Chapter 1

258 9 1
                                    

"Pag nahuli kita, mata mo lang ang walang pasa, gag* ka!"

Rinig na rinig ko ang mabibilis na hakbang ng mga paa nila. Hindi ko na alam kung gaano kami katagal naghahabulan basta ang alam ko lang... Pucha! Pagod na pagod na 'ko. Gusto ko ng huminto sa pagtakbo pero ang sarap pa nilang asarin. Tinuloy ko ang pagtakbo ko kahit hindi ko na halos maramdaman ang mga paa ko sa pagod. Sumingit singit ako sa mga eskinita para makaiwas. Sinubukan ko silang iligaw pero walang hiya, sanay na yata si Twosix at 'tong mga galamay niya sa takbuhan dahil ilang beses ko na siyang...

Prince: (naramdamang may humawak sa kwelyo ng jacket niya) Ugh! Sh*t!

Twosix: (hinihingal, sinapak si Prince sa kaliwang pisngi) T*ng ina kang hayup ka! Pinagod mo ko!! (tinadyakan si Prince sa tiyan, tumingin sa mga kasama niya) Hawakan niyo yan!

Prince: (pumipiglas sa pagkakahawak ng dalawang lalaki sa magkabilang braso niya) Mga brad, wag kayo masyadong clingy!

Twosix: (sinapak ulit si Prince ng dalawang beses sa mukha at isa sa sikmura) Wag ka magpatawa dahil hindi ka nakakatawa! Ilang bugbog pa ba gusto mong abutin?

Prince: (ngingiwi ngiwi dahil sa mga tama sa mukha niya) Wala akong pera!

Twosix: (sinuntok si Prince sa sikmura) Ang ayoko sa lahat yung pinaglololoko ako!

Prince: Kahit ibitin mo ko dito patiwarik, wala kang makukuha dahil wala akong pera.

Twosix: (sinuntok na naman si Prince sa mukha) Anong sabi mo?!

Prince: Wala. Akong. Pera!! (gigil na gigil na sinipa ni Twosix si Prince sa tiyan) Kahit patayin mo ko, wala kang mapapala sakin.

Twosix: Ano ako? Tanga? Pag pinatay kita wala na kong masisingil. Kung kinakailangang gulpihin kita araw araw, gagawin ko!

Prince: Go! Gusto ko yan!

Goon #1: Eh pre ginagago ka yata nito eh!

Goon #2: Lumpuhin na kaya natin?

Twosix: (kinalma yung sarili niya, lumapit kay Prince na nakahandusay na) Mabait pa ko sa lagay na 'to. Alang alang sa pinagsamahan natin, bibigyan kita ulit ng isa pang linggo.

Prince: (dumura ng dugo) Wala talaga akong mabibigay. Kahit pira-pirasuhin mo pa yung katawan ko, brad, wala talaga.

Twosix: Hindi ako nagbibiro, Prince. Bayaran mo ko kundi...

Prince: Ano? Papatayin mo ko?

Twosix: (tumingin sa mga kasama niya) Bitawan niyo na yan! (napahiga na ng tuluyan si Prince) Isang linggo, Prince! Isang linggo! (naglakad palayo kasama mga goons niya)

Tumayo ako nung hindi ko na sila natatanaw. Iika ika ako maglakad pero ewan ko ba, hindi ko pa maramdaman yung sakit. Madaling araw na kaya wala masyadong napapadaang taxi. May dumaang dalawa pagkatapos ng ilang minuto pero nilagpasan lang ako. Napaupo ako sa gutter habang naghihintay. May mangilan-ngilang taong napapadaan at pinagtitinginan ako. Umiiwas na lang ako ng tingin. Maya maya, may dumaan na namang taxi. Pinara ko. Sa wakas, hinintuan ako. Pagka-sakay na pagka-sakay ko, pilit akong tinatanong ng driver kung sigurado daw ba akong hindi ako magpapahatid sa ospital. Paulit ulit ko rin siyang sinasagot na okay lang ako at gusto ko ng umuwi.

Sa condo...

Prince: (nagriring ang cellphone sa bulsa niya habang hirap na hirap sa pagpasok ng susi sa doorknob dahil hindi niya maigalaw ng maayos ang mga kamay niya) Sandali lang! Tsk. Tanga ko lang para namang maririnig ako nung tumatawag. (huminto ang pagring ng cellphone, finally nabuksan din niya ang pinto, kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng pantalon niya para icheck kung sino yung tumawag, maya maya hinagis niya yung phone at susi ng pinto sa sofa, umupo siya at tumunganga ng ilang segundo habang hinihimas pisngi niya, maya maya...)

Dear FaithWhere stories live. Discover now