9

2.3K 139 62
                                    

Kathleen pov.

Kahit paano nagiging ok na ako ngayon. Isang linggo na ang nakalipas nang huli kong nakita si Richard. Yon ay yong pumunta sya noon sa bahay namin para pagbawalan akong lumapit kay Paul.

Pero asa sya,dahil hindi ko sya sinunod. Sino ba sya pagsabihan ako sa mga dapat kong gawin? O kung sino ang magiging kaibigan ko?

Wala.

Wala kaming koneksyong dalawa. Maaring mahal ko sya,maaring nagpaka-tanga ako sa kanya,pero graduate na ako sa pagiging tanga. Ayaw ko na.

Pero speaking of Paul. Dalawang araw ko na ring syang hindi nakikita. Bigla tuloy para akong nanibago. Mula kasi ng dumating sya,lagi na kaming magkasama. Ngunit itong mga nakaraang araw nga ay nagtataka na ako.

Nasaan na sya?

Papunta ako ng opisina ng canteen nang makarinig ako ng bulong-bulungan ng mga studyante.

"Uy alam nyo bang pinatalsik daw ng may ari ng school yong bagong lipat?''girl one.

''Oo narinig ko kasi inagaw daw nong Paul na yon yong girlfriend ni Richard'girl number two.

Pinatalsik ya si Paul?

At girlfriend?

Sino?

Madaming katanungan ang pumapasok sa isip ko at alam kong si Richard lang ang makakasagot nito.

Wala akong sinayang na sandali,agad akong pumunta sa opisina ni Richard para alamin ang totoo.

Hindi na ako nag-abalang kumatok pa sa opisina nya.

Bakit?

Kung sya nga walang modo at respeto,bakit ko pa sya rerespetuhin di ba?

Nakita ko agad sya na naka-upo habang ang paa nya nakasampa sa kanyang mesa.

Agad na dumapo ang mata nya sa akin ng bigla akong pumasok.

''Bakit mo pinatalsik si Paul''agad na tanong ko sa kanya.

Tumingin ito sa akin nang naka-ngisi.

''Ano bang sinabi ko sayo Kathleen? Di ba ang sabi ko kapag hindi mo sya nilayuan,gagawin kong imperno ang buhay nya? Di ba hindi ka nakinig sa akin? So,,,tinupad ko lang din ang sinabi ko sayo''naka-ngiti pa ring nyang sabi.

Lalong nag-init ang bumbunan ko dahil sa naging sagot nya sa akin.

Pero hindi ako magpapatalo sa kanya.

Nginisihan ko muna sya,bago ako nagsalita.

''Bakit Richard,sino ka ba sa ina-akala mo para sundin ko?''

Rebound(R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon