YSR- Chaper 2

5.1K 84 2
                                    

CHAPTER TWO

“MILO, I told you to pass the ball to me. Kita mo ang nangyari, nakuha ng kalaban ang bola!” pasigaw na sabi niya.

Naiirita na siya. Last Quarter na at dalawang puntos pa ang lamang ng kalaban nilang BluMobile, ang mortal nilang kaaway pagdating sa court. Sila naman, ang Thirst Quenchers ay hindi kailanman umuurong sa anumang laban. Pinaghirapan nilang marating ang finals kaya hindi ito ang tamang panahon upang panghinaan pa siya loob. Kailangan niyang higpitan ang depensa upang hindi maka-iskor ang kabilang team. Ito na ang panahong hinihintay niya.

“I’m sorry, Calv. Na-tense talaga ako, you know this is my first time.” pagtatanggol ni Milo na kakapasok lang sa team. Magaling ito kaya nila ito kinuha pero halatang tensyonado ito sa mga oras na iyon.

“I hope you learned your lesson. Sana hindi maulit.” pagkatapos magsalita ay kumuha siya ng tuwalya at pinunas sa kanyang mukha.

“So okay na?”tumango nalang siya kay Coach Yohann at nagpatuloy din ito sa pagsasalita. “Let’s plan out nang sa ganoon ay makahabol pa tayo.” Nag-umpisa na silang mag-usap. Pagkatapos ng ilang sandali ay tumunog ang buzzer hudyat na mag-uumpisa na ang laban.

“Go fight!” sigaw nila na may kumpiyansa sa sarili. Agad namang sumigaw ang mga kababaihan sa ringside. Sinasambit ng mga ito ang pangalan niya. Kumaway siya at ngumiti pagkatapos ay agad siyang tumakbo sa loob ng court. He really loved his killer smile. It made him more confident.

Ilang sandali pa ay muling tumunog ang buzzer, hudyat na nagtapos na ang laban. Makapigil hininga na laban ang binigay ng dalawang kupunan sa mga manonood at talagang kaabang-abang.

 “I knew we can  do it!” malakas na sambit ni Calvin habang papunta kay Coach Yohann. Nanalo sila dahil mabilis pa sa alas kuwatro kung mang-agaw siya ng bola at naka dalawang three point shots agad siya.

“Job well done, boys!” masayang pahayag ng batang coach. “So, let’s party?” natutuwang alok ni Coach Yohann. Mas matanda lang ito sa kanila ng dalawang taon. Matagumpay na ito sa batang edad pa lang.

“Let’s paint the town red!” agad niyang sagot. “And this also means, hot chiks!” sinabayan pa niya ito na matunog na halakhak.

“Wala ka talagang pinagbago, playboy pa rin.” Hindi maitago sa boses ni Yohann ang pang-aasar.

Tumawa na lang siya at nagkibit-balikat.

WALA talagang pinagbago ang kumag na ito. Sobrang bilib sa sarili at mayabang pa. Kanina pa siya nakikinig at nagmamatyag sa usapan ng mga manlalaro ng Thirst Quenchers. Naroon pa rin sila sa ring side dahil ayaw pang umuwi ni Fleur, gusto pa raw nitong magpa-picture sa mga players. Halos kanina pa sila naghihintay pero mukhang walang pag-asa na lumalapit ang mga ito, mukhang busy  sa pagpapa-interview.

Muling  itinuon niya ang atensiyon sa isang pamilyar na mukha. Si Calvin Johannson Alvarez. How could she forget him? Those dazzling eyes and deceiving looks. Ang mga tinging nagpalambot at nagpa-asa sa kanyang batang puso.Ngunit ang lahat ng iyon ay napalitan ng galit at pagkamunghi dahil sa  isang katotohanang inihampas mismo nito sa kanyang pagmumukha.

But how did he stay so handsome? Mukhang hindi nga ito tumanda sa paningin niya. Stop it, Candy. You don’t deserve that jerk! sigaw ng isip niya. Naku, mukhang makakalbo na siya sa kakaisip dito.

“Girl, okey ka lang? Naka drugs ka ba? Bakit parang natulala ka diyan?” pabiro tanong ni Fleur sa kanya. Sinundan nito ng tingin ang kanyang tinatanaw.

“Akala ko ba ayaw mo na siyang makita? Eh, bakit laway na laway ka diyan?” sabi nito sabay ng mahinang tawa. Umarte pa ito na sinasalo ang laway niya. “Ipakilo natin ‘tong laway mo at nang magkasilbi.”

"Your Sweet Revenge"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon