Epilogue

153 8 3
                                        




Alexia's POV

It was our 2nd anniversary when that thing happened to me. The first three days after that incident was a hell for me. Kahit sino hindi ko kinakausap.

On the fourth day after that, my best friend noticed the changes on the way that I acted. That's the time that I confessed everything to her.

"Bes..." Yumakap siya sa akin pagkatapos kong sabihin sa kaniya ang nangyari

"Please, wag mong sasabihin kahit kanino"

She nodded to me "please, do me a favor?"

**
"Pero bakit ayun pa?"

"Eto lang ang naiisip kong paraan"

"Bakit hindi mo na lang sabihin sa kaniya?"

"Bes, ayokong mag-alala siya" tumulo na yung luha ko "ayokong sisihin niya yung sarili niya, *sobs* ayokong malaman ng lahat na kaibigan niya yung gumawa sa akin nito *sobs*"

Yinakap ako ni Nathalie at hinimas ang likod ko para pakalmahin ako. "Gagawin ko na bes, para sayo"

Pinlano ko ang lahat, I asked Nath to kiss Jack so that I can have a reason to break up with him.

"Tama ba yung narinig ko?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Hero "na rape ka?"

Pinakiusapan ko siya na wag din niyang sasabihin kahit kanino, ayun din ang dahilan kung bakit lagi ko siyang kasama.

Gabi-gabi akong umiiyak, iniisip na sana panaginip lang ang nangyari sa akin.

"Bes sorry"

Hinanda ko na naman ang sarili ko para sa makikita ko, pero bakit ang sakit? Kahit na alam ko pang ako ang may gusto nito.

Pero alam mo yung mas masakit? Yung marinig mo ang matagal mo ng hinihintay na sabihin ng taong mahal mo

"I love you. Mahal na mahal kita, please maniwala Ka sa akin. I can't afford to lose you"

2 taon? Never kong narinig sa kaniya ang mga salitang iyan. Pero masaya ako na sa huling pagkakataon, bago pa man kami maghiwalay sinabi niya sa akin na mahal niya ako.

"Mahal na mahal din kita" bulong ko sa sarili ko

Oo, mahal ko siya. Kaya ginagawa ko ang bagay na to. Masakit pero kailangan.

Makalipas ng ilang linggo, naramdaman ko ang pagbabago sa katawan ko.

Sino ba naman mag-aakala na ang kababuyan ginawa sa akin ay magbubunga pa?

"Buntis ako Nath..." Napahagulgol ako matapos tignan ang result ng PT

Dalawang pulang linya.

"Nath...*sobs* please, samahan mo ako ipapalaglag ko yung bata *sobs*"

"Bes, walang kaalam-alam yung bata. Kasalanan sa Diyos yan e"

"Etong bata...*sobs*" hinampas hampas ko yung tiyan ko, pilit naman akong pinipigilan ni Nath "bunga to ng kahayupan! *sobs* eto ang sisira sa pangarap ko! *sobs*"

"Alexia...tama na, makakasama sa bata yan eh"

Kaya lahat ng bagay ginawa ko, nagpakapagod. Magpalipas ng gutom at kung anu-ano pa mawala lang ang bata sa sinapupunan ko.

"eto ba ang ama ng bata ha?"

Dumating na nga ang araw na kinatatakutan ko. Ang malaman ni Jack ang totoo.

"Bes bakit mo sinabi?"

"Hanggang kailan ko itatago Alexia? Naaawa na ako sa sitwasyon mo."

"Mas mabuting ako na yung mahirapan, wag lang siya."

"Ano bang nagustuhan mo sa lalaking yon? Ilan beses ka na nga bang niloko niya? Ha?" Inabot niya ang dalawa kong kamay "marami pang lalaki sa paligid. Yung lalaking hindi ka lolokohin"

Tumulo na ang luha ko "ano bang nagustuhan ko sa kaniya?" Umiling ako at nagpunas ng luha "hindi ko alam. Ayoko nga sa taong naninigarilyo diba? Nag-iinom halos gabi-gabi. Walang direksyon ang buhay" tinuro ko ang dibdib ko "hindi ko siya pinili. Eto ang pumili sa kaniya"

"Kaya kahit nahihirapan ka okay lang?"

"Eto kasi yung pag-ibig na tinatawag nila. Kahit masakit kakayanin mo"

Tatlong araw kaming nawala, umuwi ang daddy ko galing Saudi kaya naman nagbakasyon kami sa Cebu -ang probinsya ni papa.

"Mga anak kakain na tayo"

Unang subo ko palang ay nakaramdam na ako ng pagsusuka

Agad akong tumakbo sa cr

Nakita kong nakatayo si papa sa labas ng cr "may masakit ba sayo anak? Gusto mo bang ipa check-up kita? May malapit na doctor dito"

"Pa..." Inabot ko ang dalawa niyang kamay. Nanginginig ang buo kong katawan, alam kong magagalit siya sa malalaman niya

"B-buntis po a-ako"

Kasabay ng pagsambit ko ng mga salitang iyon ay ang paglapat ng kaniyang palad sa mukha ko

Napaupo ako sa sobrang lakas at sakit "sinong ama niyan ha?!"

Bakas sa mga mata niya ang galit

"Nagkulang ba ako sa pagpapa-alala sa inyo ha?"

"N-na r-rape po ako"

"Ano?!" Lumuhod siya sa harap ko at tsaka ako niyakap

"Anak, bakit?"

Kumukunsulta ako sa psychologist, may mga pagkakataon kasi na magigising na lang ako ng sumisigaw

May mga oras din na bigla na lang akong maiiyak kapag maaalala ko ang bagay na nangyari sa akin

Bumalik kami sa Manila, napagdesisyunan namin na sa Cebu na lang kami titira para na rin may magbantay sa amin magkapatid

Bumalik kami sa Manila dahil gusto kong magpaalam kay Jack ng personal

Ayaw na sana ni papa. Nagalit siya kay Jack, lahat sila iniisip na si Jack ang may kasalanan nito, kung bakit nangyari sa akin ito. Pero hindi, hindi siya.

"I'm sorry Jack" that was my last word for him

Nakita ko kung paano niya habulin ang sasakyan namin.

Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na siya at napagod. Pinagmamasdan ko pa rin siya sa side mirror.

"Pa...itigil niyo po yung sasakyan"

"Anak, napagkasunduan na natin to diba?"

"Pero pa...mahal ko po si Jack"

Inihinto ni papa ang sasakyan sa gilid. Nakatungo pa rin si Jack habang nakahawak sa kaniyang tuhod at naghahabol ng hininga.

Tumakbo ako palapit sa kaniya
"Jack..."

Dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya "Alexia..."

Agad akong tumakbo palapit pa sa kaniya at tsaka siya niyakap ng mahigpit "Jack...hindi ka sumuko"

"Kasi mahal kita"

"Papakasalan mo ko diba? Kahit hindi ikaw..."

Nilagay niya ang index finger niya sa labi ko para patigilin ako sa pagsasalita

"Sinabi ko na sayo diba? Wala na akong pakielam sa pinagdaanan mo"

Tumulo na naman ang luha ko, pero sa pagkakataon ito hindi dahil sa nasasaktan ako. Umiiyak ako sa labis na kasiyahan.

"Bakit ka umiiyak?"

"K-kasi, kahit binigyan kita n-ng maraming r-rason para iwan ako. B-bumabalik ka p-pa rin sa akin"

"Kasi meron akong isang rason na pinanghahawakan para di ka iwan. At yun eh dahil mahal kita"

**
AN: bitin eh? I know. Hahaha but at least they have their happy ending.

Btw sorry for the POV's na lame. Trip story lang to actually. So thanks for reading.

Vote, comment & be a fan

Pagsuko (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon