Jackson Drew Velasquez
"Kausapin mo naman ako please?"
Kanina ko pa siya sinusundan pero hindi man lang siya lumilingon sa akin para kausapin ako.
Oo, inaamin ko marami akong naging kasalanan sa kaniya. Pero yung dahilan ng break up namin? Wala akong kasalanan doon.
* flashback *
"JD" tawag ni Nathalie Perez sa akin, bestfriend ng girlfriend kong si Alexia Katherine Sanchez
"Yes?"
Kami lang ang tao sa may gym ng school. Lagi akong nandito dahil nga sa captain ball ako ng basketball team dito sa school.
"May sasabi..."
Bigla niya akong hinawakan sa magkabilang pisngi at tsaka ako binigyan ng mga halik sa labi.
"JD, Nath?"
Agad kong tinulak palayo sa akin ang bestfriend niya, pero huli na ang lahat. Agad siyang tumakbo palayo.
Tinignan ko naman ng masama si Nathalie at nag "sorry" lang siya sa akin.
Agad din naman akong tumakbo para sundan si Alexia.
Nakita ko lang siyang umiiyak sa may field, habang nakahawak sa mga tuhod niya at naghahabol pa ng hininga.
"Makinig Ka naman muna sa akin oh? Please. Wala yung nakita mo, wala lang talaga yun"
"I'm done with you and your bullshits"
Sa 2 taon ng aming relasyon, hindi ko inakala na mamahalin ko siya. Mamahalin ko siya, na dumating pa sa punto na umiiyak ako ngayon sa harap niya.
"Yung bestfriend mo..."
Hindi siya nakinig sa paliwanag ko, tinakpan lang niya ang mga tainga niya gamit ang kaniyang mga kamay
Pilit kong inaalis ang mga kamay niya na nakatakip sa mga tainga niya
Mas lalong lumakas ang pag-iyak niya. Niyakap ko siya pero agad niya naman inalis ang pagkakayakap ko sa kaniya.
"I love you. Mahal na mahal kita, please maniwala Ka sa akin. I can't afford to lose you"
Wala akong ibang naririnig sa kaniya kundi ang pag-iyak niya lang.
Lumakad na siya palayo sa akin, at kahit ano pang tawag ko sa kaniya ay hindi na siya lumingon pa.
(An: the convo is from prolouge, but different POVs)
* end of flashback *
Hinawakan ko siya sa kaliwang braso niya, tinignan niya naman ng masama yung kamay ko na nakahawak sa kaniya kaya agad ko siyang binitawan.
"Alexia... Makinig ka naman muna sa akin oh." Pagmamakaawa ko sa kaniya
Dahan-dahan siyang lumingon sa akin at tsaka nagpakawala ng malalim na buntong-hininga
"Ano pa bang ipapaliwanag mo sa akin? Nakita ng dalawang mata ko kung paano kayo naghalikan ng bestfriend ko. And all of the people, bestfriend ko pa"
Walang emosyon niyang sinabi ang mga bagay na yun. Wala na ba siyang nararamdaman para sa akin?
"Mali ka kasi ng iniisip..."
"Jack...tama na, ilan beses mo na ba akong niloko? Sawang-sawa na ako sa pagpapatawad sayo. Please...tigilan mo na ako"
Lumakad na siya palayo sa akin. Napasabunot naman ako sa buhok ko.
Marami na kaming bagay na pinag-awayan, malala pa sa dahilan ng paghihiwalay namin ngayon.
BINABASA MO ANG
Pagsuko (short story)
Teen FictionKapag mahal mo ipaglaban mo, pero paano mo pa nga ba ipaglalaban ang isang tao na sumusuko na sayo?