Pagkaka-IBIGan

10 1 0
                                    

Mula bata pa lang,tayo ay nagsumpaan,
Na sa pagdating ng tamang panahon tayo ay magiging magkasintahan,
Pinanghawakan ko ito hanggang sa ako ay iyong iwan,
Lumipad patungong ibang bansa ng walang paalam.

Labing walong taon na ako ngunit naghihintay pa rin sayo,
Nagbabakasakaling ika'y bumalik at muling mapa saiyo,
Ang pagibig ko na hindi naman nawala ng ikaw ay maglaho,
Dahil ang totoo ay umaasa pa rin ako.

Biglang tumunog ang aking cellphone,
Dahil sa napakadaming notification,
Nang ito'y tingnan isang mensahe ang  ang nanggaling sa isang pamilyar na pangalan,
Binuksan ko ito at bumungad ang iyong larawan na may kagwapuhan na hindi nawala kailanman.

Galak ang nadama ng ito ay makita,
Idagdag pa ang iyong pangangamusta,
Kung ayos lang ba ako dahil ako ay namimiss mo,
Di ko ito inaasahan dahil sa tagal na din ng iyong paglaho.

Ako nga pala ay may nabalitaan na ikaw ay babalik,
Di alam kung gaano kabilis ang kabog ng aking dibdib,
Basta isa lang ang ninanais,ito ay ang iyong pagbabalik,
Na malapit ng makamit na aking ikinabibilib.

Dumating na nga araw ng ating paghaharap,
Ika'y di nakakurap sa aking harap,
Na nagbibigay sa aking pakiramdam ng sarap at galak,
Kaya't nakapag-isip ng mabuting balak.

Sa sandaling panahon tayo'y walang sinayang,
Kaya't hindi nakakapanghinayang,
Nang naging tayo ng tuluyan,
At hindi na pinakawalan ang bawat talakayan para sa ating pagsasamahan.

Hindi na naman nagtagal ang iyong pananatili sa aking tabi,
At kailangan ng isauli sa bansang natatangi,
Nag-iwan ka lang ng pangako na hindi sana mapako,
Ito ay ang patuloy ang ating relasyon at parang walang magbabago kahit na magkalayo tayo.

Oras-oras tayo ay magkausap,
Ramdam pa din ang bawat yakap,
Kinikilig pa din sa mga salitang sa iyo ay nalabas na nagbibigay lakas,
Upang maramdaman pa din ang iyong pagmamahal na walang katumbas.

Malaki ang tiwala na binigay sayo,
Gaya ng pagmamahal na binibigay ko,
Na sa pagkakaalam ko ay iniingatan mo,
At nagiging seryoso pagdating dito.

Binisita kita ng walang kaalam-alam,
Sa bansang iyong kinalakihan,
At di inaasahan na agad ako'y magpapaalam,
Dahil sa aking nadatnan na mahirap paniwalaan.

Naglakad ng may pagmamadali,
At tila naubos ang ngiti sa aking labi,
Di napigilang tumili,
Dahil sa inis o galit na hindi mawari.

Sumunod ka pala sa akin,
Upang humingi ng paumanhin,
Sa iyong nagawa na hindi ko man lang napansin,
Dahil di ko talaga inaasahan na iyong gagawin sakin.

Niyakap mo ako ng kay higpit,
Ngunit kumawala ako ng pilit,
Upang tanggalin ang pait at galit,
Uminahon ako at pinakalma sa sarili sa isang saglit.

Hinayaan kitang magpaliwanag sa aking harapan,
Dahil wala talaga akong mahanap na dahilan,
Kung bakit ako'y iyong pinagtaksilan,
At bakit hindi agad iniwan.

Di mo kinaya ang lumbay na nadarama,
Dahil sa layo ng ating pagitan at sa oras na magkaiba,
Kaya't di napigilan na humanap na ng iba,
Upang tugunan ang hindi nakikita ng iyon mga mata.

Wala ng nagawa at ako'y tuluyan ng pinabayaan,
Okay lang naman dahil aking naiintindihan,
Mabuti na rin ito para hindi na parehas masaktan,
At ipagpatuloy na lang ang ating PAGKAKAIBIGAN.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga TULA ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon