Beware! Rated SPG ang chapter na to.
5 years ago.....
"Have a sex with me! Simple as ABC." sabi ni Zai sa akin. I bit my lips nang makita ko siyang nakatingin sa akin. Di na ako nagulat sa hiningi niyang kapalit sa tulong na hiningi ko.
He's Zaire Cameron Kerr. Siya lang naman ang Sex God. Mayaman kaya halos lahat na ng babae na kilala at di ko kilala nakuha niya na. Kahit saan nila ginagawa ng milagro. Pero kahit na anong kabastusan niyan, mahal ko pa rin yan. Wag kayong mag-isip ng iba ha! Mahal ko siya as a bestfriend. Bestfriend ko na siya since birth. Magbestfriends din kasi ang mga mommy namin. At tanging ako lang sa barkada ang di niya nakasex.
"Are you playing games with me Zaire?" pilit kong tinatago sa kanya ang kaba ko. Alam ko ang kayang gawin ni Zaire.
"No! You ask me kung anong gusto ko kaya sinagot kita. Aalis ka na nga lang, wala ka pang memorabilia na iiwan. Ang daya mo talaga!" kahit nandidiri ako dahil sa pout niya, para pa rin akong natatawa.
"Don't pout. Di bagay sayo." umupo ako sa sofa. Naramdaman ko namang sumunod siya.
"Alam mo, mamimiss kita. Sana di ka na lang umalis." bakas sa boses niya ang lungkot. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti.
"Mamimiss din naman kita. Ang kakulitan mo. Ang pagkabastos mo. Ang pagka babaero mo. Lahat ng about sayo mamimiss ko." I emphasize the word babaero. He just smirk.
"I will miss you more. Ang matalas mong dila. Ang pananamit mo na parang lalaki. Ang pagbubog sa akin kapag nang-aasar ako sayo. At ang pagiging careless mo. I will miss my bestfriend so much." parang maiiyak na ako sa sinabi niya. Seeing him just like this. Bihira lang kasi siya mag-emote.
"Alam mo. Mabuti pang bumalik na lang tayo sa labas. Baka hinahanap na nila tayo." dinala niya ako sa labas. May despedida party kasi silang hinanda para sa akin. Iniisip ko yung sinabi sa akin ni Zaire. Kahit kailan talaga napakabastos non. Mabuti na lang talaga at napagtiyagaan ko siya.
Umupo ako sa table and started dringking. Gusto ko magpakalasing kahit ngayon lang. Gusto ko magpakasaya kasi after ng ilang taong pagkakakulong, makakalaya na rin ako. After mawala ni Mommy, naging cold na si Dad sa akin. Mas inaatupag niya ang trabaho niya. Ang mga kuya ko naman busy sa trabaho o di kaya sa mga pamilya nila. Kaya rin ako parang tomboy dahil mga lalaki ang nasa paligid ko. But it doesn't mean na tomboy na talaga ako. Boyish lang.
"Hey Emman! Wag ka masyadong magpakalasing. Maaga flight mo tomorrow." paalala niya sa akin. Di ko na lang siya pinansin. Binawa niya sa akin ang baso ko kaya hinablot ko kaagad. Marami na akong nainom pero parang wala pa rin kasi sanay na ako. Mahilig kasi kaming magparty ng bestfriend ko.
I feel dizzy. Parang umiikot ang paligid but I didn't care. Gusto ko pang uminom. At dahil nagsasawa na akong uminom, nilapitan ko ang bestfriend ko na may kasama na namang babae. Kahit nahihilo na ako, alam ko pa ring maganda ang napili ni Zaire ngayon. Alam ko ang mga tipo niyang babae and I know di siya pipili ng babaeng kaladkarin.

YOU ARE READING
That One Night
RomanceZaire Cameron Kerr and Emmanuelle Kiel Conley are bestfriends. But because of That One Night everything will change.