AUBREY POV
Papasok na ako ngayon sa school. At kailangan may body guard na kasama? Hussh sana sa bahay na lang ako kahit isang linggo lang kaya naman ako iexcuse ni Daddy. Pababa na ako ng kotse ng mariinig kong may tumawag sa pangalan ko.
"AUBREY MARIE?? HERE?.."
Si Ria pala ang pinaka da best sa lahat. Tumakbo siya palapit sa akin.
"Sisteret anong meron?? Body guard?? Sosyal ah. Ikaw na talaga. Siguro may ginawa ka na namang katarantaduhan kaya nandito yang mga yan. Last time kasi na nandito sila eh nahuli ka ng daddy mong...." tinakpan ko ang napaka daldal niyang bibig.
Nasa tapat kasi kami ng gate ng school kaya bawat estudyanteng dadaan eh napapalingon samin dahil sa ingay niya.
"Pweee. Saan mo huli hinawak yang kamay mo sisteret. EEEEWWW baka mamaya galing ka sa CR at nakalimutan mo maghugas makatakip lang ng bibig wagas. Sabihin mo lang kung gusto mo pakain sakin yang kamay mo. Pupunta tayo ngayon din sa Manila Zoo para ipakain yang kamay mo sa mga buwaya." bulyaw niya.
Nakalunok na naman siguro to ng megaphone.
"Teka nga nakalunok ka na naman ng megaphone ano. Oh inaatake ka na naman ng pagka baliw mo." inirapan ko siya at pumasok na ng St. Joseph High campus. Sumunod naman siya sakin. At pilit akong kinukulit kung ano na naman daw ba ang ginawa ko.
"Umabsent ka ng isang araw. Alam ko hindi mo gawain yon. Nakakapagtampo ka naman. Namiss lang naman kita. Isang araw akong walang kasama wala akong kasabay kumain ng lunch kahapon. Wala rin ako makausap. Tapos iniisnob mo lang ako. Sisteret ganyan ka na ngayon naglilihim ka na." may pagtatampo sa boses niya. Nilapitan ko siya at inakbayan.
"Huwag ka ngang umarte diyan na parang ako ang kontrabida dito. Pwede bang pumasok muna tayo. Male late na kasi tayo eh. Mamayang lunch ko na ikwekwento sayo lahat pwede?, Please sisteret." pag mamakaawa ko sakanya.
"Okay!"
____________
"Okay class IV- Avocado, before I dismissed gusto ko muna sanang magpaalam sainyo." sabi ni Sir Pamintuan.
"Why Sir? You're going somewhere?" tanong ni Sarah ang Miss Campus ng school.
"I just file a leave this morning. I will go to new york for a family reunion. Maybe 2 or 3 months ang itatagal bago ako bumalik. But don't worry class I already met the subtitute teacher this morning. At inayos ko na ang lahat ng dapat ayusin. Lahat na naman kayo nakapagpasa na ng project."
Lahat? eh hindi pa naman ako nakakapg pasa ah.
"Wait Sir ako po hindi pa nakakapag pasa." Sambit ko.
"Miss Montenegro as i remember kapatid mo ang nag abot sakin ng project mo sa faculty room"
BINABASA MO ANG
I married an old Man [COMPLETED]
Romance(Under Editting-Madaming typos kaya need ayusin.) ••••• Age doesn't matter. Hindi naman kasi ang edad ang mamahalin mo eh. Sabi nga ng linya ng kanta: "Kapag tumibok ang puso. Wala ka ng magagawa kundi sundin ito." ••________•• "Because of that stup...