Realizations

7 0 0
                                    

Ken's POV

I miss her na. I really really do. Pero ba't ganun? Parang ayaw niya na sakin eh. Kung hindi lang ako nagpa-uto kay Miks eh sana walang ganito na mangyayari.

Ngayon ko lang narealize na..

I don't deserve to be Elle's Bestfriend..

Iniwan ko siya. Ako ang kusang bumitaw habang siya'y kumakapit para sa aming pagkakaibigan..

"Anak! KEN! Tapos ka na bang mag-ayos? Aalis na tayo," sigaw ni Mama

"Uh yes ma!" sagot ko.

~•~

It's been a long time since I came to their house.

"Mareeee! Hala long time no see ha?" sabi ni Mama. Ayan na naman sila. Mag-chichismisan. Si Tatay naman at Si Tito Rey, paniguradong maguusap tungkol sa business. Halata na talaga.

"Anakkk! Nandito na sina Ken!" sigaw ni Tita.

Oh gee I'm still not ready to face her!

"KEEEEEN!" sigaw niya.

Nabigla ako dun. Ano daw?

"Sorry sorry sorry..." Sabi niya paulit-ulit

Yung nagsosorry siya ang biliz ng tibok ng puso ko.

So totoo nga..

Gusto ko siya..

Haays.

Bakit ang tagal ko narealize?

Sigurado akong makukuha siya ni Dy.

Habang nagpapatawad siya, nakatunganga lang ako.

"Huy, sorry na ah."

"A-ah? O-ok lang.." sabi ko.

Akala ko ba hanggang bestfriends lang kami? Ba't ganito ba kalakas ang pintig ng pusong bago lang nasaktan?

Is it really love that I felt for Mikaela? Or just a puppy love or a spark?

Ang daming tanong ma bumabalot sa utak ko.

Ayoko munang magmahal. Baka hindi rin naman ako mamahalin pabalik.

Sa huli, ako pa rin ang masasaktan.

I was in the middle of my thoughts when the doorbell rang.

"MAAAAAAA! Nandito na si Dylan!" sigaw ni Elle.

Wao. Excited -_-

"Oh sino ba 'tong lalaking to? Pre manliligaw ba to ni Elle?" tanong ni Papa kay Tito Rey.

"Aba hindi! Bespren niya lang yan? Mas romantic lang!" sagot naman ni Tito.

"Mukhang naunahan niya si Ken. Anong plano ba ang nasa utak ng anak ko?" sabi ni Papa.

Di ko kaya yung pinagsasabi ni Papa. Grabe. Di ba siya maka-getover na hanggang bestfriends lang kami? At ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa?

"Dylan, kumain ka na?" tanong ni Elle.

O diba? Imbes na ako yung tinatanong niya, si Dylan na.

I was in the middle of my thoughts when someone talked to me.

"Bro, kausapin mo muna si Elle oh. Para mag-freshen yung sides niyo noong kayo ay nasasaktan," sabi ni Dylan.

Actually, mabait pala si Dylan.

"Oh ok. Saan ba siya?" Gusto ko ring makipag-usap sa kanya. Tama si Dylan. Kailangang-kailangan.

"Doon sa pool. Go. Talk to her." sabi niya.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras.

Talking to her is my last option.

-*-

"Oh. Hi Ken." sabi niya.

"Uh hello." sagot ko bilang pagbati sa kanya ulit.

Yung mga paa niya ay nasa pool. Kaya umupo ako sa tabi niya.

Awkwardness swallowed our atmosphere. And there was also silence.

Katahimikang gustong-gusto kong mawala.

I was about to break the silence when she talked to me first.

"Ok lang ba sayo, Ken? Na nakipaghiwalay sayo si Mikaela? Kasi.. Para sakin.. Napakasakit niyan eh."

I heard her mumbling but I can't clearly hear those.

"Hmm. Masakit naman." sagot ko.

"Pero ba't napakachill mo? Yang parang wala lang."

"Kasi.. Hay.. Paano ko ba sabihin to?
Feeling ko kasi, hindi talaga yun love eh. It feels like, a spark. A puppy love. Ganun lng." sagot ko.

"Pero ba't ang tagal kong narealize na iba pala yung pumipintig sa puso ko nang ganito?" dagdag ko.

"What do you mean, Ken?" tanong niya.

"Do you mean, may iba ka nang gusto?" she added.

Ang daming tumatakbo sa isipan ko. Sasabihin ko ba? O ililihim ko lang?

But I can't just let myself fall. Maybe. I am the only one who's loving. Baka hindi niya akong kayang mahalin dahil may iba na siya. At iyon ay si Dylan.

"Change topic nga!" sabi ko.

Lumungkot yung mukha niya. Pero hindi niya pinahalata dahil nakaya oa niyang ngumisi sa akin.

Akala niya ha.

"Ba't kayo nag-break ni Mik?"

Blank. Nothing is in my mind right now. Only blanks. Silence swallowed us.

Hindi ko kayang sumagot.

Lalo na, na siya ang dahilan.

"Sagot n--"

"Elle, Ken! Halinakayo! Kain na." tawag ni tita.

Yes! Nakaalis rin!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Oh my Pagibig!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon