3 araw na simula ng huli ko siyang makita at makausap. Wala kahit isang balita akong natatanggap mula sa kaniya.
Hindi rin siya pumapasok sa klase niya. Tinetext ko siya at tinatawagan pero hindi siya sumasagot.
Ano na bang nangyayari sa kaniya?
Lagi ko rin siyang dinadalaw sa bahay nila pero walang tao.
Muli akong pumunta sa kanila, nagbabakasali na baka nandito na sila.
Pinindot ko ang doorbell ng 5 beses, wala pa rin sumasagot.
Naupo muna ako sa labas nila, masyado akong nag-aaalala sa kung anong nangyari sa kaniya.
Napatayo ako sa pagkakaupo ng may tumigil na sasakyan sa harapan.
"Jack..."
Naglakad ako palapit ng may isa pang lalaking bumaba mula sa sasakyan
"Pumasok kayo sa loob" utos niya kay Alexia at Jessa
Si Mr. John Sanchez ang ama ni Alexia
"Pero pa, kailangan ko pong makausap si Jack"
"Sabi ko pumasok kayo sa loob!"
Pumasok naman sila sa loob at naiwan kaming nakatayo ni Mr. Sanchez dito sa labas.
* boogsh *
Napaupo ako sa lakas ng suntok niya, hinawakan ko naman ang gilid ng labi ko at naramdaman ko ang dugo dito.
Dahan-dahan akong tumayo
"Layuan mo ng anak ko!" Bulyaw niya sa akin habang dinuduro ako
"Suntukin niyo na po ako kahit ilang beses niyo gusto, pero hindi ko po kayang layuan ang anak niyo"
"Tignan mong nangyari sa anak ko ng dahil sayo! Pinagkatiwala ko siya sayo, pero anong ginawa mo?"
Napatungo ako ng dahil sa sinabi niya. Oo, kahit ako sinisisis ko rin ang sarili ko sa mga nangyari sa kaniya
"Handa ko naman pong panagutan ang bata sa tiyan ng anak niyo"
Napaluhod siya sa sinabi ko at kinuyom ang kaniyang palad "hindi ko naprotektahan ang anak ko! Napaka wala kong kwentang ama"
Lumapit ako sa kaniya para himasin ang kaniyang likod "layuan mo na siya!"
Tumayo na siya at bago pa man siya makapasok sa loob ay nagsalita ako "pero mahal ko po ang anak niyo"
Bumalik ulit ang tingin niya sa akin at hinawakan ako sa balikat "gusto ko ng mas makakabuti para sa anak ko, at hindi ikaw yon"
Nanginginig ako sa galit, hindi dahil sa sinabi ng ama ni Alexia. Kundi dahil sa sarili ko. Hindi ko man lang napatunayan na karapat dapat ako kay Alexia. Sobrang sakit para sa akin.
"Paano ko po ba mapapatunayan na ako ang lalaking para sa anak niyo?"
Hindi pa man siya nakakasagot ay bumalik sa labas si Alexia at yumakap sa akin "Pa..." May panginginig sa boses niya
"Alexia, pumasok ka na sa loob!" Hinila niya palayo sa akin si Alexia
Wala naman akong magawa, ang kailangan namin dito ay ang maayos na pag-uusap
"Ayoko ng magkita kayo!" Matigas na sabi ni mr.Sanchez
"Pero pa..."
"Kahit kailan! Pumasok ka na sa loob"
Lumapit ako kay Alexia para yakapin siya pero agad kaming pinaglayo ng tatay niya
Halos 5 minuto din kaming nakatayo sa labas "ano pang hinihintay mo? Umuwi ka na"
"Hindi po ako aalis dito kahit ano pong mangyari, mahal ko po ang anak niyo"
Hindi na siya sumagot sa akin at pumasok na sa loob. Ilang beses ko tinatawagan si Alexia pero nakapatay na ang cellphone niya.
Alas'5 ng umaga ng maalimpungatan ako dahil sa ingay mula sa gate. Nakatulog na pala ako sa labas ng bahay nila, mabuti na lang at subdivision ito kundi baka anong nangyari sa akin.
Pinagpag ko ang narumihan kong damit at tsaka tumayo. "Jack...hindi mo naman kailangan panagutan yung bata kung naaawa ka lang sa akin."
"Pero Alexia hindi ko to ginagawa dahil naaawa ako sayo. Ginagawa ko to kasi mahal kita!"
"Jack..."
"Alexia, makinig kang mabuti sa sasabihin ko okay?" Tumango siya sa akin "sa dami-rami ng pinagdaanan natin, sa dami-rami ng babaeng nakilala ko at dumaan sa buhay ko hindi man lang pumasok sa isip ko na ipagpalit ka. Alam mo kung bakit? Kasi mahal kita. Wala na akong pakielam sa sabihin ng iba! Wala na akong pakielam sa pinagdaanan mo. Kasi alam mo kung ano ang importante? Ikaw at ako, kung paano natin haharapin ang mga pagsubok na darating sa atin"
Nakita ko ang pagtulo ng luha niya, pinunasan niya iyon. Kasabay noon ay ang paglabas ng ama niya mula sa gate.
"Nakapag-usap na kayo, siguro naman makakauwi ka na"
"Bigyan niyo po ako ng isa pang pagkakataon"
Nagawi ang tingin ko sa mga malalaking bag na hawak ni Mr.Sanchez "s-saan po kayo pupunta?"
Sumakay na sila sa sasakyan. Naiwan na lang nakatayo si Alexia sa labas ng sasakyan nila habang nakatingin sa akin.
"I'm sorry Jack" sumakay na rin siya sa sasakyan
Pinaandar na ng tatay niya ang kanilang van. Tumakbo ako at hinabol ang sasakyan nila, umaasa na bababa si Alexia at babalik sa akin.
Huminto na ako sa pagtakbo habang hinahabol pa ang hininga ko. "Hinding hindi ako susuko. Iintayin kita"
BINABASA MO ANG
Pagsuko (short story)
JugendliteraturKapag mahal mo ipaglaban mo, pero paano mo pa nga ba ipaglalaban ang isang tao na sumusuko na sayo?