6

2.3K 135 71
                                    

Kathleen pov.

Excited akong pumunta sa condo ni Richard. Birthday nya kasi ngayon araw. Balak ko syang surpresahin.

Ang ganda ng ngiti ko ng makasakay na ako ng elevator,pero daglian ding nawala ng makarating na ako sa unit nya.

Nandon kasi sila ni Cherry at ang malala,magkayakap sila.

Napa-ngiti ako ng mapait,ano nga ba ang laban ko sa babaeng kayakap nya?

Wala di ba?

Laglag ang balikat kong nilisan ang lugar na yon,ngunit bago ako naka-alis nakita ko munang nilingon ako ni Richard.

Happy Birthday mahal ko.

Bulong ko na lang sa hangin.

Hayyy

Siguro may date sila. Ise-celebrate nila ang kaarawan nya.

Napatingin ako sa cake na dala ko ngayon,na ako mismo ang nagbake. Sayang naman ito kung itatapon.

Ah alam ko na. Babalik nalang ako mamayang gabi,para batiin sya at nang hindi masayang ang effort.

Kahit ganoon ang naabutan ko. Masaya pa rin akong uuwi,kasi mamaya masosolo ko naman sya.

'

.
Pagkauwi ko galing sa condo ni Richard. Nakita ko si Aiza na patakbong lumbas ng bahay namin.

Huh? Bakit parang umiiyak sya?

Nag-away kaya sila ni kuya?

Pumasok ako sa loob ng bahay namin. Sakto nakita ko si kuya na nakayuko.

''Kuya?''tawag panain ko sa kanya.

Nag angat naman sya ng tingin,ngunit agad din nagbawi.

''Umiiyak ka ba kuya?''nakita ko kasing namumula ang mata nya.

Ngunit sa halip na sagutin ako,tumayo lang sya at iniwan ko sa sala.

Weird.

Ano kayang problema nila ni Aiza?

Nagkibit balikat nalang ako at umakyat sa kwarto ko.

Mag bu-beauty rest nalang ako. Para mamayang gabi,maganda ako sa harapan ng mahal ko.

Ehhhh. Kinikilig pa ako habang paakyat ng hagdan. Ngunit di ko pa man nabubuksan ang kwarto ko,nakatanggap na ako ng mensahe galing kay  Aiza. Nakikipagkita ito sa akin at importante daw.

Kaya agad na akong pumunta.

.
"Pasensya  na traffic kasi eh. Kanina ka pa ba best?''agad kong tanong ng makarating ako sa tagpuan namin.

''Hindi naman,sakto lang"malungkot naman  syang ngumiti.

''Best,ok ka lang ba?''nag aalala kong tanong sa kanya.

Huminga sya ng malalim,bago sya nagsalita.

"Best,hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kaya lang naman ako nakipagkita ngayon sayo ay para magpaalam ng personal. Aalis na ako Kathleen"may nakatakas na luha sa kanyang mata.

Rebound(R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon