The Best Way To Accept Defeat
(A Motivational Essay)Sino ba dito ang hindi pa naranasang matalo? Mabigo? Masaktan? Magkamali? Lahat naman tayo diba? Napakasakit isipin na paminsan kahit gaano natin ibuhos ang sangkatutak nating effort para sa isang bagay nauuwi pa rin tayong talo. Defeat is somehow similar sa failure, kapag natalo ka sigurado makakaramdam ka nito. Depression, grievance, and fear to try again, siguradong sigurado present ang mga feelings na yan kapag natalo ka. Ang hirap eh, lalo na kung binigay mo lahat pero kulang, loser ka parin.
Pero bes, alam mo ba ano ang pinaka best way para matanggap mo ang pagkatalo mo? Dalawang salita lang ito best, "MOVE ON". Oo bes, hindi lang naman sa pag-ibig nagagamit ang salitang move on eh, pati rin sa pagkatalo. Don't you ever try na magtanim ng galit o sama ng loob sa mga winners o sisihin man ang sarili mo sa pagkatalo mo. Moving on means stepping another stone forward, isipin mo nalang na kaya ka natalo kasi may dahilan, may dapat ka pang matutunan, may dapat ka pang iimprove sa sarili mo. Tandaan, everything happens for a reason. Isipin mo nalang yung positive gains sa pagkatalo natin may natutunan din tayo.
Bes, huwag mong hayaang magpakain at magpadaig ka sa isang pagkatalo mo lang, dahil kung oo, mananatili ka nalang diyan, at talagang dadamdamin mo yan habang buhay. Tatagan mo ang loob mo bes, natalo ka man ngayon, sigurado sa pagsubok mo at sa hindi mo pagsuko, siguradong darating din ang araw na mananalo ka. O dapat ko bang sabihing para kana ring nanalo kapag natanggap mo ng buo ang iyong pagkatalo at patuloy ka pa ring bumabangon?
Kaya natin yan bes, payo ko lang sayo huwag na huwag kang magpapabago dahil lang sa pagkatalo, mas maiging gawin itong inspirasyon para mas lalo nating pag-husayan.
---------------------
Hi Guys! First time ko mang-motivate, sa totoo lang naranasan ko na rin yan, yung matalo ba? Share mo naman sa comment box kung ano ang best way para sayo to accept defeat! Thank you Guys! God Bless You All!-iammariellie
BINABASA MO ANG
Clustered Thoughts
RandomThere are thoughts that somehow affects us, there are thoughts that are always clustered in our minds waiting to be shared. Thanks for reading! :)