Chapter 2

84 5 0
                                    

Lumabas ako ng kwarto at bumaba pagkatapos ko magpalit ng damit. Habang pababa ako ng hagdan, napansin ko yung babaeng dahilan kung bakit ako nahulog sa pool kanina. She was wearing a loose white shirt and simple jeans. May dalang folder na green, nakapusod yung buhok. Palakad lakad sa sala na parang may hinihintay. Napatingin siya sa'kin nung nakita niya kong pababa ng hagdan.

Penny: (lumapit) Kuya, pasensya po ulit sa... (stopped talking when Prince made a hand gesture saying "nevermind", sinundan si Prince habang naglalakad) Umm... kuya... (handed the green folder to Prince, napahinto silang pareho sa paglalakad)

Prince: (ayaw makipag eye contact, nakatingin lang sa folder) Ano 'to?

Penny: Nasabi na po ba sa inyo ni Tita Grace?

Prince: Magiging tutor kita.

Penny: (malambing at upbeat lagi ang tono) Opo. Galing po yan sa school. Nandyan na po lahat ng admission documents niyo. Naasikaso na po yan ni Tita Grace. Nandyan na rin po yung schedule niyo ng klase. Sinama ko na din po yung schedule ng tutor sessions natin.

Prince: Okay. (hindi pa rin makatingin kay Penny, maglalakad na sana papuntang kusina para kumuha ng makakain ng biglang humarang sa harap niya si Penny)

Penny: (nakangiti habang pilit hinuhuli yung tingin ni Prince) Umm... Kuya...

Prince: (medyo naiinis sa ginagawa ni Penny kaya tiningnan na niya sa mata para tumigil na) What?

Penny: (nawala ang ngiti sa mukha niya nang mapansin na ang tamlay ng mga mata ni Prince) Umm...

Prince: May kailangan ka pa ba?

Penny: (ngumiti ulit, inabot kamay niya kay Prince para makipaghandshake) Penny po.

Prince: Sinabi mo na yung pangalan mo kanina. (humakbang paalis)

Penny: (hinarangan ulit si Prince) Eh... kayo po? Ano pong pangalan niyo, kuya?

Prince: (raised the green folder) Hindi ba nakasulat dito?

Penny: Nakasulat po. Pero... kuya, first lesson po. Proper etiquette pag nagpapakilala.

Prince: (annoyed) What do you want, Miss?

Penny: (nakangiti pa rin, kinuha kamay ni Prince at pinilit makipaghandshake) Hello po, Mr. Prince Gatmaitan. I'm Penelope Magpayo. (naghihintay ng isasagot ni Prince)

Prince: (taken aback, binitawan agad kamay ni Penny) Rule number 1, Ms. Magpayo... wag na wag mo 'kong hahawakan. I don't like being touched. (nagwalk out, hinarangan ni Tita Grace)

Tita Grace: O, saan ka pupunta?

Prince: Kakain sana.

Tita Grace: (napatingin kay Penny) Penny, halika. Sumabay ka na. Nagpahanda ako ng breakfast.

Penny: (lumapit) Naku, Tita. Wag na po. Nagmamadali din po ako eh. Magkikita po kami ng mga kaklase ko.

Tita Grace: Sa Lunes pa pasok niyo di ba?

Penny: Opo. Huling gimik lang po, Tita, bago matapos yung sembreak.

Tita Grace: Ang aga niyo naman gumimik.

Penny: Susulitin lang po, Tita.

Tita Grace: O sige sige. Papahatid na lang kita kay Mang Greg.

Penny: Naku. Wag na po. Magcocommute na lang po ako. Sige po, Tita. (bumeso)

Tita Grace: Sige. Ikumusta mo ako sa mommy mo ha?

Penny: Okay po, Tita. (tumingin kay Prince) Hmm... Kuya... Ba-bye po. (ngumiti at kumaway kay Prince nung nakita niyang tumingin ito sa kanya, walang pake kahit dinedma lang siya)

Dear FaithWhere stories live. Discover now