10

2.7K 132 47
                                    

Kathleen pov.

Isang linggo na mula nang pag-uusap namin ni Richard. At sa loob ng isang linggong yon ramdam ko ang malaking pagbabago nya.

Hindi na kami patago kung magkita. Kinaka-usap na rin nya ako pag nandito kami sa school. Masyado na rin syang PDA. Hatid sundo din ako sa bahay.

Buti nalang talaga wala si kuya sa bahay namin. Nasa ibang bansa sya,business trip.

Maging sa pagkain magkasalo kami. Hindi lang minsan nya akong niyaya na doon nalang tumuloy sa condo nya,ngunit hindi ako sumang-ayon.

May nangyayari pa rin sa amin gaya ng dati,pero nagpipills ako ng hindi nya nalalaman. Minsan na kasi naming napagtalunan yon,masama daw kasi sa kalusugan ko.

Minsan gusto ko ng maniwala sa mga sinasabi at pinapakita nya sa akin. Pero hindi parin naalis sa akin ang takot. Takot na magkamali lang ako ng pagkaka-intindi sa mga pinapakita nya sa akin at takot na masaktan muli.

Nagtataka rin ako kasi nga masyadong PDA si Richard sa akin,paano kung malaman ito ni Cherry? Hindi ba sya nag-aalala na mag away sila? Baka lalo lang silang hindi magka-ayos.

''Hey ang lalim ng iniisip natin ah?'biglang sabi ng bagong dating na pumutol sa pag-iisip ko.

''Paul''anong saya ko ng makita ko syang muli.

Ang tagal naming hindi nagkita. Kaya masaya ako ngayon.

''Yes ako nga''natatawang aniya sabay buka ng kamay,pahiwatig na nanghihingi sya ng yakap.

Hindi ko naman sya binigo,kaibigan ko sya kaya wala namang masama doon.

Yakap,kaibigan lang.

''Kumusta ka na,ang tagal mong nawala. Saan ka ba nagpunta?''tanong ko habang yakap pa rin sya.

Narinig ko ang mahinang tawa nya bago sya sumagot.

''Nagkaproblema lang sa company namin,pero ngayon ok na''aniya.

Doon ako nakaramdam ng guilt,dahil alam ko kung bakit sya nagka-problema at kasalanan ko iyon.

Pabitiw na sana ako sa yakapan namin nang may biglang humila sa akin.

At ang sumunod nang nangyari ay bumagsak na si Paul sa lupa.

''The fuck? Anong problema mo?''galit na tanong ni Paul kay Richard na syang sumuntok.

Mahigpit naman akong hinawakan ni Richard sa braso na ikina-ngiwi ko.

''Ikaw,ikaw ang problema ko. Hindi ka pa ba nadala sa ginawa ko sa company mo?''nakatiim bagang sabi ni  Richard sa kanya.

Sabi na eh.

''Ikaw? Ikaw ang may kasalanan kung bakit nagkaroon ng malaking problema ang companya namin?''gulat ngunit may galit na sabi ni Paul.

Ngumisi naman si Richard.

''Yes,ako nga at wala ng iba"parang proud pa nyang sabi.

Rebound(R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon