Kabanata 4

129 7 4
                                        

Birthday niya na nga pala bukas

Agad akong pumunta sa mall at dumiretso sa jewelry shop na pinuntahan namin noon.

Nandito pa rin pala yung kwintas na gusto niya, matagal ko din inipon ang pera na to.

Iba sana ang plano ko para sa pera na naipon ko pero ang mas importante ngayon eh ang kaligayahan niya.

Pagkagaling ko sa mall pumunta ako sa engineering building at agad kong hinanap si Hero

"Oh" abot ko sa kaniya ng paperbag kung saan nakalagay ang kwintas na binili ko

"Ano to?"

"Iregalo mo yan kay Alexia, birthday niya bukas"

Inilagay ko na ang dalawa kong kamay sa magkabila kong bulsa at naglakad palayo habang sumisipol

"Teka!" Tumakbo siya palapit sa akin "bakit ayaw mong ikaw ang magbigay?"

"Nakita mo naman na ayaw niya na sa akin diba?"

Tumango siya "alagaan mo siya, kundi manghihiram ka talaga ng mukha sa aso"

"Oo pre" tinapik niya ang balikat ko at nagpatuloy na ako sa paglalakad ko

Matalik kong kaibigan noon si Hero, marami lang talagang nagbago simula noong naging girlfrend ko si Alexia

**

Isang buwan na pala ang nakakalipas simula ng huli namin pag-uusap ni Alexia

Nakita ko siyang naglalakad mag-isa na may mga dalang kagamitan

Busy siya, siya kasi ang president ng department nila

Gusto ko sana siyang lapitan dahil mukhang napapagod na siya sa mga dala niya, pero hindi. Ayaw niya na.

Napansin ko na nagpagewang gewang ang lakad niya, hanggang sa natumba na siya ng tuluyan at nawalan ng malay

Agad akong tumakbo palapit sa kaniya at binuhat siya papunta sa clinic

Punong-puno ang clinic ng mga players na na-injure, meron kasi ngayon laban ng basketball mula sa iba't-ibang school at sa school namin ginanap

Tumakbo na ako palabas ng campus habang buhat-buhat pa rin si Alexia

Pumara na ako ng taxi, hindi pa rin siya nagkakamalay. Namumutla ang kaniyang mga labi.

Pagkarating namin sa ospital ay agad naman siyang inasikaso

Kinuha ko ang cellphone ni Alexia sa bag niya para tawagan si Nathalie

(Hello bestfriend?)

"Hello"

(JD? Magkasama kayo ni Alexia?)

"Nasa ospital kami ngayon"

Sinabi ko naman sa kaniya kung saan ospital ko dinala si Alexia

Makalipas ng 15 minuto ay nandito na rin siya, patuloy lang kami sa paghintay sa paglabas ng doctor

Hini na rin mapakali si Nathalie

"Maupo ka nga! Nahihilo ako sa ginagawa mo e"

Umupo naman siya sa katabi kong upuan

"Sabihin mo nga sa akin, may sakit ba si Alexia?"

Hindi na nakasagot si Nathalie sa tanong ko ng lumabas na ang doctor mula sa silid ni Alexia

"May malay na ang pasyente, pwede na siyang makausap"

Pumasok kami sa loob

"Wala naman siyang sakit, over fatigue lang. Mister, hindi niyo dapat pinapabayaan na mapagod ang asawa niyo lalo na't buntis siya. Sige po mauna na ako"

Pagsuko (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon