YSR- Chapter 5

3.8K 72 1
                                    

Chapter Five

THE FIRST thing she did when they arrive at his condo is to change his wet clothes. Sanay na siya sa mga ganoon dahil napag-daanan na niya iyon sa ospital. But with this man infront of her, nanginginig ang buong katawan niya. Alam niyang gising pa ito at inaantok na. Pero wala siyang pakialam kahit makita pa nitong nakatitig siya. She really don’t care. Lord, thank you sa magandang  tanawin na ito.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang polo shirt nito. And, wow. Agad na bumungad sa kanya ang abs nito. Parang bata siyang naninilip at kinikilig kaya hindi namalayan na nagmulat na ito ng mga mata.

“You really seem to enjoy the view.”

“Huh?” Nagulat siya kaya umiwas nalang siya ng tingin. “S-sige magbihis ka na, magluluto lang ako ng soup para sa’yo.” Tinapik-tapik niya ang kanyang noo. Ba’t naman kasi nagpahuli siya rito. “At huwag kang feeler!” sumigaw siya mula sa labas ng kwarto nito.

Nang matapos na niyang iluto ang soup ay nag-ikot muna siya sa condo nito. Maganda ang pagkaka-design, it was surrounded by different shades of blue na nagpapakita ng pagkalalaki nito. Kumpleto rin ito sa lahat ng gamit na halatang puro moderno at mahal. Sa dingding ay nakapost ang mga pictures nang tinanghal ito bilang MVP. Parang ginawa itong wallpaper ng buong ding-ding. Very artistic. Sa sala naman nakalagay ang seventy inch na flat screen tv na nakaangat sa pader. Mayaman nga talaga ang loko.

Napansin niya ang mga picture frame sa gilid ng sofa na nakalagay sa side table. Mayroong picture ng buong pamilya ni Calvin, meron din ng mga kasamahan nito sa basketball at noong birthday siguro nito. Pero ang nakakuha talaga sa atensyon niya ay ang picture na iyon nina Aubrey at Calvin noong graduation ng huli. Iniangat niya ang picture frame. Halatang inlove ang mga ito sa isa’t isa.

Siguro ay hanggang ngayon mahal pa rin ni Calvin si Aubrey kahit may asawa na ito. Totoo nga siguro ang kasabihang ‘first love never dies’. Isa na siyang malaking halimbawa roon. At kung sakali, si Calvin na rin. ‘Nung nagsawa siya sa kakatingin ay ibinaalik na niya ito sa daitng puwesto at nagtungo sa kwarto ng binata.

“Calvin, bumangon ka na diyan at kainin mo na itong soup habang mainit pa.” Hinawakan niya ang leeg nito, mataas pa rin ang lagnat nito. Ginising na niya ito nang tuluyan. “Calvin, kumain ka na at nang makainom ka ng gamot.”

“Subuan mo ako.”

“Iyon nga rin sana ang gagawin ko, eh.” Nagawa pa niyang mambara sa ganoong sitwasyon.

Sinubuan na niya ito at halata namang nasarapan ito sa ginawa niya. Ubos hanggang pinaka ilalim ng mangkok.

“Thanks. It was delicious.”

“You’re welcome. ‘Eto gamot mo.”

Nang matapos niya itong painumin ng gamot at maayos sa kama, tumalikod na siya at naglakad palayo.

“Where are you going? Huwag mo akong iwan dito. I’m feeling really cold.” May halong superiority ang tinig nito pero mas nangingibabaw ang pagmamakaawa.

“I’m not leaving you.”

“Then stay by my side.”

“I can sit here.” Tinuro niya ang maliit na couch sa gilid ng kama nito.

“No. I want you beside me. I want you next to me and hugging me.” Nanghihina na ang boses nito na halatang antok na.

“And give me a reason to that.”

“It’s really cold you know. Kahit ilan pa sigurong kumot ang ipatong mo sa’kin.” Mukhang seryoso nga ito sa lagay na ‘yon. Kung ano-ano na kasi pumapasok sa isip niya.

"Your Sweet Revenge"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon