Mahal, paano kung hindi naging tayo?
Parehas pa rin ba ang ihip at ibayo?
Saan ka kaya paroroon ngayon?
Saan kaya ako paroroon ngayon?Paano kung hindi tayo nagkakilala?
Nakabuo kaya tayo ng mas magagandang ala-ala?
Hindi ko mawari bakit sa atin ito ay nangyari.
Mga bagay na hindi ko alam kung makukumpuni.Maayos tayo sa paningin ng marami.
Kahit tayong dalawa ay alam kong maayos ang hawi.
Pero bakit nagpupumilit itong isip na parang may mali.
Dahil ba tayong dalwa'y nagmadali?Sabi mo sa akin tayo hanggang sa dulo.
Posible kayang pangarap na yun ay mabuo?
Kung relasyong to ay maayos sa labas, ngunit may lamat sa loob?
Kaya ba nating manatili at hindi tumaob?Hindi ko na alam ang gagawin.
Nawa'y mga sigaw ng puso ko'y iyong dinggin.
Minsan tayong nagmahalan ng buo,
Ayokong mauwi na lang tayo sa isang pagkatuto.Gusto kong maging masaya tayo.
Masaya ako kapag nandyan ka lalo.
Mahal, minsan tayong nagmahalan ng todo.
Sana'y hanggang huli mapanindigan natin to.--------
Ps. This is a fiction. No related feelings, no related people. Just my pure imagination. Thank you Guys! :)
BINABASA MO ANG
Clustered Thoughts
RandomThere are thoughts that somehow affects us, there are thoughts that are always clustered in our minds waiting to be shared. Thanks for reading! :)