"Bakit ka ba napadayo dito tol?"
"Gusto ko lang mag-inom"
Nandito ako sa bahay ngayon ni Charles Andrei Buenaventura, kababata ko. Kasama ko kahit sa anong kalokohan.
"*laughing* maglalasing ka ng dahil sa babae? Unbelievable"
Hinampas ko ng malakas ang mesa sa harapan namin, wala ako sa wisyo para makipag biruan.
"Hindi mo naiintindihan, kasi hindi mo pa alam ang salitang seryoso"
"Sakit nun tol" humawak pa siya sa dibdib at umarteng nasasaktan "oh sige, sagot ko na inumin natin ngayon"
3 araw pa lang simula ng nagkahiwalay kami, pero walang gabi na hindi ako umiinom.
"Ano ba sa palagay mo ang dapat kong gawin para mapatawad niya ako?"
"Kung ayaw niya na sayo, hayaan mo na lang siya. Siguro hindi lang talaga kayo para sa isa't-isa"
Natawa naman ako sa sagot ni Charles, hindi mo siya maririnig na magseryoso. Minsan lang.
Inilapat ko ang braso ko sa lamesa at tsaka ko ipinatong ang ulo ko dito.
"Hindi ko siya kayang pakawalan, masyado ko siyang mahal"
Hinampas niya naman ng mahina ang ulo ko "gago mo kasi e! Ang dami-dami mong ginagawang kalokohan noong kayo pa, tapos ngayon hahabol-habol ka"
Inangat ko ang ulo ko "siguro nga totoo ang kasabihan na malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag wala na siya sayo"
Tumayo na ako at naglakad palabas
"Saan ka pupunta?"
"Alexia"
Agad akong pumara ng tricycle, kumukulimlim na. Pero kailangan namin mag-usap.
"Alexia, Alexia. Kausapin mo naman ako oh?"
Nandito lang ako sa labas ng bahay nila, patuloy sa pagtawag sa pangalan niya.
"Alexia..."
"Alexia please"
Lumabas ang nakakabata niyang kapatid na si Jessica
"Kuya JD, umuwi na po kayo. Ayaw ka pong kausapin ni ate Alexia"
"Please, Jessica. Saglit lang naman eh. Kailangan lang namin mag-usap"
"Sorry kuya pero hindi talaga pwede"
Pumasok na siya sa loob, pero hindi pa rin ako umalis sa harap ng bahay nila.
"Alexia, hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako kinakausap, please!"
Unti-unti na rin bumuhos ang ulan, pero hindi iyon sapat na dahilan para umalis ako sa kinatatayuan ko.
"Alexia!"
"Please, ngayon lang please. Alexia!"
Bumukas ulit ang gate nila, doon lumabas si Alexia na may hawak na payong.
Agad akong lumapit sa kaniya, at binigyan siya ng yakap pero tinulak niya ako palayo sa kaniya.
"Umuwi ka na."
"Alexia, wala ka na bang natitirang pagmamahal sa akin? Kahit kaunti?"
"Jack, ilan beses ko ba sasabihin sayo na wala na tayong pag-asa ha?"
At sa pangalawang pagkakataon, lumuhod ako ulit sa harapan niya
"Isang pagkakataon na lang"
Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha ko, kasabay ng pagpatak ng ulan.
BINABASA MO ANG
Pagsuko (short story)
Teen FictionKapag mahal mo ipaglaban mo, pero paano mo pa nga ba ipaglalaban ang isang tao na sumusuko na sayo?