Chapter 5

90 5 1
                                    


Sa canteen during lunchbreak...

Erin: Buti pa si Wes, nakapag half day. Sana may sakit na lang din ako. Hay. Gusto ko na umuwi at manood ng TV habang nakahilata. (nagtaka dahil hindi sumasagot si Penny, napatingin sa tinitingnan ni Penny, napangiti) Ahem! Baka matunaw, friend.

Penny: (naconscious nung mahuli na nakatingin kay Prince na kumakain mag-isa sa katapat nilang table) Ha? Alin?

Erin: So hindi na ba si Gian?

Penny: Anong hindi na si Gian?

Erin: Wala lang. Since nung nangyari yung eksena sa gym hindi mo na kinakausap si Gian eh. Hindi mo na rin siya bukambibig. Tapos ngayon panay titig ka diyan sa alaga mo.

Penny: Anong panay titig? Hindi kaya.

Erin: O sige nga, if you're really paying attention kanina, anong sinabi ko? (hindi nakasagot si Penny) See! Sa'kin ka pa magtatago eh kilalang kilala kita.

Penny: (bumuntung-hininga, napasulyap ulit kay Prince) Ang gwapo pala niya noh?

Erin: Noon ko pa kaya sinasabi sayo. Sabi mo di mo type.

Penny: Hindi. Iba kasi ngayon. Nakikita na yung mukha niya unlike dati na natatakpan ng buhok niya. Tsaka parang nag-iba yung aura. Napansin mo din ba?

Erin: (tinitigan si Penny) Dahan dahan lang sa titig, friend, ha? Baka ma-inlove ka.

Penny: Grabe ka! Nagwapuhan lang maiinlove na agad?

Erin: Iba ang nagagawa pag lagi mong kasama. Hindi ako magtataka kung one day madevelop ka.

Penny: Tss... imposible.

Erin: Bakit naman imposible?

Penny: Hindi kami pwede.

Erin: Bakit? Kasi mas matanda siya sayo?

Penny: Hindi. Kasi hindi naman niya ko magugustuhan.

Erin: At dahil hindi ka niya magugustuhan, ibig sabihin na ba nun hindi ka na maiinlove sa kanya?

Penny: Nadala na ko kay Gian. Pag ayaw sakin, ayoko na din.

Erin: (nabilaukan, natawa) Yon! Humugot! Pero alam mo, friend, malay mo? Magustuhan ka rin.

Penny: Wag mo ko paasahin, friend. Sabi nga niya... (mocking Prince) Ayoko sa mga taong asa ng asa kahit alam naman nilang wala silang mapapala.

Erin: (natawa) In fairness sa impersonation mo, friend. Gayang gaya mo siya dun.

Penny: Eh ikaw?

Erin: O? Anong ako?

Penny: Kailan mo plano umamin kay Wes?

Erin: Ay, friend! Walang ganyanan. (umiiwas pag-usapan pero halatang kinikilig)

Penny: Pasalamat ka hindi na ko lagi sumasabay sa inyo pauwi. Nasosolo mo na.

Erin: Thanks, friend!

Penny: May plano ka pa bang sabihin sa kanya o nagbago na isip mo?

Erin: Saka ko na iisipin. Marami pang ganap. May mid-quarter exam pa tayo, may finals pa tapos graduation. Pagkatapos ko umamin at biglang umiwas sa'kin yun, di kaya ng beauty ko yung stress, friend.

Penny: Gusto mo ako na lang magsabi? Kunwari nadulas ako.

Erin: Oy! Kung ayaw mong magkalimutan tayo, wag na wag mo yan gagawin! (pinandilatan si Penny)

Penny: (natawa) Chill! Joke lang!

Erin: Alam mo, siguro pagtanda natin pagtatawanan na lang natin 'tong mga issues natin ngayon.

Dear FaithWhere stories live. Discover now