"Hahahaha, loko ka talaga Hero"
"Hahaha, oh eto tikman mo Alexia. Ako nagluto niyan"
"Ang sarap ah, hindi ko akalain na marunong ka pala magluto. Hahahaha"
Kasabay ng pagtayo ko ay ang paghampas ko sa mesa, dito lang ako nakaupo sa kalapit nila kaya naman rinig na rinig ko ang kanilang pinag-uusapan.
Hinila ko sa braso si Alexia hanggang sa makarating kami sa field ng school.
Si Hero naman, parang aso lang na sunod ng sunod.
Wala akong ibang marinig kay Alexia kundi ang pagsabi niya ng "bitawan mo nga ako"
Pero hindi, isang pagkakataon na lang susuko na ako.
Ipaubaya niya lang sa akin ang pag-uusap na to, at tatanggapin ko kahit na ano pang desisyon niya.
"Alexia, sasabihin ko sayo lahat ng nangyari. Mula sa umpisa, hanggang doon sa mga nakita mo"
Tinakpan niya lang ulit ang mga tainga niya. Ganito na lang ba siya lagi tuwing mag-uusap kami?
"Tama na Jack!" Tumalikod siya at nagpatuloy sa pagsasalita "hinding-hindi na ko makikinig sa panloloko mo"
"Lalayo na ko pagkatapos nito, pakinggan mo lang ako"
Muli siyang tumingin sa akin, kita sa mga mata niya na nasasaktan rin siya. Pero mas doble yung sakit na nararamdaman ko.
"Wag na natin pag-usapan, tapos na eh. Wala rin naman magbabago"
"Please..."
"Okay Jack, alam ko na naman ang nangyari e. Pero sawa na kasi ako na halos buwan-buwan nag-aaway tayo ng dahil sa babae, na halos linggo-linggo nag-aaway tayo ng dahil sa alak, na halos araw-araw nag-aaway tayo dahil hindi mo kayang gampanan yung pagiging boyfriend mo, na halos oras-oras nag-aaway tayo ng dahil sa pagyoyosi mo"
Tumalikod siya ulit, kagaya ng lagi kong ginagawa hinawakan ko ulit ang braso niya.
"Wala na ba talaga?"
"Tama na Jack"
"One last chance"
"Tama na pre, sinabi niya na na ayaw niya diba?" Hinawakan ni Hero ang bandang braso ko.
Tinignan ko lang siya ng masama at dahan-dahan inalis ang pagkakahawak ko kay Alexia.
"Halika na?" Pagyaya ni Hero kay Alexia
Tumingin siya sa akin sa huling pagkakataon, pero nakapako pa rin siya sa kinatatayuan niya.
"Kapag sumama ka sa kaniya, hindi na kita guguluhin ulit"
Tumango siya sa akin at tsaka hinawakan ang kamay ni Hero.
Kitang-kita ko ang magkahawak nilang kamay habang pareho silang naglalakad palayo sa akin.
Naupo lang ako at pilit na ipinapasok sa isip ko ang mga nangyari.
Naaalala ko dito niya pa binigay sa akin ang matamis niyang "Oo" at dito rin pala sa lugar na ito matatapos ang relasyon na meron kami.
* flashback *
"Hoy ms.president!"
"Bakit mr.basagulero?"
"Wala lang ang ganda mo kasi eh *winks*"
Nakita ko ang pamumula ng kaniyang mukha
"Hoy! Wag nga ako!"
Umupo ako sa tabi niya at tsaka sinandal ang ulo ko sa balikat niya
Hindi niya naman inalis ang pwesto namin ganoon, sanay na kasi siya sa pang-iinis ko
"Inaantok ako *hikab*"
"Mag-aral ka na kaya, may exam tayo"
Frienemy pa lang kami masyado na siyang mag-alaga at mag-paalala sa akin.
"Tinatamad ako"
Tumayo naman siya at namewang sa harapan ko. Ewan ko ba, pero lalo siyang gumaganda sa paningin ko kapag ginagawa niya yun.
"Para kaya yan sa future mo! Kaya wag kang tatamad-tamad Mr.Velasquez"
"Opo Mrs.Velasquez"
Namula na naman siya ng dahil sa sinabi ko, nakakatuwa talaga siyang pagmasdan.
Tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo ko at inakbayan si Alexia
"Alam mo Alexia, obvious naman na gusto mo na rin ako pero bakit hindi mo pa rin ako sinasagot?"
Kinurot niya ang tigliran ko, kaya naalis ang pagkakaakbay ko sa kaniya.
"Yabang mo!"
"Pero seryoso, kailan mo ko balak sagutin?"
"Ngayon"
"Ngayon? Kai- ano ngayon?! Fvck, edi tayo na?"
Pinitik niya naman ako sa labi
"Wag ka ngang magmura"
Hindi naman ako seryoso pagdating sa mga relasyon, hanggang sa naging kami.
* end of flashback *
**
"Oh tulala ka pre?"
"Pre, kinikilabutan na talaga ako sayo ha. Iinom na kaya natin yan?"
Tinignan ko lang ng masama si Charles, pero ang gago naka ngisi lang sa akin.
"Ayaw ni Alexia na nag-iinom ako"
Tumawa naman ng malakas si Charles
"At ngayon mo pa talaga naisipan na sundin siya ha? Seryoso pre? Kung kelan wala na kayo?"
Kinuwelyuhan ko si Charles ng dahil sa sinabi niya, alam ko wala na kami
"Tumigil ka na!"
Tinaas naman ni Charles ang dalawa niyang kamay na para bang sinasabing "suko na ako"
"Chill pre, okay?"
"Gago kasi e! Si Hero ata, pinopormahan ulit si Alexia"
"Walang masama, single naman si Alexia"
**
Bago matulog, siya pa rin ang laman ng isip ko
Masyado na ata akong nagpapakatanga sa kaniya
* flashback *
Pumunta kami sa mall para kumain ng madaanan namin ang isang jewelry shop
Hinila ako ni Alexia papasok sa loob
"Kailan kaya kita mabibili?"
Seryoso? Tama bang kausapin ang isang kwintas?
Sa mata niya, makikita mo kung gaano niya ito kagusto
Hinila ko na siya palabas
"Halika na, may pasok pa tayo mamaya baka ma late na tayo"
"Babalikan kita ha?"
Paalam niya sa kwintas. Tss weird
* end of flashback *
BINABASA MO ANG
Pagsuko (short story)
Teen FictionKapag mahal mo ipaglaban mo, pero paano mo pa nga ba ipaglalaban ang isang tao na sumusuko na sayo?