8

2.5K 139 47
                                    

Richard pov.

Gigil na pinasibad ko ang kotse ko palayo sa school na yon at dalawang taong naglalandian sa harapan ng gate.

Fuck that boy ang kapal ng mukha nya para hawakan ang pag aari ko.

Oo akin lang si Kathleen at wala akong planong ibigay sya sa lalaking yon.

Tunog ng phone ang nagpatigil sa pag-iisip ko.

Cherry calling

''Hello?''

''Hi hon,nandito ako sa condo mo. Nasaan ka na''malambing at mapang akit na sabi nya sa akin.

''Papunta na ako dyan. Hintayin mo nalang ako''sabi ko at binaba ang tawag.

Mas lalo kong binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan ko.

Pag dating din sa building kung nasaan ang condo ko,basta ko nalang pinark ang sasakyan ko.

''Hi hon''salubong sa akin ni Cherry.

Hinalikan din nya ako sa labi ngunit hindi ako tumugon. Sa halip binaklas ko ang braso nyang nakapulupot sa leeg ko at pasimple ko syang itinulak.

''Hey,ano ba talagang nangyayari sayo huh Chad. Ilang araw ko ng napapansin yang panlalamig mo sa akin''galit na sabi nya sa akin.

''Wala lang ako sa mood Cherry''walang gana kong sabi.

''Cherry? Cherry nalang din ang tawag mo sa akin. Ano ba Chad,''

''Cherry pwede bang tigilan mo muna ako. Nagsasawa na ako sa bunganga mo''hindi ko na napigilan ang inis ko sa kanya kaya tumaas na ang boses ko.

Marahil ay nagulat naman sya sa pagtaas ng boses ko. Nanlaki kasi ang mga mata nya.

Nang makabawi sya.

''So ganon nalang. Akala ko ba ok itong set-up nating ganito. Bakit nagkakaganyan ka na"may luha ng tanong nya.

''Akala ko rin ok ako sa ganitong sitwasyon,pero hindi Cherry. Hindi ako masaya.''

Lumambot naman ang ekspresyon ng mukha nya at lumuhod sa akin.

''Akala ko ba mahal mo ako? Bakit nagkaka-ganyan ka na?''

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Ayaw kong makita nya ang mata kong nalilito. Kasi yon ang nararamdaman ko ngayon. Litong-lito na ako kung ano nga ba ang nararamdaman ko at kung tama pa ba ito.

''Chad,mahal mo pa ba ako?''tanong nyang muli.

Doon ko sya hinarap.

Rebound(R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon