YSR- Chapter 8

3.5K 65 0
                                    

Chapter 8



NAKAKATATLONG doorbell na si Candy nang maisipan niyang sa susunod na araw nalang magpunta kay Calvin. Mukhang tulog pa ito ngayon marahil ay dahil sa pagod sa biyahe at antok. Mag-aalas-otso na ng umaga ayon sa relo niya. Sayang at maaga pa naman siyang gumising para paghandaan ito ng almusal. Hahakbang na sana siya palayo nang biglang bumukas ang pinto.

Calvin was topless at tanging maluwag na plain blue pajama ang suot nito. Sa ikalawang pagkakataon ay nakita na naman niya ang ‘almost’ hubad na katawan nito.Nakangiti na tinitigan lang siya nito at saka namaywang. Alam niyang nakatulala pa rin siya.

“What a surprise! Bakit nandito ka nang napaka-aga?” bungad nito sa kanya.

“Kapag ba may dumalaw nang ganito kaaga sa’yo, ganyan ang porma mo? ‘Di ka man lang nag-abala mag t-shirt?”

“Hindi ko naman expected na ikaw pala ang dadalaw sa’kin. Sana pala nagboxers nalang ako.” Hinawakan nito ang baba niya. “Baka hindi mo na ako tarayan ‘pag nagkataon.”

“Ah, ganun? Maka-uwi na nga lang.” Hahakbang na sana siya palayo nang hawakan nito ang kamay niya. “What?”

“Binibiro lang kita. Come in.” Naagpatangay nalang siya sa pag-akay nito sa kanya sa loob ng condo. “Magbibihis muna ako, just wait for me here.”

Nagkibit-balikat siya. “Okay.” Naisipan niyang ilapag nalang muna ang mga dalang pagkain sa mesa nito malapit sa kusina. Habang nag-aayos siya ng mesa ay narinig niyang bumukas at muling sumara ang pinto pero hindi nalang niya iyon pinansin. Naghahanap siya ng gatas sa ref nang marinig niyang bumuntong-hininga si Calvin.

“You scare the hell out of me, Candy. Don’t do that again, please. Mababaliw na talaga ako.” Usal ni Calvin. Hindi niya ito na-gets.

“Huh? Hinanda ko lang naman itong mga dala ko.”

Lumapit ito sa kanya at yumakap. “I though you were offended, akala ko umalis ka na talaga.”

“Ano ka ba Calvin? Paranoid lang?” yumakap na rin siya. “Alam mo gutom lang ‘yan. ‘Eto, kumain ka na.”

“Thank you for not leaving me, Candy. I don’t want to lose you again. Not for another wrong decision.” Hindi man niya maintidihan ang ibig sabihin nito, alam niyang tinutukoy nito ang nakaraan nila. She cupped his face and lightly kissed him.

“I won’t leave you again, Calvin. Not in this lifetime.” Nagyakapan nalang sila hanggang sa magkasawaaan na. Tumawa nalang sila pareho at nagpatuloy sa almusal. Sarap na sarap naman si Calvin sa inihanda niyang breakfast para dito.

Nagpunta sila sa living room pagkatapos ayusin ang kanilang mga pinagkainan.

“So, do you have plans for today?”

“Sa huling natatandaan ko ay wala. Bakit?”

“Just stay here. Mag-movie marathon tayo marami pa namang naiwan na DVD’s si Ate Caroline dito.”

“Sigurado ka? Wala ka bang ibang gagawin ngayon? Practice... or date?”

“I have a date.” Nakangising wika nito.

“Eh, bakit mo ako pinapa-stay dito? Gagawin mo akong housekeeper habang ika—”

“Ayoko naman iwang mag-isa ang date ko dito sa bahay.” Tumawa ito nang mahina at humarap sa kanya.  Ngumiti lang siya rito nang mas lumapit pa ito sa kanya. “Come closer. Gusto kitang yakapin.”

“Don’t even try, Calvin. Makaka-tikim ka tala—” hindi na siya nakakontra pa dahil tuluyan na siya nitong binilanggo sa mga bisig nito. Parang nasa alapaap ang pakiramdam niyang habang yakap-yakap siya nito. It felt so right. Hinawakan nalang niya ang braso nitong nakaakap sa kanya at sumandal sa dibdib nito. “Happy now?”

"Your Sweet Revenge"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon