Tapos na tayo!

17 1 0
                                    

Tatlong salita ang naiwan sa aking isipan,
Yun ay ang mga salitang iyong binitawan,
Na nagpakita ng sakit ng isang katotohanan,
Ito ay ang "kailangan mo na akong layuan".

Lalayuan kita? Sa hindi malamang dahilan,
Ano bang mali? Ako ba ay may pagkukulang?,
Sabihin mo naman baka sakaling tayo pa ay magkabalikan,
Dahil ayokong mawala ka sa akin ng tuluyan.

Oh Mahal! Siyam na taon ang ating pinagsamahan,
Tapos sa sandaling panahon lang ba natin wawakasan?,
Lahat sa akin ay iyong nalalaman,
Mahirap lang talagang paniwalaan na darating sa ganitong pamamaraan.

Ayokong bitawan ka,
Pero patuloy ka pa ring kumakawala,
Sa mahigpit na pagkakahawak ko sinta,
At sa mga salitang "Mahal pa rin kita".

Ni wala kang maisagot,
Sa mga tanong na nakakapagod,
Hanggang kailan ba tayo magkakaganito,
Ayoko lang naman maging talo sa pagsasama natin na ito.

Ilang beses ba ako magbubulag bulagan,
Sa mali nating pagmamahalan,
Idagdag pa ang puro kalokohan,
Nang aking malaman na ako ay walang alam.

Isang tao na buo ang pamilya,
Ang aking sinisira,
Ngunit ako nga ba ang tanga,
O ikaw na ginawa akong katanga tanga.

Ni hindi ko alam,
Sa loob ng ilang buwan,
Ako pala ay pinagtataksilan,
Mula umpisa pa lang.

Umabot ng ilang taon,
Ang ating pag iibigan,
Na puro pala kasinungalingan,
At puro kamangmangan.

Mahirap na panindigan,
Ang ating pagmamahalan,
Simula ng aking malaman,
Ang iyong kataksilan.

Sobrang sakit ng iyong ginawa,
Tapos ang iyong isasagot ay mga tawa,
Nakakainis isipin dahil siyam na taon na ako ay iyong pinaikot,
Ilang beses hinuthutan ngunit sadyang kay bait ko at bigay lang ng bigay.

Ayoko na talaga,atin na itong tapusin,
Tapusin na ang lahat ng panloloko mo sa akin,
Pagod na ako,pagod ng umibig sa iyo,
Itigil na natin to nang matigil na ang kahangalan mo,
Tapos na tayo.

Mga TULA ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon