Nakangiti ako dahil masaya ako,
Ngumiti talaga ako ,
Para patunayan sayo,
Nandyan ka man o wala itutuloy ko pa rin ang buhay ko.May mga taong mabilis mahulog ang loob,
Pero bigla na lang iiwan,
At saka makakalimot,
Tapos bigla na namang may magpaparamdam.Minsan mas espesyal ang luha kesa ngiti,
Dahil kahit na sino pwede mong ngitian,
Pero tutulo lang luha sa mga taong di mo kayang iwan.Madaling magpatawad sa mga taong umaamin,
Kaysa, sa mga taong nahuhuli na nga patuloy pa ring nagsisinungaling.Huwag kayong magalit sa mga taong mabilis magtampo,
Dahil sila ang mga taong mahal ka talaga kaya masyadong apektado,
Sa mga maliliit na maling bagay na nagagawa mo.KAPAG
Hindi ka na pinagbabawalan sa mga ginagawa mo,
Wala ng pake sa mga pupuntahan mo,
Hindi na big deal ang mga ka-chat o ka-text mo,
Magtaka ka na,
Baka nawalan na siya ng pagmamahal sayo,
At bigla ka na lang iwanan sa dulo.Hindi tanga ang matatawag sa mga taong nagmamahal ng sobra,
Ang totoong tanga ay yung mga taong,
Minahal ka na nga ng sobra,
Nakuha pang tumingin at humanap ng iba,
Tapos ano? Sa dulo masasaktan ka lang ng sobra.Ang taong laging nang-aasar o nangtitrip sayo,
Sila yung mga taong sumasaya tuwing nakukuha nila ang atensiyon mo.Masaya ako kasi mahal kita,
Miss kita pero malayo ka,
Kailangan kita pero wala ka,
Inisip ko na limutin ka at tumingin sa iba,
Pero di ko kaya dahil sadyang Mahal talaga kita.Bakit kita iiyakan?,
Kung kaya naman kitang palitan,
Nagawa mo ng akong iwan,
Siguradong magagawa ko din yun, wait ka lang!.MAHAL KITA,
Salitang madaling bitawan,
Masarap pakinggan,
Mahirap panindigan,
Laging inaasahan,
At madalas naniniwala ka naman,
At nadadala sa sobrang kaligayahan,
Kahit na minsan Walang Katotohanan!.Mas mabuti nang maghintay sa matagal ngunit tamang panahon,
Kaysa sa masaktan ng paulit-ulit dahil sa maling pagkakataon.Ang Pagmamahal parang buhol-buhol na sinulid,
Pag di na kayang ayusin,
Kailangan ng putulin.Nagseselos ako sa mga taong nagiging malapit sayo,
Lalo na at hindi ko magawa yon sa iyo,
Di naman sa pagiging Selfish o Possessive,
Natatakot lang ako na mapunta ka sa iba,
At makalimutan mo kung paano kita napasaya.Simple lang naman ang kailangan mong gawin upang di ka Masaktan,
Yun ay ang umiwas kang magmahal,
Sa taong ang tingin lang sa iyo ay Kaibigan.Nakakasawa ang magmahal ng taong kaibigan mo naman pala ang gusto,
Parang kang umasa sa isang bituin na kailanman ay hindi mapapasayo.
BINABASA MO ANG
Mga TULA ng Pag-ibig
PoesíaIt brings you in the broken world called LOVE...charr.Mapapatunayan dito kung gaano kasakit at ka martir pag ang tao ay umibig.Inyong masasaksihan ang iba't ibang kwento na dinaan ko na lamang sa tula na sana ay inyong mabasa😊 Follow me @lilflute😉...