YSR- Chapter 10 (Finale) :((

4.8K 91 5
                                    

Chapter 10

“I NEED to say something, Calvin. Paunahin mo muna ako.” Nagpakawala siya ng hininga at dahan-dahang tinitigan ito sa mga mata. “First, I want to say sorry because I left you without even explaining my side. I know, I really suck at this kind of things. Marami akong hindi nasabi sa’yo. Una na roon ay ang pesteng plano kong ‘to. I made up my mind back in high school na balang araw ipaparamdam ko sa’yo ang sakit na naramdaman ko. But I swear, mula noong magkalapit na tayo, I decided to stop faking all the things I do. It’s all because I love you.”

“Per—”

“Patapusin mo muna ako, Calvin. Akala ko nga nakalimutan na kita at immuned na sa mga pang-aakit mo, but I was wrong. You really taught me how to be happy again. Binalik mo ‘yung dating Candy na halos hindi nawawalan ng ngiti sa mga labi. Ibinalik mo ‘yung dating ako. Ang hindi ko lang namalayan, pati feelings ko pala para sa’yo nagbalik rin. I kept on denying it to myself dahil nga may sarili akong agenda. But, I don’t care about that damn revenge. All I know is that I love you and I wanted to be with you.”

“Why didn’t you tell me?”

“How am I suppose to say it to? Aaminin ko, naging duwag ako dahil ayoko na uling masaktan. Hindi rin naman ako sigurado kung mahal mo talaga ako o niloloko mo na naman ako, eh.”

“Damn it! How can you say that you’re not sure about what I felt towards you? I always kiss you with all my heart and hold you like your most fragile thing in this world. I sang gay songs for you in a public place and didn’t care if I looked domesticated. The most important thing is, I said ‘I love you’. But you were too busy to think and doubt about what I said, that’s why you didn’t feel being loved.”

“I didn’t know I was that blind. Ang alam ko lang kasi ay nasaktan na ako dati kaya ayoko nang magtiwala. But when you came back into my life and changed everything in just a snap, I realized that revenge isn’t the solution at all. Maniwala ka sa’kin, lahat ng pinakita ko sa’yo mula pa noong halikan mo ako ay totoo. Ang isip ko lang ang tila kumokontra pero ang puso ko, sinasabing matagal nang tapos ang paghihiganti ko mula nang tumibok uli ang puso ko para sa’yo. It was the time when I first saw you... again”

“Are you saying that you saying it was all off all this time?”

“Yes. That’s what I’m trying to tell you but you refused to listen because of what you heard from Reuben.”

“What about running away from me?”

“I wanted to stay away from you because I can’t afford seeing you hurt. It’s very ironic. Ang una kong plano ay makita kang nasasaktan pero ngayon naman ay takot akong masaktan ka. I’m very stupid for running away.” Sabi niya sa pagitan ng paghikbi.

“Ssshhh... Don’t blame yourself, Candy. Ako rin may kasalanan sa’yo. First, pinagsisihan ko talaga noong iniwan kita dati at pinagpalit kay Aubrey. I really thought I still love her that time, huli na ng ma-realize ko na hindi na pagmamahal ang naramdaman ko kundi pananabik lang rito. Nalaman ko rin na mayroon na siyang boyfriend that time at gusto niya lang takasan. Pero pinatawad ko naman siya dahil nga nangibabaw ang kasiyahan ko sa natuklasan kong damdamin.

“Hinanap kita pero huli na pala ako. Nagpunta ka na raw sa Maynila at doon na nag-aral. Kung alam mo lang kung ano kita katagal hinanap. I keep having a failed relationship because they’re simply not you.”

“Ano naman ‘yung sinabi ng mama mo na naging malungkot ka na raw mula nang maghiwalay kayo ni Aubrey?”

“Silly. I never told or let my mother how I felt towards any woman I break-up with. But you were the only exception. Ikaw lang ang parati kong kinukwento kay Mama kaya malamang na ikaw ang tinutukoy niya.”

“So all this time I was jealous of myself?”

“I guess.” He cupped her face and wiped her tears. “Your revenge really worked on me. Maybe if it wasn’t because of your plan ay hindi na tayo pagtatagpuin muli. But because you had a mission to do, destiny brought us together.”

“You believe in that destiny thing?” nagtatakang tanong niya rito.

“Just now. Because destiny brought us back together again.” Kinabig siya nito palapit. “I love you, Kulit! Kahit magkabuhok pa si tweety bird, mahal pa rin kita.”

She pinched his nose. “Ang corny naman ng mahal ko. I love you too, Kulit! Kahit malagas pa lahat bangs ni Dora.”

Calvin claimed her lips in a very sensual and hungry kiss. She responded with equal passion. It was a kiss full of promise and love. Her heart was almost jumping out of her body. Ninanamnam niya ang bawat sandaling iyon.

“You two, get out of here! Naglalaro pa kami, nakaka-distract lang kayo.” Night said while dribbling the ball.

“Let them be what they want to be!”

“No, they can’t. This is a public place, Logan.” Sambit ni Lucas.

“You, guys, hayaan na natin sila.” ani Keane at namaywang.

“Let’s just play! Give them time to talk to each other, mukhang marami pa silang... what do you call that? Basta, they need to talk to each other!” Lysander said while stretching.

Tinapos na nila ni Calvin ang halik dahil sa ingay ng mga lalaking kasama nito. She had to admit, they were all handsome and maybe rich just by observing how they speak and move.

“Sino ba ang mga kumag na ‘yan, Calvin? Ngayon ko lang ata nakita ang mga gwapo nilang pagmumuka?”

“Mas gwapo ako sa kanila!”

“Oo naman, para sa’kin ikaw ang pinakagwapo at magaling na basketball player sa mundo. So, sino nga ang mga gwapo na ‘yan?” nanunuksong tanong niya kay Calvin.

“Meet my cousins from all over the world. Ako nga lang ang matitino sa kanilang lahat.”

“We heard that!” sabi ng isa.

“Mas gwapo kaya ako!” dugtong pa ng isa.

“Mas mayaman naman ako.” Sigurado naman siyang si Lucas iyon.

Niyakap nalang siya ni Calvin at hinalikan sa pisngi. “Let’s get out of here. I want to make it up to you. Saan mo gusto?”

“Gusto ko sa restaurant kung saan mo ako kinantahan at sinabihan ng ‘I love you’.”

“Wherever you want to be, Kulit.”

“You give me premature ventricular contractions!”

“I guess, I love you too?!” inakbayan siya nito palabas ng court.

“It means, you make my heart skip a beat.”

“And you make mine dribble so fast.” Nagtawanan sila.

“Can you sing me the song you sang at the restaurant?”

Calvin started singing the song. It was playing in her mind the whole time. The song served as a background music while they’re walking through the pathway. It was like walking down the aisle with Calvin, the man she loves.

And if you have a minute, why don't we go. Talk about it somewhere only we know? This could be the end of everything. So why don't we go? Somewhere only we know. Somewhere only we know...”

"Your Sweet Revenge"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon