Chapter 5

1 0 0
                                    

NAKANGITI ako'ng humarap sa bintana ng aking kwarto. Malaya na ako sa stress, dahil wala na ako'ng exam ngayon. Siguro naman bukas ay ianunsyo na nilang simula na ang aming Semestral Break. Saan kaya kami papasyal ngayong Semestral Break? Kapag kuwan kasi ay, ginagamit ni Mommy ang kanyang 1 week leave para makapag saya kaming tatlo nila Monica.

Nakita ko rin ang nakahanger na uniform ni Kael sa likod ng aking pintuan. Nilabhan ko na pagkarating kokaagad ng bahay. Thursday ngayon kaya naman aayain ko ulit siya'ng lumabas.

Pagkarating ko ng kusina may ay nakita ko ang note sa refrigerator.

Camille anak, pakilaba naman ang mga kurtina at bedsheet. Kain ka rin, wag magpapalipas. -Mommy

Gusto ko nalang magprotesta sa nabasa ko. Mommy naman eh! Akala ko ba rest day ko ngayon pero binigyan mo ako ng gawain.

On second thought, okay din na nagbigay sa akin si Mommy ng gawain. Gusto ko magpapawis ngayong araw, aayusin ko na rin ang kwarto ko. Iibahin ko ang interior, nagsasawa na ako sa ayos niya.

Nag sandwich lang ako for breakfast. Pagkatapos nun ay isa-isa ko ng nilagay ang mga kurtina sa washing machine. Buti nalang at hindi na ako magpapagod sa paglalaba, automatic na kasi ito ikaw nalang ang magsasampay.

Nakaset ito ng isang oras at may oras pa ko para ayusin ang kwarto ko. While I was busy, throwing useless things in my garbage ay tumawag si Irene. Agad ko ito'ng nilagay sa loudspeaker mode at nagpatuloy sa ginagawa.

"Where art thou, lady Laura?" makatang bungad ni Irene, narinig ko namang tumawa sa background si Mark. Wow, magkasama sila.

"What do you want Irene?" pambasag ko sa trip niya.

"Tapos na kasi namin ni Mark ang exams namin. Hindi ka namin makita kaya naman papunta na kami dyan sa bahay niyo." natatawang sabi ni Irene at pinatay na ang tawag. Bigla nalang ako napabalikwas at tumakbo pababa. Makalat dito, pesteng Irene yun!

Dali dali ako'ng nagwalis at nilinis ang mga kalat namin ni Monica kagabi. May pinagkainan pa ng junk foods sa coffee table namin. Pinagpag ko na rin ang mga unan sa sofa. Pagkatapos nun ay tinext ko si Irene.

To Irene:
Bumili kayo ng pagkain niyo. Hindi ko kayo pakakainin.

Pagkasend ko nun ay sinilip ko ang nilalabhan ko, magri-rinse na maya may kaya naman bumalik ako ng kwarto at tinapos na ang ginagawa kanina. Nilipat ko rin sa south part ng aking kwarto ang kama ko. Nagsasawa na ako sa sinag ng araw, kaya nilagay ko siya sa madilim na part ng kwarto.

Habang naglalagay ako ng fabric conditioner ay biglang may sumigaw sa harap ng bahay. Napairap ako at inayos ng aking damit. Hindi pa ako nakakaligo, nakakahiya kay Mark. Okay lang kay Irene, kabisado na nga nun ang amoy ng aking kili kili. Pero kay Mark na first time lang pupunta dito sa bahay at makikita ako sa ganitong ayos is not okay.

Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng isang plastic ng isang fastfood.

"We bought some takeouts." sabi ni Irene at pumasok na sa loob. Mukha namang nagaalinlangan si Mark kaya ay hinila ko na siya papasok.

"Bakit pala hindi ka pumasok?" tanong ni Mark sa akin habang kumakain kami.

"Ay. Tapos ko na kasi ang mga exams ko."

Once Upon A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon