking luha ay tila nawalan ako ng lakas. Ni hindi ko magawang iangat ang aking mga kamay upang gawin iyon, kahit na tinanggal na ni Bren ang pagkakatali nito.
"Oh, it's nice seeing the F.I.S.T. princess crying with her precious tears." Nang-uuyam na sinabi ng matanda.
Natauhan naman ako sa kanyang sinabi. Nanlilisik ang aking mga mata ng ituon ko sa kanya ang aking paningin.
"Fuck you!" Malakas kong sigaw.
Nawala naman ang ngiti sa kanyang labi. Lalo lamang naging malamig ang mga mata nito.
"Can you all leave us here, Guardians?" Malamig na utos nito sa mga pinamumunuan. Na kaagad namang sinunod ng mga ito. "Except you, Aries."
Natigil naman sa akmang pag-alis si Aries. At mukhang nabigla pa ito sa pagpigil ng matanda. Pero sa huli ay sumunod na rin ito at muling bumalik sa tabi ni King Valenciano.
Naiwan na lamang kaming apat sa napakalawak na arena. Ang malamig na hangin ay nanunuot sa aking balat. Saka ko lamang napagtanto na isa pala itong open arena.
Nag-umpisang maglakad palapit ang matanda sa aming pwesto ni Brave. Habang nakasunod naman si Aries sa likuran nito. Ang nakakabinging tunog ng yabag ng sapatos nito ang pumupuno sa buong katahimikan ng lugar.
Naramdaman ko ang galaw ni Brave sa aking tabi. Itinukod nito ang kamay sa lupa at tila nais bumangon mula sa pagkakahiga. Kaya agad ko siyang tinulungan kahit maski ako'y nahihirapan na iupo siya ng maayos.
Puno kasi ng bugbog at sugat ang buong katawan niya dahilan ng panghihina nito. May bahid pa ng dugo sa gilid ng labi nito na agad kong pinunasan.
Natigilan naman si Brave at namumungay ang matang tumingin sa akin. Hindi dahil sa sensual na nararamdaman ngunit dahil sa pagkapagod.
"I'm sorry if I can't help you." mahinang sabi ko sa kanya ng hindi ko na mapigilan pa.
Alam kong kahit paano ay pilit niyang itinatago sa akin ang hirap at sakit na nararamdaman at nararanasan niya ngayon kahit pa kitang-kita ko na iyon, dahilan ng mas lalo pang pagkirot ng puso ko.
Pilit na ngumiti sa akin si Brave kahit putok na ang gilid ng labi nito. "You don't need to. I can tolerate any kind of pain, wifey, 'wag ka lang masaktan."
Ngumiti na lamang din ako sa kanya kahit medyo labag dito ang kalooban ko.
No matter how sweet it may sound, it is just too ideal for me. Imposibleng maako ng isang tao ang sakit na nararamdaman ng kapwa nito. Dahil mailigtas man nito ang minamahal sa pisikal na sakit, babaon naman sa naligtas ang emosyonal na sakit. Because seeing someone you love sacrificing for you is so painful.
Parang gusto mo ring magsakripisyo, na dapat ay hindi mo gawin dahil parang nasayang lamang ang ginawa ng taong iyon na nagligtas sa'yo. But in the end, mananaig ang pagmamahal mo, your decision will lead you to sacrifice your self also for the one you love.

BINABASA MO ANG
MSAI2: The Mafia Princess (COMPLETED)
Novela JuvenilBook 2 of My Stepbrothers And I Akala ko noon ay meron lamang akong isang normal na buhay ng isang tao. Nagkakamali pala ako. I thought being with him is enough, but I'm wrong. Kailangan pa pala naming lampasan ang iba pang pagsubok. Being with them...