Chapter 6

1 0 0
                                    

HINDI umabot ng dalawang oras ang tulog ko dahil kinombolsyon nanaman si Mommy. Hindi ko na alam gagawin ko, si Kenneth lang ang masandalan ko sa pamilya. Hindi pa alam nila Lola at Lolo ang nagyare kay Mommy. Matanda na sila at ayoko silang gulatin sa balita.

"Miss Madrigal, andito na po ang Neurologist na nirecommend ni Dr. Reyes" tawag ng atensyon sa akin ng nurse na naka assign ngayon sa ICU.

Tinignan ko si Mommy na natutulog, ayoko iwan si Mommy dito.

"Ako muna ang bahala kay Tita Camilla." nakangiting sabi sa akin ni Kenneth. Hindi na siya nakapasok dahil pinagbilin siya ni Tita Carla na samahan ako.

Inayos ko muna ang aking sarili at sumunod sa nurse patungo sa office ng Neurologist na sinabi.

"Dr. Garcia, andito na po si Miss Madrigal iyong anak ko Mrs. Madrigal sa ICU." anang nurse at pinapasok at iniwan na rin.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Miss." seryosong sabi ng doktor sa akin. Tumayo siya at kinuha iyong result ng CT Scan ni Mommy kani kanina lang. "Can you see this tiny circles here? This is the tumors in Mrs. Madrigal's brain. It is growing big and I must tell you may chance na magkaroon ng temporary lost of memory ang iyong Mommy, at na dadamage na nito ang nerves."

Napasinghap ako sa sinabi ng doktor. May tumor si Mommy, malala ang sakit niya. Makakalimutan niya kami. Ang luha na naiyak ko kagabi ay parang bumalik ulit at mas dumami. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sumasakit ito.

"Dok, pwede po bang operahan ang Mommy ko?" I tried my best not to sob at my question.

"I'll just talk to your Tita." ani ng doktor. Dahil sa sinabi niya ay lumabas na ako ng office.

Hindi na ako nahiya sa mga taong nakatingin sa akin habang umiiyak. Habang pabalik na ako sa ICU ay nakita kong nakatayo doon si Irene kausap si Kenneth.

Tumakbo kaagad ako sakanya at niyakap siya. Ang iyak ko kanina ay mas lumakas ng yakapin ako pabalik ni Irene.

"Magiging maayos din ang lahat, Laura. Ipagdadasal natin si Tita." aniya habang hinahagod ang likod ko.

Sana nga.

Kwinento ko kay Irene ang nangyare magmula kagabi at hindi matigil tigil ang iyak ko habang sinasabi lahat. It's breaking me lalo na't si Mommy nalang ang naiiwan sa amin. Sana ay hindi siya mawala sa amin.

"Laura matulog ka muna. Pagod na pagod ka na. Think about your health, wag mo din ipahamak ang sarili mo." sabi ni Irene sa akin.

"Hihintayin kong gumising si Mommy." hawak hawak ko ang kamay ni Mommy ngayon. Nakaupo kaming dalawa ni Irene sa tabi ng kama ni Mommy.

"Don't be stubborn now, Laura Camille. Gusto bang makita ka ni Monica na mahina? You need to be strong infront of your sister. Ako na ang bahala sakanya. I'll fetch her at school and make dinner also."

Niyakap ko nalang siya ng mahigpit bago sinunod ang sinabi niya.

"KAMUSTA na si Camilla, Lala?"

Kaharap ko ngayon sa screen ng aking cellphone si Tita Carla ang ate ni Mommy. Ang iyak kong tumigil na kanina ay bumalik nanaman.

"She doesn't remember us, Tita."

Naalala ko nanaman ng magising ako kanina, binibitawan ni Mommy ang hawak ko sakanya. At nagsusumigaw na hindi daw niya ako anak, at wala daw siya'ng anak. Nakita kong tumayo si Mommy sa pagkakahiga, nagising yata sa amin ni Tita

"Mommy, what's wrong?" tanong ko sakanya at tumayo upang tignan kung may naipit sakanya. Tinulak niya ako palayo saat tinignan ako ng naka kunot ang noo.

"Sino ka?"

Her question made me weak again. Dalawang beses na niyang tinanong sa akin ito at hindi ko parin alam kung paano ako iimik. I can't deny to her that I am her daughter, na ako si Laura Camille ang panganay niya and it hurt so much to hear that from her.

"Mommy naman, wag kang ganyan. Ako ito, si Laura anak mo." naiiyak kong bigkas sa kanya at hinawakan ang kamay. Muli niyang inalis ang hawak ko sakanya just like earlier.

"Sino ka? Wala ako'ng anak!" aniya at nagwala na sa kanyang kama. Tumulo ang nagbabadyang luha ko kanina dahil sa tanong ni Mommy. Ang sakit sakit na masabihan  na hindi niya ako anak at hindi niya ako kilala.

"Mommy!" narinig kong sigaw ni Monica sa pinto ng kwarto.

"Sino ka?!" mas lumakas ang boses ni Mommy.

Lumapit sa akin upang yumakap si Monica na umiiyak.

"Ate ano'ng nangyayare kay Mommy?"  niyakap ko din siya pabalik at inayang lumabas.

Ang nurse ni Mommy ay dumating na at tinurukan nanaman ng pang pakalma, at hindi ko kayang makita si Mommy na nilalabanan ang gamot upang hindi siya makatulog ulit.

"Uuwi na ako dyan next week. Hindi pwedeng ikaw lang mag isa ang nagaalaga kay Mon at Camilla." Tita's face looked worried, at naiiyak na rin siya. She saw it, ang pagwawala ni Mommy.


Tumango na lamang ako sa sinabi ni Tita Carla. Hindi ko magawang pumasok ulit sa loob ng kwarto, ayokong marinig ulit kay Mommy na hindi niya ako kilala.

"Lala, uwi ka muna. Magpahinga ka kahit kaunti lang. Hindi ka pa nakakapag palit ng damit." sabi sa akin ni Kenneth na ngayon kasama ang kasintahan na si Lyka.

Tumango naman si Lyka sa sinabi ni Kenneth. Hinawakan niya ako sa kamay at niyakap din. "Kami na ang bahala ngayon kay Tita Camilla. Inutasan din kami ni Tita Carla na tulungan ka sa pagbantay."

Dahil na rin sa pagod ay hindi ko ng pinilit pa magstay sa hospital. Kailangan ako ni Mon ngayon, kailangan ko maging matatag.

Hinang hina ako lumabas ng taxi. Tama nga sila, kailangan ko ng pahinga. Isang araw din ako'ng nagbantay kay Mommy. Narinig kong bumuntong hininga si Mon sa tabi ko.

"Is she gonna be alright ate?" malungkot na sabi niya sa akin at nauna nang pumasok sa bahay.

Alam ko'ng nalulungkot si Mon pero ano'ng magagawa ko? Kahit ako hindi ko kaya pagaanin damdamin ko. Dumiretso kaagad ako sa kwarto at nagbihis ng damit. Hindi na ako naligo pa, sobrang bigat na ng mata ko kaya naman ay nakatulog ako kaagad.

Once Upon A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon