YSR- Chapter 7

3.6K 75 2
                                    

Chapter 7

“YOU look wonderful in that dress, Candy. Mabuti nalang at ikaw ang napili kong kapalit ni Marigold.” Sabi ni ng ate ni Calvin sabay yakap sa kanya. “Take care of my stupid brother, ha? Just stay by his side dahil alam kong ikaw lang ang makakagawa ‘nun.” Bumitaw na ito sa kanya at umupo na sa isang silya sa harap ng salamin. Nginitian niya lang ito at naglakad na papunta sa kanyang kwarto.

Kakatapos lang niya magpalagay ng make-up sa baklang si Kenya. It was Caroline’s wedding day at iyon na rin ang last day nila sa Iloilo. Bukas ng hapon ang flight nila pabalik ng Manila.

Malungkot siya at masaya at the same time. Malungkot dahil iyon na ang huling araw niya sa magandang lugar na iyon. Pero masaya pa rin siya dahil nagawa niya ang mga bagay na kahit kailan man sa buhay niya ay hindi niya inaasahang magagawa niya. She rode a horse and roam around the farm. She was  able to run with the goats and chickens. Siya rin ang nagprisintang kumuha ng mga itlog tuwing umaga upang gawing almusal.

Ang hindi niya makakalimutan sa lahat ay noong ipinasok niya ang kanyang buo braso sa loob ng puwetan ng baka upang malaman kung buntis ito. It was similar to her job, the only difference is; hayop na ang pasyente mo at mas complicated pa ang procedure. At first she was disgusted pero noong nalaman niyang butis ito ay naging masaya siya. The cow was pregnant at siya pa ang unang nakatuklas niyon. She will really treasure those times. Samantalang si Calvin naman ay tuwang-tuwa sa panonood sa kanya. He was always there to support her and cheer for her sa mga bagay na gagawin niya. He was taking pictures of her everytime. After that kiss, it was awkward between them pero nang lumaon ay hindi na nila ito pinag-usapan pa at nag-enjoy nalang sa mga panahong magkasama sila.

Ngayon namang araw naman na ito ay naging instant bridesmaid siya dahil hindi makakapunta ang isa sa mga iyon, emergency daw. Si Calvin naman ang tatayong best man sa kasal. Naalala niya ito kaya naisapan niyang puntahan ito sa katabing kwarto. Nang buksan niya ang pinto ay nagulat siya nang aktong kakatok si Calvin.

“You look beautiful... always.”

“Actually, alam ko na iyan. Wala na bang ibang adjective diyan?” tumawa siya ng mahina at tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa. Kulang ata ang lahat ng synonyms ng gwapo para lang ma-describe ito. “You look handsome in that blue barong.”

Ngumisi ito ng pagkaloko-loko. Huwag kang ngumiti, baka makalimot ako!

“Mauna na tayo sa simbahan, matatapos na rin naman si ate, eh.”

“Sure. Pero bago tayo pumunta nang simbahan, pwede ba tayong dumaan kusina? Nagugutom kasi ako.” Kumisap-kisap pa siya na parang batang nagpapa-cute.

“Lahat para sa’yo.” anitong wala pakandungan na kinuha ang kamay niya at ikinulong iyon sa sariling mga palad nito. Again, that tingling sensation she felt when they’re in contact.

“Calvin...” lumapit siya dito na halos gahibla nalang ang layo. Tumingin siya sa mga mata nito. Nakita niyang ngumisi ito na parang natuwa. “Ang kamay ko... baka pulverized na mamaya.” Nakuha naman nito ang ibig niyang sabihin at niluwagan ang pagkakahawak sa kanya. Whew! That was close.

THE wedding ceremony was solemn. Tanging pamilya lang at mga mga malalapit na kaibigan ng bride at groom ang imbitado. Kakatapos lang ng seremonya kaya halos sabay-sabay nang nagsilabasan ang mga tao. Nagpaiwan muna siya at umupo malapit sa pintuan. Saan na kaya si Calvin? Halos kanina pa niya ito hinahanap.

“Doc, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Halika na?” sabi nito sabay lahad ng kamay sa kanya. Kinuha naman niya iyon at nagpatianod na rito.

Sumakay sila sa kotse nito at umalis na pabalik sa bahay ng mga Alvarez. Doon gaganapin ang reception pati na rin ang handaan sa pista. Tahimik ang buong sasakyan kaya naisipan niyang magtanong-tanong dito.

"Your Sweet Revenge"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon