Chapter 2

1 0 0
                                    

"Excuse me. Makikiraan lang." sabi ko sa mga students na nakaharang sa daanan papunta sa classroom namin. Ano'ng meron at nagkukumpulan sila?

Hindi parin ako makadaan kaya naman ay nangalabit na ako ng student. Magtatanong ako ano ba pinagkakaguluhan nila dito.

"Ano'ng meron dyan?" tanong ko sakanya.

"May nahimatay kasi kanina dito." aniya at aalis na sana ng magtanong ulit ako.

"Oh tapos? Asan na siya? Okay na ba siya?" nag-alala ako bigla sa sinabi niya. Ang init naman kasi ng panahon ngayon kaya hindi talaga maiiwasan yan.

"Hindi ko lang alam. Sinugod na siya sa clinic. Sige una na ako." sabi niya at umalis na.

Sino kaya yung nahimatay? Sana okay na siya. Mga tsismosang mga 'to. Wala naman na kasi yung nahimatay bakit andito parin sila? Nagpapapansin, ganun?

Sisiksik na sana ako ng biglang may humila sa akin. Nagulat ako sa pagkahila kaya parang lumipad ang wisyo ko at nahilo ako bigla.

Paglingon ko si Kael. Ano'ng kailangan nito? Kakatapos lang namin kumain ah. Sapilitan ko parin siyang pinakain ng inihanda kong tinola. Ako pa nga ang nagsundo sa classroom nila eh. Ako na ang manliligaw.

Napahawak ako sakanya dahil sa hilo. Biglang bigla ako sa hila niya. Ang sakit ng ulo ko, lecheng Kael 'to.

"Laura!" narinig kong sigaw ni Irene. Kinuha niya ang kamay kong hawak ni Kael at pinaupo sa malapit na upuan.

"Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?" aniya. Ito nanaman siya naghi-hysterical, dati kasi nung pasilip silip lang ako kay Kael, hiya pa ako na lapitan siya noon. Kapag nakikita niya'ng umiiyak kapag nakikita ko si Kael na may nililigawan tapos PDA sila kahit saang sulok ng school, kitang kita ko talaga dahil mala CCTV ako nun sakanya.

Ito namang Irene na ito kapag nakikita ako'ng ganun gusto ng sugudin si Kael. Wala naman kasalanan naman yung tao eh, ako ito'ng si tanga tanga at sunod ng sunod sakanya. At asang asa pa talaga ako kapag nagpapakita siya ng gesture sa akin.

Pero as years come by, unti unti naman na ako'ng nasanay. Natutunan ko na hindi mo matatawag na mahal mo yung tao kung hindi ka masasaktan.

"I'm okay Irene. Wag ka ngang ganyan." sabi ko sakanya at pinakiramdaman ang pakiramdam ko. Nang umokay na ay tumayo na ako. Buti nalang at umalis na yung mga tao dito.

Tumayo na ako at namataan kong nakatingin sa amin ng sobrang curious si Kael. Hindi pa ba siya umalis?

"Ano kailangan mo? Tapos na date natin Kael ko." yun na kasi ang tawag ko sakanya simula nung nililigawan ko siya. Sabi nga kasi ni Kenneth, always make him special. Pero if it annoys him calling that way, I'll stop.

Lumukot ang mukha niya ng marinig niya ang sinabi ko. What? Hindi pa ba siya sanay? 2 weeks ko ng siyang tinatawag na ganun.

"Nakalimutan mo yung lunchbox mo. Ano'ng gagawin ko dito? Gusto mo itapon ko?" sabi niya at tinaas ang lunchbox.

Oo nga pala, naiwan ko. Nakaligtaan ko na rin kasi, bigla ko kasing naalala na may assignment pala ako'ng hindi nagawa kaya gagawin ko sana kaso nagkaroon pala ng komosyon dito. Sana lang ay wala si Ms. Benitez ngayon.

"Well, kung gusto mo'ng iuwi, okay lang sa akin. Take it as a remembrance from me." sabi ko at kinindatan siya.

Mas lalong sumama ang timpla ng mukha niya. Kaya kinuha ko nalang, baka mamaya ipukpok pa niya sa akin. Pagkakuha ko ay umalis na rin siya. Edi wow, Kael!

"Bessy, okay ka lang ba talaga?" nag-aalala parin si Irene.

Ngumiti ako at tumango. "Oo naman. Nahilo lang ng kaunti."

Once Upon A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon