"Felicity, ready ka na maging model?" tanong sa akin ni Trixie habang inaayos ng stylist ang emerald green gown na suot ko.
"Trixie alam mo naman hindi ko pinangarao to eh." sabi ko sa kaibigan habang pilit na inaayos ang silk gown na suot.
After ng speech ni Frich exactly 2 months ago, heto ako kasama si Trixie na nagmo-model sa isang sikat sa Clothing line sa Germany na ngayon ay balak na pasukin ang PH market.
"Ano ka ba Fely, mas malaki kita mo dito kesa sa publishing diba?" di ako tatanggi higit na mas malaki ang sweldo ko dito, triple ng sinasahod ko kaysa noong nasa publishing pa ako ng full time.
Good thing Sir Rex allowed me to work part-time, I love publishing company no.
This is just a 1 year contract kaya pumayag ako besides, I can buy my own car and build my own business.
Mr. Frich is very kind, he's quiet all the time but based on the way he treats us and his other staffs I guess we're blessed to have him.
A successful young man in the world of fashion, got the looks and attitude.
Who wouldn't like him?
I stand up and started walking to the big black background for my shoot, I will go first before Trixie.
Mr. William Frich arrived on time huh, kung kailan turn ko na tsaka siya papasok sa studio? Nakakahiya!
He's wearing suit and tie kaya malamang galing pa ito sa isang event or maybe a meeting with a brand. He's holding iced coffee on his right hand and his left hand is inside his pocket. He looked cool tho-- I mean handsome.
He looked at me and gave a brief smile and get his own chair and sat beside the cameraman.
Since this is a still shot, the cameraman and Mr. Frich are freely conversing while taking my shots. I'm uncomfortable since Mr. Frich glances at my way!
Nakakahiya dahil hindi naman ako Pro katulad ni Trixie, I just attended 1-week training na si Mr. Frich ang mismong nag-organize para sa mga newbie na model niya.
No matter how hard I try to impress him,I ended up feeling shy thus making my pose timid and stiff.
Pagkatapos na pagkatapos ko ay dumiretso kaagad ako sa dressing room para magbihis, I need to go to publishing company for the book concert.
Book concerts are waaaaaaay different to normal concerts, in book concert we have the author narrating some parts of his/her story. We actually do this to poem authors, for novel authors we often make a promotional video that contains some parts of the story.
I changed my clothes and removed my make-up, I'll redo my make-up since sa office ako pupunta. Hindi pwedeng pak na pak ang eyeshadow ko doon.
"Pasok!" sigaw ko ng may narinig akong kumakatok mula sa pintuan.
"Do you have work in publishing company, Miss Felicity?" nagulat ako ng marinig ang boses ni Mr. Frich
Tinapos ko muna ang make up ko bago humarap sa kaniya.
"Yes Sir, may book concert kasi next week. Ako yung mago-organize." sabi ko sa kaniya at tumango tango naman siya.
"I'd like to invite you sana to have lunch with me, maybe next time?" nagulat ako pero ngumiti na lang din ako.
"Yes Sir, next time." sagot ko at kinuha na ang bag ko.
"Can I at least, uh, drive you to your workplace?" he seemed nervous asking me that question.
"Talaga Sir? That will be convenient for me since I didn't bring my car. How about you Sir? Baka may meetings pa po kayo?" I asked politely.
"I don't have any meetings or appointments today." sabi niya kaya pumayag na ako at sabay na kami lumabas sa dressing room.
"Aalis ka na Fely?" tanong ni Trixie na ngayon ay nakatayo na din. Turn niya na sa shoot.
"Oo eh, nag-offer si Sir na ihatid na ko kaya aalis na kami. Bye!" sabi ko sa kaniya at kumaway na.
"Bye love birds!" sigaw ni Trixie kaya bigla kaming natigil ni Sir Frich sa paglalakad at sabay na napailing sa sinai ng kaibigan.
Nagkatinginan kami at sabay na natawa. Kainis bakit ganon?
Tahimik lang kami pareho ni Sir Frich hanggang sa makarating na sa Publising Co.
"Thank you Sir! Sorry din sa abala!" sabi ko sa kaniya.
"No worries" sabi niya sabay pakita ng ngiti niyang nakaka-inlove
Naku Sir, wag kang ganiyan.
Pababa na sana ako ng --
"Also Fely, just call me Wil. I'll highly appreciate it if you did." sabi niya at ngumiti muli kaya tumango na lang ako at ngumiti din bago bumaba.
Hinintay ko munang makaalis si Sir Fri-- este Wil bago tuluyang pumasok sa office.
"Sir! Kamusta ang proposal ko for the book concert?" tanong ko kaagad kay Sir Rex na ngayon ay nakaupo lang sa swivel chair niya at umiinom ng kape.
"Hi Felicity! Approved na ang proposal mo sa board kaya pwede ka na magstart to organize the event whenever you like EXCEPT the day before the book con."sabi niya at tumango tango naman ako.
Lumabas na ako sa office ni Sir Rex at dumiretso sa desk ko para i-print ang proposal at designs para mai-send na sa prop and creations team.
While wating for the papers to get inked, kumuha muna ako ng iced coffee sa cafeteria. Mamaya na lang siguro ako magla-lunch, mukha namang madali lang ang gagawin ko ngayong araw.
Sumakay na ko sa elevator para makabalik sa desk ko, nagulat ako ng madatnan kung sino ang taong nakatayo sa desk ko at lilinga linga pa.
"Huy Rover!"bati ko sa kaniya at biglang napatalon sa gulat.
"Felicity." he said trying to sound normal kahit na alam kong nagulat siya.
"What are you doing here?" I asked him, alam ko kasi nasa UK to eh.
"Kakauwi ko lang kasi dito sa Pinas yesterday, I'll work with you para sa book concert na gaganapin next week." pagpapaliwanag niya at tumango tango naman ako.
"Good! Panatag na loob ko sa productions at techy things, kasi prod mo gagawa Director Rey!" sabi ko sa kaniya at nag-thumbs up pa
"Fely don't call me that, just call Rover. Nakakahiya matawag na ganiyan ng first love mo." sabi niya kaya napakunot noo ko sa kaniya.
"Ha? Ano sabi mo?" I'm just trying to make it clear for the both of us, baka mali lang ako ng dinig.
"Ayoko lang kako na tawagin akong Director Rey ng first love ko." he said and looked directly in my eyes and some shit is flying in my stomach because of it!