Chapter 4

86 5 0
                                    

Sa basketball gym after ng klase...

Erin: (naglalakad katabi si Penny habang nakatingin sa mga varsity players na nagpapractice) Ayun si Gian oh. Tawagin mo na.

Penny: (napahinto para tingnan si Gian, may hawak na isang notebook at isang folder) Ehhh. Nakakahiya eh.

Erin: Pabebe? Bigwasan kita diyan eh. Iwan mo na lang sa bench tapos itext mo na lang siya.

Penny: Paano kung hindi niya mapansin tapos mapulot pa ng iba?

Erin: Kaya nga sabi ko sayo tawagin mo na lang. Baka mamaya dumating na si Mang Greg, hindi mo pa mabigay yan. (napansin na nakatingin sa kanila si Gian)

Gian: (nagpaalam sa coach na magbebreak lang sandali, lumapit kina Penny) Hi girls! (hinihingal pa at pawisan)

Penny: (nauutal) Ah. Hi. Umm. (inabot yung notebook at folder) Ito na pala yung kailangan mo.

Gian: (kinuha yung notebook at folder) Uy! Grabe. Thank you! Akala ko nakalimutan mo na.

Penny: (ayaw pahalatang kinikilig) Hindi noh. Alam ko namang bukas na deadline niyan kaya tinapos ko agad. (napatingin sa coach na biglang sumenyas kay Gian na bumalik na siya sa court)

Gian: Sige, Pen. Kailangan ko na bumalik. Thank you ulit ah! The best ka talaga. (nilapag yung notebook at folder sa ibabaw ng bag niya sa bench at tumakbo pabalik sa court)

Hindi ko sinasadyang makita yung eksenang yun dahil tumambay lang ako dito sa court habang hinihintay si Mang Greg. Nakita ko paano magpigil ng tili sina Magpayo at yung kaibigan niya. Napa-iling na lang ako.

Prince: (kinuha yung nagvavibrate niyang cellphone sa bulsa niya, nabasa ang text ni Mang Greg, tumayo at dumaan kung nasaan si Penny) Tara na. (dire-diretso ng lakad papuntang gate ng school)

Wala kaming tutor session ngayon ni Magpayo kaya pagkatapos nilang mag-usap ni Tita Grace sa bahay, umuwi na rin siya. Nagkulong lang ako sa kwarto buong gabi. Nakahiga sa kama ng dalawang oras habang nakatitig sa kisame. Maya maya, naisipan kong magsulat.

Dear Faith,

Hindi ko alam paano ako nakakatagal ng ganito. Walang ginagawa. Walang iniisip. Walang nararamdaman. Minsan naaatat na 'ko bumalik sa dati kong buhay. Hindi man ako masaya pero at least noon, hindi ako dinadaanan lang ng oras tulad ngayon.

Faith, I don't like where I am. I don't like the place that I live in. I don't like the people I am with. I don't like the things that they are forcing me to do. Pero tinitiis ko kasi pagkatapos nito, makakawala na ko sa lahat. I don't know what I want but at least I'm sure about one thing – I don't like everything about this life that I have now.

One day, I'm going to get out of this place and never come back again. Ever.

Prince

--

Pagkatapos ng klase the next day...

Mang Greg: (lumabas ng kotse at sinalubong si Penny) O kumusta klase?

Penny: (nakipag-high five kay Mang Greg) Siyempre masaya! (sumilip sa loob ng kotse, napansin na wala pa si Prince) Wala po si Prince?

Mang Greg: Hindi siya sasabay. Nagtext sa'kin kanina. Ihatid na lang daw kita sa inyo kasi may lakad pa raw siya.

Penny: (nakunsume na naman) Tsk! Dapat sa lalaking yun pagkatapos ng klase pinoposasan eh. Nasaan po si Tita Grace?

Mang Greg: Nasa trabaho pa. Marami daw aasikasuhin kaya late na nagpapasundo.

Dear FaithWhere stories live. Discover now