7

2.2K 140 26
                                    

Kathleen pov.

Umuwi ako sa bahay na mugto ang mga mata.

Nakita ko agad si kuya pagkapasok ko palang ng bahay.

''Kuya''hikbi kong tawag nang makita ko sya.

Nag-angat naman sya ng tingin. At nanlaki ang mata nya nang makita ako na mugto ang mata kaya agad syang lumapit sa akin.

''Anong nangyari Katleen? Sino gumawa nito sayo? Sabihin mo sa akin''may galit na tanong nya pero lamang parin ang pag aalala nya.

Sa halip na sumagot ako sa kanya,niyakap ko nalang sya.

Niyakap naman nya akong pabalik.

''Kath,sabihin mo kay kuya. Sino ang gumawa sayo nito?''muling tanong nya sa akin.

''Ako kuya. Ako ang may kasalanan kung bakit ako miserable ngayon''lumuluhang pag aamin ko sa kanya.

"Kath-

''Kuya hindi ba ako karapat-dapat mahalin? May mali ba sa akin''tanong ko sa kanya.

''Walang mali sayo Kath bulag lang talaga ang taong yon. At huwag mong sabihin na hindi ka karapat-dapat na mahalin. Lahat ng tao ay karapat dapat din na mahalin"

''Pero bakit hindi nya ako magawang mahalin?''

''Hindi ko alam ang sagot Kath. May mga rason kasi ang tao kung bakit. Maaring hindi ikaw ang talagang gusto nya o dahil may mahal na syang iba''

Doon ako hindi nakasagot.

Ano saasabihin ko? Na tama ka kuya may mahal na syang iba,ako si tanga inakit sya kaya ako naging ganito ngayon.

''Kath tandaan mo lagi na ang pagmamahal kaakibat ng sakit. Tandaan mo na kapag nagmahal ka,masasaktan ka. Wala namang perpektong relasyon sa mundo. Lahat tayo masasaktan,sinasadya man o hindi. Ngayong ang tanging magagawa mo lang ay mag-move on. Aral na sayo yang naranasan mo ngayon para sa susunod alam mo na ang gagawin mo. Gaya ng sabi mo,hindi ka nya kayang mahalin kaya pilitin mo na rin syang kalimutan. Mahirap ipilit ang isang bagay. Alam ko napakahirap na kalimutan yan,pero para sayo rin yan. Pag nakapag move on ka na at babalikan mo ang nangyari ngayon baka pagtawanan mo nalang."mahabang litanya nya sa akin.

Rebound(R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon