insomnia
_____Napatingin ako sa salamin habang tinitignan ang sarili ko.
"Tangina, bat ang pogi mo?"
Sabi ko habang nagpopose sa salamin, aba u should lab urself bruh.
Napatingin naman ako sa gamot ko, tangina kahit nainom na kita ay hindi parin tumatalab sakin ang antok. I decided na lumabas na nang banyo at napatingin ako sa orasan ko.
1:00 am
I grabbed my jacket, wallet, keys and my cigarettes at lumabas na sa aking condo.
Naglalakad na ako palabas nang building at makikita ko ang street lights at ang tahimik na lugar dahil gabing gabi na talaga.
I walked my way through my favorite cafe and I saw someone who was waiting for me outside.
"Pakyu ka ang tagal mo."
=.=
"Gandang bungad ah?" Sabi ko sakanya nang tumabi ako sakanya.
Napaubo naman ako nang biglang niya akong inusukan nang kanyang sigarilyo.
"Be thankful that I conceded to your bargain, Mingyu." Wonwoo said and smoke with his cigarette.
"Tss, mukhang pera." Bulong ko sa sarili ko habang naglabas nang stick na sigarilyo.
"Pa-light nga." Sabi ko sakanya at nilapit ko ang sigarilyo sakanya.
Nang ma-lit ko na ang akin, ay agad akong nagbuga nang usok sakanya na kinaubo rin niya.
"Tangina mo hangal." Sabi niya habang nauubo sa pagusok ko sakanya.
Natawa naman ako sa kakyutan niya lalo na yung pag nose scrunch niya kaya hindi ko naiwasan na pisilin yung pisngi niya.
"Heyef ke weg meng peselen pesnge ke." Sabi niya at tinampal niya ang kamay ko.
"So anong gagawin natin?"
"Maglakad." Kalmado kong sinabi sakanya.
"Tangina mo papagurin mo pa ako eh, o siya sige para maumpisahan na isang oras ko. Oh pakyu ka 10k ha." Naiinis niyang sinabi sakin at inirapan pa ako.
"Oo na tangina mo."
So naglakad kami kung san kami mapapadpad nang hangin.
"So kelan ka nanigarilyo?" He started to speak up.
"Hmmm nung highschool ako eh ikaw?"
"Last year lang."He said.
"Wow last year lang? Eh bat parang mukhang pro na pro ka nang manigarilyo?"
"Ganon talaga pag nasanay ka na." He replied at the same time ay nagbuga siya nang usok.
"Anong favorite mong sigarilyo?" I asked him.
"Hmmm depende eh, pero mas prefer ko ang malboro black."
"Black?"
"Oo black parang ikaw." Sabay tawa niya na kinasimangot ko.
"Hayop ka babawasan ko bayad ko sayo."
"Uy joke lang so pikon naman this boi." Asar niya sakin.
Dahil napagod ang aming paa ay nakarating kami sa may park at napagdesisyon na umupo sa may bench.
Tahimik lang kami hanggang sa nagpadesisyon ko nang magsalita.
"May insomnia ako." Napatingin agad siya sakin nang masabi ko yun sakanya.
"Insomnia? May ganon pala talaga."
"Oo, kaya lagi ako gising sa gabi kaya kita hinire para maging entertainer ko."
"Ulul, entertainer mo mukha mo! Wala ka bang ibang kaibigan na pwede mong makausap?"
....
"Wala akong masyadong kaibigan eh."
Nakita ko naman yung malungkot na expresyon niya but I don't need his pity for me.
"I-i'm sorry."
"Nah, okay lang."
Pero nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.
"Tangina mo plus 5k tong yakap ko sayo."
Napatawa naman ako sa sinabi niya.
"5k for a hug huh?"
"Oo, dahil malimit lang akong magyakap at special talaga ang presyo sa yakap ko no?" Sabi niya.
"Then I don't care if i spend a fortune just to have a hug from you." I said while hugging him back.
▪️▪️▪️
BINABASA MO ANG
yosi | meanie ✔️
Short Story⇋ hungrybois series n.uno [meanie] ♦︎ yosi ┋080318 ✍︎ exohohoho 🅲 2018