Chapter 7

301 7 20
                                    


Sa bahay ni Prince...

Prince: (nilapag bag niya sa sofa, umupo) Nagugutom ka ba?

Penny: (nakatayo habang kinakausap si Prince) Hindi pa. Ikaw? Gusto mo sabihin ko kay Manang?

Prince: Okay lang ako. Sure ka ba na hindi ka nagugutom? Baka kasi matagalan tayo.

Penny: Sure ako. (nilapag bag niya sa sofa, started taking out her books) Ano gusto mo unahin? Dalawang subject lang naman exam natin tomorrow.

Prince: Kahit ano.

Penny: Kuya, paalala lang ah. Finals 'to. Bawal petiks.

Prince: I know. (unbuttoning his polo)

Penny: Ganito, magbihis ka muna habang inaayos ko study plan natin.

Prince: Okay. (tumayo)

Penny: 15 minutes.

Prince: Ha?

Penny: 15 minutes ka lang pwede magbihis. Bumaba ka agad.

Prince: Bawal mag-CR? Humiga sandali?

Penny: Pwede naman mag-CR pero bawal humiga kasi pag humiga ka sigurado aantukin ka, pag inantok ka sasabihin mo iidlip ka lang, tapos pag naka-idlip ka siyempre gigisingin kita, pag ginising kita maiinis ka, mawawala ka sa mood mag-aral o di kaya di mo ko papakinggan tapos babalik ka na sa pagtulog hanggang sa magigising ka nalang umaga na tapos di ka nakapagreview. Pag di ka nakapagreview, malamang babagsak ka, tapos pag.... (tumigil nung nakita si Prince na umupo ulit sa sofa). Bakit ka umupo ulit?

Prince: Inubos mo na 15 minutes ko eh.

Penny: Ay, sorry. Nag-energy drink kasi ako kanina. May talab pa yata.

Prince: Pwede na ko umakyat?

Penny: Go. (ngumiti na lang kay Prince)

Habang wala si Prince, nilabas ko lahat ng libro at notes ko sa bag. Nilapag ko na lahat sa mesa para pagbaba niya, makapag-review na kami agad. Tingin ako ng tingin sa wall clock sa sala. Nafifeel kong pagod ako at antok pero medyo naaaligaga ako. Pinilit ko pakalmahin sarili ko sandali at napasandal ako sa sofa. Pag silip ko sa wall clock, 10 minutes pa bago yung deadline na binigay ko kay Prince. Naisipan kong pumikit ng saglit.

12 minutes passed...

Prince: (habang bumababa) Late by 2 minutes. Sorry. (napatingin kay Penny, nagtataka dahil hindi sumasagot, nakita si Penny na nakasandal sa sofa) Bawal daw matulog pero siya yung umidlip.

Ramdam ko na nakatulog ako. Gusto ng mata ko dumilat pero ang bigat talaga. Parang gusto ko ituloy yung pagtulog ko. Naririnig ko may binubulong si Prince. Nakapagbihis na yata siya. Dumilat ako ng dahan dahan kahit antok na antok ako. Laking gulat ko dahil pagmulat ko, sobrang lapit ng pisngi niya sa mukha ko. Nararamdaman ko hininga niya sa pisngi ko. Hmm... minty. Kakatoothbrush lang yata niya. But that's not the point. BAKIT?!!

Penny: (napalunok) Anong ginagawa mo?

Prince: (nagulat at napaatras) Umm... ano... gigisingin sana kita.

*awkward silence*

Penny: (biglang tumayo, kinuha yung bag niya at inabot kay Prince) Okay ka na? Review na tayo?

Prince: (hawak bag ni Penny, nagtataka) Anong gagawin ko dito?

Penny: (kinuha ulit yung bag niya mula kay Prince) Ay, ano. Umm... gusto mo kumain?

Prince: (pinipigilang tumawa) Di ba pareho tayong hindi gutom?

Penny: Ah. Oo nga. Magpalit ka na muna.

Dear FaithWhere stories live. Discover now