Chapter 3

1 0 0
                                    

"Bessy, napapansin ko lang. Himala at tatlong araw ka ng hindi nagpapakita o kaya naman ay nangungulit kay Shawn. Tapos ka ng manligaw sakanya? Suko ka na ba Bessywap?" usisera talaga 'tong Irene na 'to.

Suko na kaagad? Grabe 'tong Irene na 'to. I won't give up is my motto right now.

Tatlong araw ko na ngang hindi nilalapitan si Kael. Malapit na kasi ang Midterms kaya naman todo aral ako dahil hindi ayokong nagcramming dahil sa kakareview.

"Magpa-miss naman tayo, Irene." nakakalokong sabi ko. Half true lang naman.

Kahit naman hindi ako magpa miss doon, hindi ako mamimiss nun. Dream on, Laura Camille.

"Bakit ba ikaw ang nanliligaw Laura?" tanong naman nitong si Mark.

Oo magkakasabay na kaming tatlo, nainggit kasi ito'ng Irene na 'to sa tutorial session namin kada hapon ni Mark kaya naman ay nakisama na siya.

"Ang tagal niya kasing manligaw sa akin kaya inunahan ko na siya." natatawang sabi ko sakanya. "Pero, Mark bakit gusto mong malipat sa section namin?" ang tagal ko na talagang tinatanong sakanya 'to pero hindi niya sabihin sa akin.

Tumawa si Irene. May alam ata ito'ng bestfriend ko, ano kaya yun? Secret lang nila ganun? Sinamaan ko ng tingin ni Mark at si Irene na mas lumakas ang tawa. Ano'ng meron?

"Wala. Balik na kayo sa ginagawa niyo. Ang hirap nitong binigay mo'ng questions Laura." umiwas siya ng tingin sa akin at yumuko para gawin ang ginawa kong sample questions.

"Irene Erika, sasabihin mo ba sa akin o sasakalin kita?" pananakot ko. Baka madaan naman siya sa dahas.

"Mark! Help me." natatakot at natatawang sabi ni Irene at nagtago sa likod ni Mark. Close na kasi sila dahil sila naman talaga ang mag classmate at magkasama sa buong oras sa school.

Umirap ako sakanila dahil sa inis. "Come on guys, tell me. Parang hindi niyo ako kaibigan ah." ginamitan ko sila ng nagtatampong tono. Pero hindi nila ako pinansin.

Iniwas ko na rin ang tingin ko sakanila at nakita ko sa hindi malayong dako ang tingin sa akin na masama ni Kael. Ano'ng problema nun? Nangunot ang noo ko sakanya at mas sumama ang timpla ng tingin niya. Nginitian ko siya at nagflying kiss. Natawa nalang ako sa reaksyon niya dahil nangasim ang kanyang itsura. Oh you are so cute my love.

Nang magbell ay nagsitayo na kami nila Mark at Irene. May long quiz papala ako sa isang subject. Ayaw ko pa naman yung teacher ko dun, masyadong makata magsalita to the point na napapanganga nalang ako kasi talagang ang lalim sa hindi ko maintindihan.

Nagmemorize ako ng mga date na alam kong lalabas sa quiz nang bigla ako'ng napahinto kasi may nagbangga sa akin sa balikat. Galit na galit ako'ng napatingin sa nagbangga sa akin. Sa pagkatulak niya sa akin para naring tumapon lahat ng kinakabisa ko kani-kanila lang.

"Alam mo kahit crush kita, nakakainis ka sa moment na 'to." sabi ko kay Kael at inumpisahan ko ulit ang pagkakabisa.

Si Kael nga ang bumangga sa akin. Ewan ko ba kung ano'ng trip neto. Hindi ko nalang siya pinansin at pumasok na ako sa classroom. Wala ako'ng time ngayon para lumandi. Studies should always come first.

Nakatingin ako ngayon sa wallclock ng classroom namin, malapit ng mag-uwian. I'm done with my long quizzes, exam nalang ang hihintayin ko which is next week na. I should treat myself today.

Pagkaring ng bell ay kinuha ko kaagad ang bag ko at tumakbo papunta sa classroom nila Irene. I have an idea. Panigurado naman hindi pa nakakalabas ng classroom nila yun.

Once Upon A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon