KABANATA 14

274 12 0
                                    

Date

Nanginginig ang aking mga kamay na pilit kong itinatago. Kabaliktaran nito ang walang emosyon kong mukha.

"You're scared?" Tanong ni Brave na makita ang nanginginig kong mga kamay.

Napatingin muna ako rito bago siya binalingan. "No, I'm not." Matigas kong sagot.

It's true. Hindi ako takot. Pero ang nanginginig kung mga kamay ay nagsasabi ng kabaliktaran! Ano ba'ng problema ng mga ito?

Kinuha ni Brave ang isang kamay ko at pinagsiklop niya ang aming mga kamay. Napatingin ako sa kanya. Tahimik lamang siya at mukhang kalmado.

Napahanga tuloy ako sa kanya. Mas nauna akong pumasok sa mundong ito pero mukhang mas gamay na niya.

"Stop the car, kuya." Baritonong wika ni Brave.

Napatingin ako sa taxi driver na unti-unting tinitigil ang sasakyan. Nangunot ang noo kong bumaling kay Brave. Binigyan ko siya ng nagtatanong na itsura pero seryoso lamang siyang nakatingin sa harap. Hindi ako binabalingan.

Napairap na lang ako at lumabas na rin sa sasakyan. Tinatanaw kong lumayo ang taxi na sinakyan namin, pero bago man iyon mawala ng tuluyan sa aking paningin ay hinila na ako ni Brave papasok sa isang restaurant na binabaan namin.

Nagpatianod naman ako pero hindi ko na mapigilang magtanong. "What are we doing here? Siguro naman aware ka na may sumusunod sa atin?"

Bumuntong hininga siya, sa sobrang hina no'n ay halos hindi ko na marinig.

"I know." Aniya bago kami tuluyang makapasok sa isang mamahaling restaurant.

Hinayaan ko na lamang siyang kausapin ang sa tingin ko'y manager ng lugar na ito. Habang pinalibot ko naman ang aking paningin.

Pinalilibutan ng mga salamin ang buong lugar. Tahimik at halatang pangmayayaman. Mukha ring bagong gawa ang lugar. May mahinang lumang kanta ang pinapatugtog na nagpapagaan ng damdamin. This restaurant is really good.

Pero sa tingin ko'y hindi pa rin ito sapat na maganda, lalo na sa mga oras ng kapahamakan. I don't even think that these thick glasses that surrounding this whole place are bulletproofs. What if nasa tabi ka ng malalaking salamin na iyan at may bumaril sa iyo mula sa labas? Patay ka na nga, may masusugatan pang ibang kumakain na mga tao dahil sa mga magtatalsikan na bubog.

Kulang din ang mga empleyado kaya malamang ay baka hindi rin agad sila makakatulong sa lahat ng customer.

I sighed on my thoughts. Hindi talaga lahat ng maganda ay mabuti para sa iyo. Minsan ipapahamak ka pa pala.

Muling bumalik ang diwa ko ng hawakan ako ni Brave sa aking baywang at sabay kaming naglakad patungo sa aming lamesa.

Pinagtitinginan pa kami ng ilang tao roon. Probably, because of the dresses that we wear. Nakapantalon lang kami ni Brave at simpleng T-shirt, habang halos lahat na nandito ay mga naka-tuxedo at mamahaling mga gown.

Halos matawa pa ako sa isiping ito. Ano ba'ng masama? As long as you can pay, kahit ano pang suot mo ay pwede. Maliban na lang kung required talaga sa restaurant na ito ang magsuot ng mga agaw pansin na damit.

Umupo kami ni Brave sa bandang dulo ng restaurant. Kaunti lang kaming narito dahil karamihan ay nasa bungad ang pwesto.

Dumating ang waiter at hiningi ang aming order, hinayaan ko na lamang si Brave na umorder ng aming kakainin. Sakto namang nakita ko ang pagdating ng dalawang puting sasakyan sa labas ng restaurant, tinted ang mga bintana nito kaya kahit sa malapitan mo pa ito tignan ay hinding-hindi mo makikita kung sino ang nasa loob.

MSAI2: The Mafia Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon