Gaselle's POV
"Ken! Sa--" sigaw ko.
Teka. Umiwas ba siya? Di niya ba ako narinig?? Ha?? Ha??
Bingi na ba siya? aish! Ano na ba iniisip mo Elle? Omygahd.
"Ay Palaka!" Sigaw ko.
"Lalim na naman ng iniisip mo. Anong meron?" Tanong ni Dylan.
"Iniwasan niya ba a-ako?" Tanong ko.
"Parang ganun nga," at umalis siya.
"ARAY!" Ayun! Tama nga sayo!
Sinakal-sakal ko siya at binatukan.
"ANO BAAAA?" Sigaw niya ulit.
"Alam mo ba di ka nakakatulong! Nag-eemote na nga yung tao, sinisira mo pa!" Sabi ko.
"Ah. Share mo lang?" Napa-poker face ako. UMIINIT NA ULO KO!
"DYLAN!!!!!" Sigaw ko at tumakbo siya.
At ayun, naghabulan na ang lola niyo.
______________________________
Ken's POV
Nakikita ko silang naghabulan. Haist! Ba't ko ba ito ginagawa? Madami nang naitulong si Elle sa akin pero ba't ganito?
Diba dapat masaya ako kasi kasama ko si Mikaela? Yung dream girl ko?
Diba?? Diba?? Masaya dapat ako. Kasi kasama ko yung taong mahal ko.
Pero ba't ganun? Nalulungkot ako.
"Ken? Ok ka lang?" Tanong ni Mik.
"Ok lang ako," sabi ko.
"Kanina ka pa kasi lutang jan eh," sagot nya.
"Wala lang iyon," wika ko.
"Ken, galit ka ba?" At doon. Gusto kong sumabog pero di pwede.
Mahal ko siya, di pwedeng saktan ko siya.
"Hindi, Mik. Hindi ako galit," sagot ko.
"Ok," sagot niya.
______________________________
Gaselle's POV
It's been 2 weeks. 2 weeks na iniiwasan ako ni Ken. Kinalimutan niya na ba ako? Ganun?
2 months nalang, Graduation na. College na ako! Yehey!
Pero..
Ang sakit..
"Huy! Tulala ka na naman!" Sabi ni Dylan.
"Wag mo na sirain ang pageemote ko Dylan! Panira ng moment eh," sabi ko.
"Tssss. Di wag," sabi niya.
Ay nakoooo! Lagot talaga to si Dylan sa sunod!
______________________________
Ken's POV
Wew. Para akong nagkasakit pag di ko siya pinapansin.
Pero parang masaya naman sila. Di ko talaga kaya. Ano bang magagawa ko?
Meron talaga akong pagdududa kay Dylan eh. Parang may gusto siya kay Elle pero tinatago niya lang.
Hayy. Sino ba naman ako para tanungin ang relasyon nila? Dare lang naman yun eh.
Di ko talaga matiiissssss! Haist.
"Dylan," sabi ko.
"O ano?" Sagot niya.
Sungit! Ays!!
"Mag-usap tayo sa court," sabu ko at tumalikod na sana nang..
"Ha??? Anong court?? May abogado ba akoo?? Omaygahd ano ba ginawa ko!!!!" Sigaw niya.. ayan na. Nagloloko na lolo niyo.
"Hindi! Sa gym! Omaygahd. Gaano ba kasira ang ulo mo Dylan?" Sabi ko.
"Ayses. Alis na tayo," sabi niya.
HAHAHA napikon :>
"Ano bang pag-usapan natin?" Tanong niya.
"Gusto mo ba si Elle?" Tanong ko.
Wala nang patumpit-tumpit pa.
Kailangan ko ang sagot nito.
"Paano kung sasabihin kong gusto ko na siya? Ano bang gagawin mo?"
Ayun.
Wala na.
Tapos na.
Mawawala na sa akin si Gaselle.
Ano bang magagawa ko? Bespren lang kami!
"Huy, ba't natutulala ka?" Sabi niya.
"Nagbibiro ka ba Dylan? Ba't ka ba nagkagusto nun? Ang pangit niya Dylan! Ano bang maganda sa kanya?" Sabi ko. Galit na ako eh.
"Wala ka nang magagawa Ken, nasa kanya na ang puso ko. Sana linawin mo na kung ano talaga ang nararamdaman mo. Hindi straight-to -the point. Doesn't mean that you like someone you'll choose her. Choose the one you love not like," sabi niya na nakakapagtaka. Ano pinagsasabi niya?
"And I'll make her mine"
At umalis na siya nang tuluyan..
Bumagsak ang mundo ko nun.
Anuna?
Ken?
Anuna?
BINABASA MO ANG
Oh my Pagibig!
Teen FictionIsa akong Tanga.. Isa ako sa mga taong umasa na may pag-asa na.. pero.. wala eh.. walang wala talaga..