Chapter 1

1 0 0
                                    

MASAYA ako'ng naglalakad papunta sa classroom ng crush ko. Hindi ko ba alam kung crush ko pa ba siya o mahal ko na. Kasi naman 2 years ko na siyang crush. Tanggap ko naman na may girlfriend siya eh, pero syempre pinagdadasal ko na rin na sana mag break na sila.

At kapag nagbreak ibig sabihin binigyan ako ni Lord ng sign para ipursue si Kael. At wala pa silang limang buwan ay nagbreak na sila! Ang saya ko nung araw na nalaman kong break na sila. Kaya heto ako ngayon sa tapat ng classroom ni Kael para ibigay sa kanya ang inihanda kong sandwich.

Oo, tama kayo ng hinala. Ako na nga ang nanliligaw sakanya. Pakipot lang naman kasi ito'ng si Kael. Alam ko naman gusto niya rin ako, kasi kung hindi niya ako gusto malamang hindi niya tinatanggap lahat ng binibigay ko sakanya. Kunting push pa alam kong aamin na rin siya.

All smiles ako'ng sumilip sa nakasingaw nilang pintuan. Nakita ko doon si Irene ang bestfriend ko, hindi kasi kami pareho ng section. Sana nga ako nalang ang kasection ni Kael eh.

"Ilagay mo na 'to sa table niya habang wala pa siya dali." sabi ko kay Irene na sinunod naman niya. Iniwan ko naman ng note yun, at may message ko for him.

Tatanungin ko nalang ulit si Irene mamaya kung kinuha ba ni Kael yung sandwich na ginawa ko. Ispiya ko rin kasi yung isang yun eh.

Pagkatapos ng klase namin ay nabigla ako'ng nasa pintuan namin ni Kael. May hinihintay siya, napakunot ang noo ko. May nililigawan na ba siyang bago? Ang bilis naman? 3 buwan palang ang nakalipas nung nagbreak sila ni Sully.

Wala ng nagawa ang katawan ko ng nakita ko siyang lumalapit sa akin at nakatingin ng diretso. Sign na ba 'to? Gusto na ba niya ako? Eto na ba yun? Wait lang! Hindi pa ako ready! Maganda ba ako ngayon? Mukha na ako'ng haggard. Bakit ngayon pang pagod na pagod ako sa klase?!

"Hey..." aniya. Heto na siya sa harap ko. Nararamdaman ko ng nag-iinit ang pisngi ko. Lakas na rin ng kabog ng puso ko. Heart kumalka ka.

"Yes?" Sabi ko. Wow! Nagawa ko pang sumagot ng maayos. Kahit sa kaloob looban ko, nanginginig na ako. I can feel my cheecks burning, I'm blushing!

"Stop giving me, snacks pwede ba! Mukha bang hindi ako nakakain?" inabot niya sa akin ang tupperware kung saan ko nilagay ang sandwich na ginawa ko sakanya kaninang umaga.

Hindi ko na kasi natanong si Irene kanina, may pinagawa kasing activity sa amin kaya hindi na rin ako nakapag lunch dahil hinahabol ko ang oras ng passing. Ang sama sama nung teacher kong yun.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Huh? Sign of gratitude yan." sabi ko nalang. Hindi na ako makahanap ng right words kaya ayan nalang ang nasabi ko. Pero totoo naman na sign of gratitude kasi andito siya sa mundo'ng ito, sa buhay ko. Charot lang!

Nainis siya sinabi ko, napairap narin siya. Ang cute naman niyang umirap. "Ayoko ng makakita ng cheesy sticky notes mo. Tsaka hindi naman masarap yang sandwich na ginagawa mo."

Nabigla ako sinabi. Ano'ng sabi niya? Hindi masarap? Eh gustong gusto nga ng mga katulong namin at ni Irene. Grabe naman siya!

"Bakit? Natikman mo na ba? 2 beses palang kitang binigyan niyan. Hindi mo pa siguro natitikman." nakangiti ako habang sinasabi ko sakanya yun. Hindi niya pwedeng malaman na naapektuhan ako sinabi niya, kasi once na malaman niya lalait laitin na niya ako hanggang sa tigilan ko na siya. Oh I know it too well.

"At bakit ko naman titikman?" aniya at tumalikod na sa akin.

Oh you don't turn your back on me, Shawn Mikael.

Once Upon A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon