Prolouge

10 0 0
                                    

"Bessy, do you see what I see?" wika ni Irene na may tinignan kung saan.

Sinundan ko naman kung saan siya nakatingin. Mukhang may hinahanap siya. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o magagalit? Bumalik na siya? That fast?

Umirap ako'ng lumingon kay Irene at pinagpatuloy ang pagkain ng paborito 'kong NY Cheesecake. Andito kami'ng dalawa sa paborito naming coffee shop at nagchi-chill lang from work.

"Bessy pupunta siya sa atin. Hala wait lang! Kinikilig ako!" may pairit pa ito'ng si Irene.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Pwede ba Irene wag mo ng pansinin. Iiwanan kita dito, bahala ka ng umuwi."

Napanguso siya sa sinabi ko at uminom ng kaniyang Blueberry Iced Tea. "Heto na nga, hindi ko na siya papansinin."

Nilabas ko ang aking cellphone dahil baka nagtext sa akin si Mon. Mag-gagabi na rin. Baka hinahanap na niya ako. Kawawa naman kapatid ko, walang makakain doon. Hindi pa naman ako nakapag grocery.

Nagtawag nalang ako ng waiter para orderan ng pagkain niya. They also serve rice here kasi. Habang kausap ko ang waiter, biglang may nagsalita sa likod ko.

"Laura." anito at hinawakan ako sa balikat.

Huminga muna ako ng malilim bago siya linungnin. I faked a smile, no you won't see me hurt.

"Oh! Hi Kael!" sabi ko at tinapos ko ang order sa waiter.

"Can we talk?" ano naman ang paguusapan namin? Wala naman kaming pinagsamahan in the first place.

"Hindi pa ba tayo naguusap?" I stated a matter of fact.

He cleared his throat first bago ako sagutin. "Please. I want us to talk. Privately." aniya at tumingin kay Irene na nagpapatay malisyang kumakain ng cake.

"Okay sige. Sa parking lot nalang tayo mag-usap." tumayo na ako sa akin upuan at kinuha ang bag ko. Humarap muna ako kay Irene. "Paki-hintay ang order ko. Kita nalang tayo sa parking lot."

"So ano'ng paguusapan natin?" sabi ko sakanya at nagcrossed arm. Andito kami ngayon sa tapat ng kotse ko.

"About us. I made a mistake back then." anito at hinawakan ako sa kamay.

"There was never an us, Kael. Ano'ng pinagsasabi mo dyan?" natatawa ko pang sabi sakanya. At talagang may gana pa siyang pagusapan namin yun, eh wala naman talaga. Nagpapatawa ba siya?

"Yes! There was an us! At sayo pa mismo nanggaling yun! You're the one who declared it to the world!" galit na singhal niya sa akin at hinawakan ako sa braso.

"Matagal na yun! Panahong baliw na baliw pa ako sayo." sabi ko at naiyukom ko ang kamay ko.

Natawa siya sa sinabi ko. "Yeah. Baliw ka nga noon pero baliw rin ako sayo nun. Mas baliw pa sa inaakala mo."

Ako naman ang natawa. "Talaga ba Shawn Mikael? Kasi hindi ko naramdaman. Baka naman may kailangan ka sa akin kaya ka ganyan." Gusto ko na talaga siyang suntikin ngayon.

"Ano bang pinagsasabi mo?" aniya at hinawakan ako sa braso. "Espesyal ka sa akin! Impossibleng hindi mo ramdan yun! Please magusap tayo ng maayos." lumambot ang tingin niya sa akin.

"Paki bitawan ako, aalis na kami." Ayoko'ng magpaniwala. Buti nalang at parating na si Irene. Thank you Irene for saving me!

Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng kotse ko ng hilain niya ako sa bewang. "Hindi pa tayo tapos mag-usap Laura."

"Ano ba!" nagpupumiglas ako sa hawak niya. No! I will not repeat the same mistakes I did before. Hindi na ako magpapauto sa mga hawak niya. Hindi na ako magpapadala sa mga kasinungalingan niya.

Tinulak ko siya at pumasok agad sa kotse ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Ano ba Laura! Wake up! Hindi ka na highschool para magpauto!

Kumakatok pa siya sa bintana ko. Stop please! It's making my heart ache! Wala ako sa mood umiyak ngayon pwede ba Kael!!

Sinundo ko na Irene sa paglalakad sa direksyon ng kotse ko. Ayoko ng magtagal doon. Nagtataka siya na tumingin sa akin pagkapasok niya.

"Ano'ng nangyari Laura? Bakit ka umiiyak?." aniya at hinawakan ako sa likod.

"Bessy! Ang sakit parin! B-bakit ganun? A-akala ko okay na ako. B-bakit b-bakit..." hindi na ako makahinga sa iyak ko. Buti nalang naitigil ko ang kotse ko bago makalabas sa parking lot.

"Kalma Laura! Stop crying, please. Akala ko ba naka pag move on ka na?" at niyakap niya ako. Sinubukan kong pigilan ang pag-iyak ko at ang paghikbi.

Nang medyo kumalma ako ay nagpalitan kami ng pwesto ni Irene. Siya nalang daw ang magddrive baka madisgrasya pa kami.

"Laura it's been 4 years pero ganyan parin kalakas ang impact ng ginawa niya sayo kaya ganyan ka nalang makaiyak?" ayan na, nagsesermon na siya sa akin.

"As if naman ang daling magmove-on noh. Alam mo naman Irene na 4 years mahigit ako'ng nabaliw doon. Tapos sinaktan at pinaglaruan pa ako. Muntik na rin ako'ng mamatay dahil sakanya. Pinahirapan niya buhay ko Irene!" inirapan niya ako sa pagsigaw ko sakanya.

"Alam mo bessy, ang OA mo." sabi niya at niliko na sa building ng aming condo.

"Hindi yun OA, sinasabi ko lang yung totoo. Muntik na niya ako'ng patayin." Lumabas na ako'ng kotse.

"Oo na oo na. For now bessy, I want you to be strong. Hindi naman na siguro kayo magkikita pa. Baka coincidence lang yung kanina." aniya at pumasok na sa elevator.

Siguro nga. Nagkataon lang na nagkita kami doon sa coffee shop. Baka may date yun kanina at nakita lang niya ako kaya lumapit siya. Siguro baka gusto na magsettle down at baka feeling niya may extra baggage pa siya kaya lumapit siguro sa akin.

Once Upon A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon