Chapter 3

64 4 0
                                    


First day of school after sembreak.

7:45am sa labas ng school...

Erin: (tumingin sa relo niya) Friend, malapit na tumunog yung bell. Pasok na tayo.

Penny: Teka lang. Kailangan ko antayin si Prince eh. Hindi pa alam nun saan siya pupunta.

Erin: Hindi naman bata yun. Madali naman magtanong-tanong.

Penny: Nakakahiya naman kay Tita Grace.

Erin: Akala ko ba tutor ka at hindi yaya? (inayos yung kwelyo ng uniform ni Wesley)

Penny: Mauna na lang kayo ni Wes sa loob.

Wes: Sabay sabay na tayo.

Penny: Eh paano si Prince?

Wes: Sa dulo na lang ako pipila during flag ceremony. Pag may napansin akong foreign object sa gate, tatawagin kita.

Erin: Wow. Alien?

Penny: (aligaga, tumingin sa relo niya) Tsk. Sige na nga.

Sabay sabay na kami pumasok pero maya't maya akong napapatingin sa gate. Buti na lang tanaw yung gate mula sa quadrangle. Gustuhin ko man siyang hintayin, ayoko din naman ma-late sa unang araw ng sem. Pagkatapos ng flag ceremony, narinig ko na binuksan yung gate. Dahil naghahanda na yung mga estudyante na pumunta sa kanya kanyang classroom, we were all facing the school gate at di maiwasan na lahat mapatingin. May pumasok na lalaking naka-itim na hoodie, itim na panloob na shirt, dark blue jeans, black sneakers at may bitbit na black na backpack. He was stroking his hair away from his face. Parang nagslow motion lahat hanggang sa magkatinginan kami.

Erin: (tinapik si Penny sa braso, bumulong) Friend, ang gwapooo! Kaso... nagluluksa ba yan?

Wes: (lumapit kina Penny at Erin) Yan na ba yung alien?

Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya o hihintayin ko na siya ang lumapit sakin. Halos lahat ng estudyante nakatingin sa kanya. Nagtataka kung sino siya. I heard some girls giggling. Bagong mukha, bagong kinakikiligan.

Prince: (naglakad papalapit kay Penny, hawak hawak yung papel kung saan nakasulat yung schedule ng klase niya) Magpayo...

Penny: (natulala, hindi makasagot agad) Ha?

Prince: Saan ako dapat pumunta?

Penny: Ano...

Prince: Magpayo? Nakikinig ka ba? Sabi ko saan ako dapat pumunta?

Penny: (kinuha yung papel na hawak ni Prince) Ah... ano. Teka. Patingin.

Prince: (pabulong) Can we get out of this place? I feel uncomfortable with all these people staring at me. (naglakad sila ni Penny palayo sa quadrangle, sinenyasan ni Penny sina Wes at Erin na wag na siyang hintayin at mauna na sa classroom).

Penny: Punta muna tayo kay Ms. Quijano.

Sinamahan ko si Prince papunta sa Guidance Office para ipakilala kay Ms. Quijano. Walang tao nung pag dating namin doon kaya naghintay kami sa loob. Umupo kami sa tapat ng desk.

Prince: Sige na. Ako na lang maghihintay dito.

Penny: Okay lang, Kuya. First day naman po ngayon. Mageexplain na lang ako sa teacher mamaya. (awkward silence, nag-iisip ng sasabihin) Na-late po ba kayo ng gising? (hindi sumagot si Prince) Half day lang po pala tayo today. Usually pag first day half day po talaga pero bukas start na ng regular classes. (hindi pa rin sumagot si Prince)

Hindi ko na alam ano pa pwede kong sabihin. I don't even know kung nakikinig ba siya sa sinasabi ko. Hindi ko naman siya maiwan dito. Naghanap ako ng pwede kong mabutingting para aliwin ang sarili ko habang naghihintay. Nakakita ako ng cute na ballpen sa desk ni Ms. Quijano. May feather feather yung takip. Kinuha ko para sana paglaruan pero natanggal yung takip na may feather at dahil magkatapat yung inuupuan namin, tumalsik sa mukha ni Prince. Bahagya niyang inilag yung mukha niya sabay tingin sakin. Nakaramdam ako ng pinaghalong gulat at pag-aalala na baka nainis siya. Nanlaki na lang yung mata ko. Magsosorry sana ako pero biglang dumating si Ms. Quijano.

Dear FaithWhere stories live. Discover now