18

2.6K 150 66
                                    

Kathleen pov.

Lumipas ang maghapon na walang Cherry na dumating. Aminin ko man o hindi ay nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Ayaw ko rin naman kasing magmukha kaming tanga ng anak ko o magmukhang extra sa baksyon ng dalawa.

Maghapon kaming inasikaso ni Richard. Tinangka ko naman syang tulungan ngunit ayaw nya. Sinabi nyang sya nalang daw ang bahala sa lahat. Kami daw kasi ang reyna at prinsesa nya.

Edi wow.

Hanggang sa dumating na ang oras ng pagtulog. Dapat ay sa iisang kwarto kami ng anak ko pero mukhang hindi pwedeng mangyari yon. Para naman kasing nanadya ang pagkakataon. Isang maliit at cute na kama lang ang nasa magiging kwarto sana namin. Sadyang para sa isang bata lang ang higaang iyon. Hindi naman ako pwedeng sumiksik dahil bukod sa sadyang maliit naman talaga ang kama,ayaw pa ng anak ko na nasisikipan.

Huminga ako ng malalim bago nagpasyang kausapin si Richard. Manghihingi ako ng pwedeng isapin sa lapag,wala naman kasi akong makita doon sa magiging kwarto ng anak ko. Kaya ito no choice kundi kausapin tong lalaking mula ng pagtawanan ako kanina'y hindi ko na kinibo.

''Saan ako pwedeng makakuha ng maisasapin?''walang pakundangan kong tanong.

Nag-angat sya ng tingin mula sa binabasa nya.

''Saan mo gagamitin?''

Sa banyo.

Gusto ko sanang isagot. Imposible namang di nya alam kung saan ko gagamitin yon. Kanina nya pa alam na naghahanap ako ng mahihigaan eh.

''Higaan malamang''may inis na sabi ko.

Tumaas naman ang kilay nya.

''May kama naman. Bakit ka naghahanap ng pang sapin?''sagot nya bago binalik muli ang atensyon sa binabasa.

''Oo may kama nga,sobrang liit naman''

''Sobrang liit? Sa pagkaka-alam ko pang tatlong tao ang kama ko. Paano naging maliit yon?''

What?

''Anong ibig mong sabihin,magtatabi tayo sa iisang kama?''gulat na tanong ko sa kanya.

Tumayo sya at nginisihan ako.

''Oh common Kathleen. Para naman ngayon lang tayo magtatabi sa kama?''

Gigil akong napasabunot sa buhok ko.

''Ano ba Richard,hindi ako nakikipag-biruan sayo''

''Hindi rin naman ako nakikipagbiruan sayo..''namimilyong kislap ng kanyang mga mata.

''Bwesit. Mas nanaisin ko pang matulog sa sahig na walang sapin kesa makasama ang isang tulad mo sa iisang kwarto at makakatabi''inis na sabi ko sa kanya at akmang aalis na nang magsalita syang muli.

''Bakit Kathleen,natatakot ka ba na baka hindi ka makapag-pigil at gapangin mo ako?''

''What the fuck? Nababaliw ka na ba para isipin na natatakot ako sayo? At hindi ako tanga para gapangin ka''animal na lalaking ito.

Bwesit na bwesit ako. Lalo na nang marinig ko ang malutong nyang tawa.

''Oww. Eh anong dahilan mo? Bakit ayaw mong tumabi sa akin? Samantalang dati naman hindi lang pagtatabi ang nangyayari sa atin sa gabi. Naglo-love making pa tayo hanggang umaga''

Bwesit talaga. Kailangan ba nyang ipaalala ang bagay nya yon?

''Namumula ka. Inaalala mo noh? Gusto mo bang gawin natin ulit yon,para kahit sa maliit na detalye maalala mo kung gaano tayo kasaya ng mga panahong iyon?''

Rebound(R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon