Real
"Stay here." Mariing sinabi ni Brave saka kinuha ang kanyang baril.
Sinubukan ko siyang pigilan ngunit nakalabas na siya sa kotse. Gayon na lamang ang kaba ko ng makitang tinutukan siya ng lampas sa benteng katao. Gusto ko man siyang tulungan ay wala akong dalang armas.
"Aries! Aries, help him!" Yugyog ko sa tila natulalang kasama namin.
Natauhan naman ito at may kinuha ring baril sa dashboard. "Dito ka lang, yumuko ka, okay?" Anito bago tuluyang lumabas.
Nakita ko kung paano nila kinakausap ang mga armadong lalaki. Hanggang nagpaputok si Brave at tinamaan nito ang isa.
Tumili ako at napayuko ng marinig ang sunod-sunod na putukan ng bala. May isang tumama na bala sa windshield ng front seat na dahilan ng pagkakatili ko muli.
"Raine!" Rinig kong sigaw ni Brave sa di kalayuan. Pumikit na lamang ako sa takot. Wala akong kalaban-laban sa oras na ito, at hindi naman ako immortal para magkaroon ng himala na mabuhay pagnatamaan ng bala.
Bumukas ang kanang pinto ng kotseng sinasakyan ko. Hindi ko liningon kung sinong may gawa no'n. Umaasa na lamang akong sana ay si Brave iyon o kahit si Aries man lang. Pero ang malakas na paghigit sa aking braso ay sapat na sa akin upang malaman ko na hindi sila ito.
Ang malamig na nguso ng kanyang baril ang idinikit nito sa aking sentido. "Tumigil na kayo o papatayin ko ang babaeng 'to!" Ang matigis na boses ng lalaki.
Dahan-dahan kong minulat ang aking mata. Nagkalat ang ilang bangkay ng mga armadong lalaki, ngunit marami pa rin silang natitira. Malamang dahil lugi sila Brave. It's two versus those men na hindi ko alam kung ilan.
Lumabas si Aries sa kanyang pinagtataguan at agad na binaba ang kanyang baril. Nagtaas ito ng kamay bilang pagtanda ng kanyang pagsuko. Nagtatagis naman pero ang bagang nito habang nakatingin sa akin.
Naramdaman ko ang mas lalong pagdiin ng lalaki sa aking ulo ang hawak niyang baril. Pagnakawala lang talaga ako dito, I will make sure that this bastard will pay!
"Nasaan 'yong isa?! Lumabas ka ng hayop ka kung ayaw mong mamatay 'to!"
"Get your dirty hands off her." Mula sa isang gilid ay lumabas si Brave habang nakatutok ang kanyang baril sa taong nasa aking likuran.
Nalaglag ang panga ko ng makita ang kalagayan niya. May isang tama siya sa kanyang binti at paika-ikang naglakad. "Pakawalan mo siya o babarilin kita!"
Sigaw ni Brave dahilan ng pamamasa ng aking mga mata. Naawa ako sa kalagayan niya. At inis na inis naman ako sa aking sarili. I am the F.I.S.T. mafia princess, pero ang matulungan man lang ang minamahal ko ay hindi ko magawa.
"Brave! Ibaba mo na ang baril mo!" Sigaw ni Aries pero hindi siya pinakinggan ni Brave. Na Nanatili itong matalim ang tingin sa lalaking nasa aking likuran habang nakatutok ang kanyang baril dito.
Tumawa ang lalaking may hawak sa akin. "Edi iputok mo, gago!" Halakhak nito.
Umigting ang panga ni Brave sa narinig. Humigpit ang hawak nito sa kanyang baril ngunit hindi ipinuputok.
"Ano?!" Nang-aalaskang sigaw ng lalaki. Tila mabibingi pa nga ako sa ingay ng kanyang boses. "Bago mo ipaputok 'yan mamamatay ka na! 'Di mo ba nakikita? Napapaligiran na kayo!"
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. I don't want to admit it, but it's true. Mabaril man ni Brave ang lalaking may hawak sa akin ay kapalit din nito ang kanyang buhay. Marami man silang napatay kanina ni Aries ay mas lamang pa din sa dami ang mga kalaban.
Gustuhin ko mang karatehin na lang ang may hawak sa akin ay di ko magagawa. Bukod kasi sa kanya ay may ilan pang baril ang nakatutok sa akin, oras na subukan ko mang makawala.
Binangga bangga muli ng lalaki ang aking sentido gamit ang dulo ng kanyang baril. Tumulo ang luha ko. Hindi dahil sa ginagawa ng lalaki. Pero dahil sa kawalan ko ng magagawa. If only I can help Brave to fight these bastards, baka sana, wala siya sa ganyang kalagayan ngayon. Kung may silbi lang sana ako ngayon.
"Ano ha?! Iputok mo na! O baka naman hindi mo magawa dahil alam mong itong babaeng ito ang matatamaan mo?" Muling tumawa ang lalaki.
Napatingin sa akin si Brave. Saktong pagtulo ng isa ko pang luha. Tama ang sinabi ng lalaki at mukhang alam din iyon ni Brave kaya't hindi niya magawang barilin ito. Dahil sa oras na gawin iyon ni Brave gagawin akong pangdepensa ng lalaking ito. Nang sa huli ako ang tatamaan ng bala at mamamatay.
Nakitaan ko ng pagod ang kanyang mga mata. May iba't iba pang nakahalong emosyon rito ngunit iba ang nangingibabaw.
Unti-unti niyang ibinaba ang hawak niyang baril. Napapikit na lamang ako. Sumusuko na siya.
Narinig kong may kumuha sa kanyang baril upang makasiguro na wala na siyang panlaban. Pinakapkapan din silang dalawa ni Aries. Nang masiguradong wala na sila pang sandata ay saka lamang ako pinakawalan ng lalaki. Marahas ako nitong tinulak sa isang tauhan na agad naman akong tinalian sa aking mga kamay.
Napamulat ako ng maramdaman ang sakit na dulot ng marahas nitong pagtulak. At sa aking pagmulat ay doon ko nakita ang itsura ng lalaki.
Katamtaman lang ang laki ng katawan nito at hindi ganoong kamaskulado. Pero alam kong malakas pa rin ito. Mukhang mas matanda lang rin ito ng ilang taon kay kuya Worth.
Nakangisi itong lumapit sa pwesto nila Brave. Parehas silang nakaluhod sa lupa ni Aries habang tinatalian din ng ibang tauhan. Nang mapasinghap ako sa sunod na ginawa ng lalaki. "Brave!"
Kitang kita ko kung paano sumalampak sa lupa si Brave at umubo ng dugo ng sipain siya ng lalaki.
"Iyan ang napapala ng mga mayayabang na gaya mo! Kulang ka pa sa mga kakaining bigas, bata!" Nakangising sabi nito. Tumawa naman ang ilang mga tauhan bago nila ipinasok sa magkahiwalay na sasakyan sila Brave at Aries.
Napatulala na lamang ako sa nasaksihan habang patuloy ang pag-agos ng aking luha.
May humatak sa akin at pagbagsak na isinakay din sa isa pang sasakyan ngunit wala na akong pakialam doon.
Ang tanging nasa-isip ko lang ay ang patayin ang taong nasa likod ng lahat ng ito.
Ngayon lang. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pagnanais na makapatay ng tao. At hindi ako magkikiming gawin iyon.
"Tiyak na matutuwa si boss nito! Sa wakas at natupad na ang mga plano niya." Napakuyom ako ng kamao sa narinig. Ako din, natutuwa. Natutuwang pagplanuhan kung paano mapapatay ang boss ninyo at pati na rin kayo.
☆★☆

BINABASA MO ANG
MSAI2: The Mafia Princess (COMPLETED)
Ficção AdolescenteBook 2 of My Stepbrothers And I Akala ko noon ay meron lamang akong isang normal na buhay ng isang tao. Nagkakamali pala ako. I thought being with him is enough, but I'm wrong. Kailangan pa pala naming lampasan ang iba pang pagsubok. Being with them...