Chapter 4

2 0 0
                                    

MID-TERM na bukas at kailangan namin mag-aral ng todo nila Irene at Mark. Hindi ko rin nayaya maglunch si Kael kanina at kahapon. May nagpa-unit test kasi ng surprise sa isang subject ko, buti nalang at may kaunting stock knowledge ako kaya hindi ko na masyado ako'ng nagreview, sa library nalang ako tumambay at kumain ng tinapay habang nagi-scan lang ng notes.

Maaga rin ako'ng umuwi para mas maaga ako'ng makapagumpisa sa pagreview. Nakita ko pa ngang nakatambay si Kael sa tapat ng classroom. Mukhang may hinihintay siya hindi ko nalang pinapansin kasi may nagbabadyang ulan wala pa naman ako'ng dala na payong. Bukas nalang ulit ako manliligaw sakanya kapag tapos na ang Mid-terms.

Pero kung malaman ko lang na may nililigawan siya'ng bago, humanda sa akin yung babae yun. Alam lang ng lahat na he's mine, na broadcast na sa section namin kaya wag na siya'ng mag tangka pa.

Si Mon ang nakain-charge ngayon sa gawain kaya naman inumpisahan ko na ang magreview sa pinakamadaling subject. Hinintay ko nalang na tawagin ako para kumain na.

"Anak, ibili mo naman ako ng gamot. Masakit na naman kasi ang ulo ko." utos sa akin ni Mommy nang papasok na ako sa aking kwarto.

Nagpaload na din ako sa tindahang pinagbilihan ko ng gamot. Pagka uwi'y tinext ko si Kael, 2 days ko din siyang hindi nayaya maglunch. The exciting part is madalas nalang siyang tumanggi sa mga alok ko. Nasasanay na siguro siya o kaya naman ay nagsasawa ng tumanggi sa akin.

To Shawn Mikael:
Good evening Kael! I miss you. Good luck sa exam mo bukas.

Yun lang ang laman ng mensahe ko. Pagkatapos nun ay inumpisahan ko na ring magreview para sa exam bukas. Alam ko namang hindi ako rereplayan nun.

TUMATAKBO ako papunta ng classroom dahil late na ako para sa exam ko. I overslept, ang hirap naman kasi nung pinapamemorize sa major subject. Tapos sinabay pa ang Calculus na hindi maintindihan kaya naman mas lalo ako'ng natagalan sa pagreview. At ang magaling kong kapatid ay  hindi man lang ako ginising. Mas maaga naman kasi ang pasok niya kompara sa akin na alas nuwebe pa ang pasok. Hindi ko rin naset ang alarm ng cellphone ko.

Pagkapasok ko ng classroom ay binigyan lamang ako ng teacher ng 30 minutes para sagutan ang exam ko sa General Mathematics. Pinagloloko yata ako ni Ma'am, pero ano'ng magagawa ko? Eh sa late nga ako ng 30 minutes kanina pa naman nagstart ang exam.

Mabuti naman at nairaos ko ang limang subject ngayong umaga. Meron pang anim mamayang hapon, kasama ko sila Irene at Mark. Nagrereview kami sa silong ng narra dito sa quadrangle meron pa kaming isang oras bago magumpisa ulit ang exam. Meron din kaming mani sa gitna ng lamesa para iwas cramming.

"Laura, paano makukuha 'to?" tanong sa akin ni Mark na siya'ng kinalingon din ni Irene. Lumapit din si Irene at padabog na nagtanong.

"Oo nga Laura, paano mo idederive yan? Ayoko na talaga ng Calculus!" ani Irene at napasabunot nalang sa sarili.

Inexplain ko sakanila paano gawin yun at hindi ko alam kung naintindihan ba nila dahil nagtinginan lang sila nung tinanong ko sila kung nagets na nila ang tinuro ko. Gusto ko nalang sila paghahampasin ng ballpen nung pinaulit nila. Habang inuulit ko ang pageexplain sakanila biglang may papel na humarang sa papel na sinusulatan ko. Napa angat ako ng tingin.

"Oh! Hi!" sabi ko at ngumiti sakanya ng pagka tamis tamis. "Need anything, my prince?" sabay kindat. Aba cute ko kaya kapag naka wink.

"Teach me." aniya at tumabi sa akin. Wait lang parang nabingi yata ako.

"Uy ikaw ah. Miss mo siguro ako kaya lumalapit ka sa akin." sabi ko at niyakap siya. Tinulak niya ako at sinamaan ng tingin. Asus, ito talagang si Shawn Mikael ang pakipot masyado.

Once Upon A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon