Una

2.2K 27 3
                                    

Grade 10 student na ako ngayong pasukan pero malungkot ako dahil kalahati sa mga naging kaklase ko simula noong Grade 7 ay nailipat na sa ibang section.

Pumapasok ako sa isang pampublikong paaralan kaya syempre di maiiwasan na may mga kaklase ka talaga na makukulit kaya ayun, nagdesisyon sila na paghiwalayin kami.

Bumiyahe ako saktong 6:25 ng umaga para makarating ako sa paaralan bago mag alas-siete.

Habang naglalakad ako papasok ay nakita ko ang isa sa matalik kong kaibigan, si Hailey.

"Hi Hailey!" bati ko sa kaibigan

"Hello Felicity! Kamusta?" tanong niya habang paunti-unti kaming naglalakad sa gate ng paaralan.

"Ok naman ako, medyo malungkot lang dahil nahati na ang section nagin sa dalawa. Ikaw? kamusta?"

"Ok naman ako, pero nalungkot din ako sa nangyari saten pero let's be thankful na lang din kasi mas mababait ang mga bago nating kaklase ngayon." sabi niya.

"Sabagay, nakikita ko na rin naman sila dati eh at marami ding Teacher ang natutuwa sa section nila." sabi ko at hindi namin namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng Classroom.

Pagpasok namin sa loob ay nakita na agad namin ni Hailey si Rhea, isa pa naming bestfriend.

"Dito na kayo mga be, na-save ko na kayo ng upuan." sabi niya at tinuro-turo pa ang dalawang upuan sa magkabilang tabi niya.

Umupo na kamj at di nagtagal ay na-upuan na din ang blanking upuan kanina.

"Good Morning Class, I will be your Adviser and also your Teacher in Science." mukhang kaka-graduate lang ng bago namin adviser dahil ang bata pa talaga tignan ng mukha niya

"My name is Heidi Villarama, and later on kayo naman ang magpapakilala sa akin at sa mga bago niyong classmates since nahati sa dalawang section ang --"

hindi na natapos ni Ma'am Heidi ang pagsasalita dahil may biglang nagbukas ng pintuan...

Medyo matangkad siya, moreno at oo gwapo siya.

"Sorry Ma'am, I'm late." sabi niya at dumiretso sa upuan na bakante sa bandang unahan.

"Okay lang, wala ka pa namang nami-miss e. So start introducing yourself. Mauna na yung nasa likod." sabi ni Ma'am Heidi at umupo na sa upuan na para sa kanya.

"Hi my name is Keila, 16 years old. I love to read books and that's all"

"Hi my name is Ian, 17 years old. I live in Mendez, Cavite."

"Hi my name is Rean, 16 years old.I like playing badminton and chess."

"Claude, 17 years old. I love playing basketball."

Nagpakilala pa ang iba kong mga kaklase hanggang sa tumayo na ako para magpakilala.

pagpunta ko sa harap ay nakita ko si late guy, parang natigil siya sa ginagawa niya at tumingin din sa akin

bigla ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya at ngumiti

"Hi, My name is Felicity. I love playing Volleyball, I love watching movies and reading books." uupo na sana ako ng biglang sumigaw si Hailey....

"Ma'am Dancer din po yang si Felicity! " nako patay na.

"Opo Ma'am magaling po siya sumayaw!" habol pa ni Rhea

"Ms. Felicity can you show us your talent?" sabi ni Ma'am Heidi

"Ma'am, medyo di ko po kasi kabisado e." sabi ko at nagsisimula na ding mahiya.

"No, it's okay just show us your dance. Kahit kaunti lang."

"Sige po, Ma'am."

Kinuha ko ang cellphone ko para sa music na sasayawin ko.

The beat is starting and....

Rover's POV.

Kung hindi siguro ako tumingin kanina ay hindi ko mahuhuling nakatingin na pala siya sakin.

"Ma'am, medyo di ko po kasi kabisado e." sabi niya at halatang nahihiya na dahil medyo namumula na ang mga pisngi niya.

Ang cute.

Sa huli ay kinuha niya ang cellphone niya at nang magsimula na siyang sumayaw...

wow, she's very good at dancing.

hindi niya daw kabisado? eh kalahati na nga ng music ang nasasayaw niya.

Hanggang sa matapos ang tugtog, pumalakpak ang iba kong kaklase.

kahit ako ay pumalakpak din,

pero di masyadong malakas.

nag-bow siya at bumalik na sa kanyang upuan.

I laid my eyes on her since grade 8 pero ngayon ko lang siya nakitang sumayaw.

Ang alam ko ay kasali siya sa Dance Club at lagi silang nananalo sa mga contest na sinasalihan.

Nakakamangha.

Felicity's POV.

Nakakahiyaaaa! kung hindi siguro sinigaw ni Hailey yon ay hindi ako mapagsa-sample sa unahan.

Si Hailey at Rhea ay alam na kasali ako sa Dance Club pero ni minsan walang kahit sinong nakakanood sa pagpa-practice namin. Lagi kasing sikreto ang practice dahil baka daw may espiya sa mga schoolmates/classmates namin.

Pagkaupo ko ay kinuha ko agad ang towel na nasa bag ko at pinunasan ang pawis sa aking noo at leeg.

"Wow Felicity, you nailed it!" sabi ni ma'am sa akin.

Ngumiti na lang ako at tinignan ang lalaking ngayon ay nasa tabi na ni Ma'am Heidi, si late guy.

"Good Morning, I'm Rover Andor." sabi niya at medyo pilit na ngumiti.

"Any talents Mr. Andor?" tanong ni Ma'am sa kanya

"I do love playing online games and watching movies." sabi niya

"Okay, you may now be seated. Thank you." sabi ni Ma'am.

pero bago pa siya bumalik sa upuan niya,

tumingin muna siya sakin

yung tingin na di ko alam kung iiwasan ko ba or tititigan ko din siya

bigla siyang ngumiti at tuluyan nang bumalik sa upuan niya.

Woaaah, wait lang! ang pogi ng ngiti niya!

Let you goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon